Kabanata 13

0 0 0
                                    

"Back to you, Jhong."

Napangiwi siya sa sinabi ko. Hindi ako maniniwala sa sinabi niya. Si Reymart Grey Alcantara nasa likuran ko? Hindi ako tanga para maniwala.

"I'm, Marcus not Jhong!" Namumula ang pisngi niya. Tumingin rin siya sa mga katabi ng mesa dahil sa ginawa niyang pagtaas ng boses.

"Whatever."

Wala na talaga akong balak na mag-angat pa ng tingin sa kanya kung hindi ko lang nalanghap ang pamilyar na pabango. Sa hindi malamang dahilan ay nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.

Nangilid ang mainit na likido sa mga mata ko. Sa kagustuhang kong hindi nila makita ang luha ko ay yumuko na lamang ako. Humigpit pa ang hawak ko sa laylayan ng damit ko para kumuha ng tapang 'don.

Sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang manliit. Para bang ang manatili kung na saang lugar siya ay hindi na dapat pa.

"Rey!" Ramdam ko ang pagbaling ni Marcus sa direksyon ko. "Told you!" asar niya sa' kin. Kung hindi lang ako nagtatago ay sinapak ko na ang mukha niya.

"What is it, Marcus? You know I'm always busy.. I don't have time for this." Lalo yatang lumalim ang boses niya. Nakakapanibago dahil hindi na tonong mapagbiro iyon.

Lagi siyang busy pero may oras para makipagdate? Niloloko niya yata ang sarili niya? But, baka naman ang tinutukoy niya ay abala hindi sa trabaho— sa pambabae.

"Kung wala kang time, 'di wala ka dito!"

"Whatever."

Pasimple aking tumingin sa kanila at mukhang hindi niya pa namamalayan na may ibang tao sa tabi niya. Kahit ba ang presenya ko ay nakalimutan niya na?

"Pareho kayo nang sinabi sa 'kin ni miss grumpy! Baka kayo talaga ang tinadhana?"

Napaubo ako at mas lalong tinakip sa mukha ang magazine nang bumaling sa 'kin si Reymart. Tumawa ang katabi niya dahil sa isang bagay hindi ako sigurado.

"He's your fan." pakilala sa 'kin ni Marcus.

"Yeah, I can clearly see that." Nang sinabi niya iyon ay ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko.

Nasa timing ang kamalasan ko ngayon. Kitang-kita niya ang sariling mukha sa magazine na siyang hawak ko.

"Do you want an autograph?" mayabang na tanong niya.

Iniba ko ang boses ko na tila paos. "H-hindi..."

Nakayuko pa rin na kinuha ko ang mga gamit ko. Handa na akong umalis sa harapan nila kung hindi lang ako tinawag ni Lorenzo sa pangalan ko. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagkatulos sa kinatatayuan ni Reymart.

Nakaawang ang mga labi niyang pinagmasdan ang kabuan ko. Bumukas ang bibig niya para magsalita pero walang nasabi ni isa.

"Mauna na ako..." nanlalamig na ako, hindi ko alam kong dahil sa tingin niya dahil sa panahon ngayon.

"Why, Cy? I thought you'll wait for me." Ngayon hiniling kong sana na signora na lang ang tinawag niya
sa 'kin.

Lalo akong nawalan ng pagkakataon ng umalis sa lugar na 'to. At mukhang hindi nakikilala ni Lorenzo si Reymart.

"Wait... I think..." Tila bulong lang sa hangin iyon ni Rey. "Arcy...?"

Napahakbang ako palapit kay Lorenzo. Wala akong nagawa kundi ang harapin siya. Nanlaki ang mga mata niya pero agad rin iyon napalitan ng walang emosyon.

Hinawakan ni Lorenzo ang siko na siyang sinundan ng tingin ni Reymart. "Hi...?" alanganing sabi ko.

"You know each other?! That's what I told you a while ago! Tinadhana nga kayo." tuwang-tuwa pa 'yong Marcus. Natigilan lang siya sa pangaasar dahil patagong sinipa siya ni Reymart.

Waves Of Obscurity Where stories live. Discover now