Kabanata 11

0 0 0
                                    

"Peace... that's what I need "

Nakauwi na kami sa isang penthouse na pagmamayari ni Lorenzo. Nakahiga siya sa sofa at payapang natutulog. Hindi na niya nahintay ang niluto ko.

Bago kami umuwi sinabi ni Lorenzo na gusto niyang matikman ang homemade adobo. Natuwa naman ako dahil naaalala niya pa pala ang mga pagkain pinoy.

Lumapit ako sa kanya at inaayos ang kamay niya na nahuhulog na sa sofa. Ang bata pa ng kapatid ko pero kung titingnan siya ay hindi na iyon mahahalata pa.

Matured na ang mukha niya at kung hindi ko lang kilala siya ay maaaring matawag ko siyang kuya. Mas matangkad siya sa 'kin at malaki na rin ang pangangatawan marahil ay dahil sa marami na ang kanyang pinagdaanan.

Napangiti ako dahil sa mga binubulong niya. "Ice-cream... with strawberry chocolate..."

Inayos ko ang ilang hibla ng buhok  na tumatakip sa gwapo niyang mga mata. "Magpahinga ka nang mabuti."

Iniwan ko na siya doon pagkatapos ko siyang malagyan ng kumot. Nagtungo ako sa terrace at malayang nilanghap ang preskong hangin.

Kung pwede lang na dito na lang ako. Gigising para maghanda ng almusal, gagawa ng mga gawaing bahay at ilang simpleng gawain ng taong malaya sa dilim ang buhay.

Nakatingin lang ako sa mga halaman at walang naiisip na iba. Nakatitig lang ako do'n. Mas maganda pala sa pakiramdam ang walang iniisip na iba.

Nahinto ang pagmumuni-muni ko dahil sa ingay ng cellphone. Napabuntong-hininga ako bago sinagot ang tawag.

Maingay ang background nang may hawak ng cellphone. Lumipas ang ilan  segundo ay wala pa rin na nagsasalita. Ibaba ko na sana nang mabasa ko ang tumawag sa 'kin.

Rey Alcantara

Habit ko na yata ang sumagot ng tawag na hindi tinitingnan kung sino ang caller.

May pagbagsak na isang bagay na narinig ako. Nagtataka man ay hindi ko sinubukang magsalita. Gusto kong munang malaman kung sino ay may hawak ng cellphone.

Isang malakas na tunog pa ang narinig ko bago may nagsalita. "Hello, is this Arcy?" seryoso man ay nababakas pa rin ang pag-aalala nito.

"Yes,"

"Nasa pilipinas ka naman 'di ba?" Hindi siguradong sabi niya. Nawala na ang ingay. Siguradong nasa bar sila at lumabas si Red.

"Hindi," kaswal na sabi ko. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng malamig na juice.

"Gano'n ba, kailan ka uuwi...? Shhh!" Pagalit ang tono ng pananalita niya, I'm sure na hindi sa 'kin iyon.

May isa pang nakikinig sa usapan namin at kahit hindi ko na tanungin kung sino iyon. Siya lang naman ang laging ganito. Gustong tumawag pero hindi sa 'kin diretsong tumatawag. Napakaweird niya kahit na hindi niya namamalayan.

Bago pa ako ngumiting mag-isa dito ay sumagot na ako kay Red. "Hindi pa ako uuwi, mananatili muna ako rito."

"H-Ha?!" Nataranta lalo si Red. May isang pagtawa akong narinig. Tawang mukhang malapit nang mabaliw. "Magiingat ka na lang Cy... gago umayos ka nga!"

Namamangha pa rin akong nakatingin sa cellphone kahit na kanina pang naputol ang tawag. Ano na naman kaya ang pinaggagawa mo, Rey? Huwag naman sana na ginagawa mo 'to dahil sa 'kin. Ayaw ko nang dumagdag sa sakit na nararamdaman mo.

Hindi ko namalayan na ang juice na iniinom ko ay naubos na. Nagtimpla ulit ako kung sakaling kumain mamaya si Lorenzo. Bumalik ako sa sala para tingnan siya pero namamawis na ito sa at mahigpit ang hawak sa sofa.

Waves Of Obscurity Where stories live. Discover now