Kabanata 3

0 0 0
                                    

"Cy, gusto kong ipakilala sa iyo ang bunsong anak ng mga Alcantara."

Kilala ko na siya mama! Gusto ko iyong sabihin kay mama pero hindi ko na ginawa. Magtatanong siya kung saan at paano ko nakilala ang lalaki. Tapos anong sasabihin ko?

Ma, siya lang naman iyong tinanong ako kung magkano ba ako!

Hindi pwede ang gano'n! Baka ako pa ang baliktarin ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Dahil mayaman siya at dahil ginagalang ang mga magulang niya dito sa amin, siguradong siya ang papanigan kahit ano pa ang sabihin niya para ako ang maging masama. When thats time happen I'm sure na ako ang magiging kawawa. At kahit kailan hindi ako magiging kaawa-awa! Lalo na sa lalaking ito!

I scoffed when he extend his hand to me. Ano yan? Ha! Matapos nang ginawa niya kagabi sa akin? Mabuti na lang at nagbago ang isip ko na ipaalala iyon sakanya.

Now I don't know if I should be happy na hindi niya iyon binabangit. Maybe dahil nandito si mama? Pero imposible naman yata na makalimutan niya iyon?

And something is really weird. I woke up alone. No trace of him. Did it really happen? Or its just a hallucinations? So what if it is? Bakit siya naman ang maiisip ko sa at sa gano'n pang paraan? Baka ako talaga ang naencanto dito!

Sa halip na kunin ang kamay niya ay nagkunwari akong naubo. Nagtagumpay naman ako dahil nakita ko ang disgusto sa mga mata niya dahil ang mismong kamay na itinakip ko sa bibig ang siyang ilalahad sana sakanya. Ibinaba niya ang kamay at lalong sumama ang mukha nang lumakas ang ubo ko.

I glared at him. Why are you here bastard?! Umagang-umaga ay nambubwesit ang pagmumukha niya! Makagalaw siya sa harapan ko, inosente lang? But in the other side it a good chance for me.

"Malala na yata iyan Cy. Ano ba ang ginawa mo kagabi para magkaganyan ka?"

Halos maibuga ni Reymart Gray ang iniinom niyang kape matapos marinig iyon kay mama. Pulang-pula ang ang mukha niya na umaabot pa hanggang sa leeg. Nawala ang atensyon ni mama sa akin. Kaya naman hindi ko na kailangan pang mag-isip ng isasagot. Dahil sa totoo lang wala akong maisip.

Huli ka!

"I-I'm fine tita." 'Yan ubo pa! Nahawaan na kita. Hindi ka ligtas dito sa teritoryo ko.

"Fine daw?" Bulong ko.

"Yes, Cy I'm fine. Thank you for asking." Napamaang ako. Aba't? Napakakapal ng pagmumukha! Thank you my ass!

"Hindi ako nagtanong." Ang bastardo ay tumawa lang sa sinabi ko. Tinaaas pa ang parehong kamay na animoy sumusuko.

Nauna na akong umalis sa hapag dahil hindi ko talaga matiis ang presensya niya. Ayaw ko na pareho ang hangin na hinihingahan namin. Gano'n ko kaayaw na makita pa siya! Kasalan niya kung bakit masama ang gabi ko at ngayon. Ni hindi ako nilubuyan na pangingilabot tuwing makikita siya.

Tanghali na kaya naman hindi na ako nakasama sa pangingisda. At ang Alcantara na iyon ang dahilan kung bakit sa unang pagkakataon ay hindi maaga akong nagising.

Papunta pa lang ako kayna Myla nang hinila ako ng isang malas. Ngingiti siya pero sa halip na matuwa ka at manggagalaiti ka. Sa paraan ng ngiti niya ay para bang may masama na siyang balak na nabubuo sa isipan niya.

"Hey, would you mind if I borrow you for a day?" Masama nga! Ano na naman ang kailangan niya?

Pinilit kong ngumiti dahil hindi ko pa rin makakalimutan na isa siya sa dalawang ang anak ng makapangyarihang angkan ng Alcantara. "Hindi ako isang bagay na hinihiram lang."

"Oh? Should I pay you for a minute?" Pinaglalaruan niya pa ang mga labi niya, may iniisip pang iba. "Na-ah, how about a hour with you?"

Napatanga ako. "Trip mo ba ako dahil wala ka nang mapaglagyan ng pera mo? Well, huwag na lang."

Waves Of Obscurity Where stories live. Discover now