Kabanata 2

0 0 0
                                    

"You really like him."

Gray said, matiim siyang nakatitig sa'kin. Natangis ang bagang niya dahil patuloy pa rin ang pagluha ko. Alam kong naiinis na siya sa'kin dahil kitang-kita iyon sa nanlilisik niyang mga mata.

Mula ng hilahin niya ako patungo sa back door ng bahay nila ay nanatili siyang tahimik na pinagmasdan ako. Wala siyang ginagawa kundi ang tingnan lamang ako. Ni ang paglapit sa'kin ay hindi niya ginawa. Gano'n siya naiinis sa'kin.

Bakit ka naman naiinis sakin, playboy?

"H-hindi no!" Nabasag kunyari ang boses ko. Pero kung pakikinggan mo iyon hindi na masyadong peke.

"Yeah and pigs can fly." Ginulo niya ang buhok niya dahil sa pagkainis sa sinabi ko.

"Okay na ako, pwede ka nang umalis." Mas mahinahon na ako ngayon. At ang hikbi ko kanina ay wala na, sinisinok na lang. Maybe I should give my self an award.

Sarkastikong tumawa siya. "Did I tell you na nagaalala ako? Wala akong pakealam! You hear me?"

Napatayo ako at dinuro siya. "'Yon naman pala e! Ano pa ang ginagawa mo dito?!" Kahit na wala akong pake sa galit niya kailangan ko maging ganito.

Naglakad siya palapit sa'kin. Ngayon hindi na siya naiinis sa' kin, galit na galit na siya. Na kahit ang paraan niyang tumingin ay nakakapaso.

"You know what, you should be thankful to me! Iniligtas kita sa pagkapahiya mo sa harapan ni kuya!" Napasabunot ulit siya sa buhok niya. "Nakakatawa ka, alam mo ba 'yon? Alam mo na engaged na 'yong tao pero ibinigay mo pa 'yong lintek na regalong iyon? Nagiisip ka ba?!"

Ano naman ang problema niya do'n?
E hindi naman siya ang pinagbigyan ko. Paasa nga ang bunsong 'to.

Natawa na rin ako. "Ikaw nagiisip ka rin ba?!" Napaatras siya sa sigaw ko. I don't care kahit tumalsik pa ang laway ko sa makapal niyang mukha! "Ano naman sa'yo, ha?! Ano naman kung ibinigay ko sakanya ang regalong sakanya naman talaga?! Alam mo rin ba na masyado kang pakealamero?! You know what too? Nakakairita ka lang!"

"You didn't get my point, do you?" Ngayon naglalakad na naman siya papunta sa'kin.

"Pakealam ko naman sa punto mo!" Itinulak ko siya dahil sobrang liit na ng distansiya namin. Pero ni ang mapaatras siya kahit na kunti ay hindi nangyari.

He jaw clenched and his lips rose an evil smile. "Not that kid! Paano na lamang ang mararamdaman ng fiancé niya, ha? You give him that type of gift na para bang ibinibigay mo na ang lahat!" Napayuko ako, hindi ko naisip 'yon. Shit another stupid stance, Cy.

"H-hindi naman siguro magiisip ng masama ang fiance niya! It's was just a harmless gift!" Muli ay sumiklab ang pagkainis ko sakanya. "Teka nga, bakit ako nagpapaliwanag sa maniac na bully na tulad mo?!

"Harmless gift my ass!" Tumalikod na siya sa'kin. "And I'm not a maniac!"

"Mukha mo! Tapos hindi mo man lang ipinagkaila na isa kang bully! Matandang bully!"

"Kanina ka pa ha! I'm just a 24 year old guy! And I'm still young!"

"Ikaw rin naman, kanina ka pa makatingin sa'kin! And you're still old!"

After I said that, he smirked. "Why? Ano bang tingin ko na sinasabi mo?"

Nababaliw na ba siya? Matapos niyang magalit kanina, ngayon naman ay para siyang bobo na nagpipigil ng ngiti. Bipolar!

"N-na ano! Basta 'yon na!" Bakit parang totoo na 'to?!

"Ano nga? Hmmm?" Tuluyan na siyang ngumiti at napailing pa sa'kin.

Waves Of Obscurity Where stories live. Discover now