Kabanata 12

1 0 0
                                    

"Hindi ako takot sa death threats, Rey kaya kumalma ka."

Nakakahilo ang gingawang pabalik-balik na paglalakad ni Reymart sa harapan ko. Kanina pa siya hindi mapakali dahil kaninang umaga ay may nagpadala sa room niya ng isang kahon. No'ng una akala niya sa kanya pero dahil pangalan ko ang nakasulat ay nagkaganito na siya.

Ang itim na kahon ay may pusang walang buhay na at walang kanang braso. Sa tabi nito ay may nalalantang kulay asul na rosas. Sa bagay na iyon nagtagal ang tingin ko. Hindi ako maaring magkamali na ang bagay na ito ay para sa 'kin.

"Anong klaseng security ba ang mayroon dito? Paanong nakaligtas ang bagay na iyan?" Nanlilisik ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang kahon.

Tumayo ako at kinuha iyon. "Huwag ka nang mag-alala pa, baka mga babae mo lang ang nagpadala.

Nangunot ang noo niya at maya-maya ay kumalma ang mukha nang maunawaan ang sinabi ko."Wala akong babae.

I rolled my eyes with a sarcastic laughed."Yeah, as if I never seen those girls clinging like a linta to you."

Napapangiting lumapit siya at kinuha ang kamay ko. Nagulat ako nang marahang halikan niya ang ibabaw ng palad ko. Napakagaan ng pagkakahawak niya.

Heto na naman ang nakakapanibagong pagbilis ng puso ko. Sa sobrang bilis ng pagpintig ay para bang tumakbo na ako ng ilang milya. Kulang na lang yata na hawakan ko pa ang dibdib ko para makahinga ng maayos.

"Ikaw lang babae ko." ngingiting sabi niya.

Gamit ang palad na hinalikan niya sinadya kong sampalin ang pisngi niya. Nanlaki ang mata naming pareho nang mapalakas iyon. Namula ang maputing niyang balat at kirang-kita ang bakas ng kamay ko.

Sa halip na makonsensya at naisip kong tama lamang iyon sa kanya. Ang kapal ng mukha niyang para sabihing ako lang kahit na ang totoo ay hindi naman talaga. Hindi ako nagagamit dahil hindi ako ang babaeng tinutukoy niya. Sumasama ang loob ko dahil kung mahal niya pa si Elsea hindi niya sa sabihin iyon.

Pero... hindi naman kaya nakaahon na siya?

"Arcy, saan kang parte ng mundo nanggaling at ang lakas mo nang manampal. Tumabingin yata ang bungo ko." Hawak niya pa rin ang pisingi na sinampal ko.

"Wag mo nang alamin dahil baka hindi ka na sikatan ng araw. Hindi pinapapasok do'n ang mga babaerong tulad mo."

Tinalikuran ko na siya at nagtungong basurahan. Sa pagsisiyasat ko sa kahon ay natagpuan ko ang sulat na lumitaw lamang dahil madilim na haharangan ko ang liwanag.

'Your end will always be in my arms'

Nanlamig bigla ang pakiramdam ko. Matagal na ang panahong iyon, bakit nagsisilabasan ang lahat na kaaway ko? Sa sobrang kagandahan ko kaya hindi na sila makalimot? Nakakalungkot naman kung gano'n.

"Suotin mo 'yan!" Pinanlakihan ako ng mata ni Reymart.

Kanina pa niya ako pinipilit na suotin ang itim na cap at sunglasses. Ginagawa niya raw ito para protektahan ako sa taong nagpadala ng kahon sa' kin. Hindi siya mapapanatag hanggat hindi ko sinusot ang mga bagay na 'to.

"Wala na akong makikita sa ayos na 'to." pangangatwiran ko. "Lalo akong mahahalata dahil ganito ang pinasusuot mo sa 'kin, mas magandang magpangap tayo na walang alam para kusa silang lilitaw para harapin ako.

Agad na nagalit ang siya pero nagawa niya pa rin na kumalma."Hahayaan mo ang sariling mong mapahamak?" nasasaktang sabi niya.

Ito ang bagay na ang ayaw kong mangyari. Ang makaramdam siya ng kahit ano sa 'kin. Pero kahit saang banda titingnan, ako ang may kasalan. Ako ang naunang nanggulo sa buhay niya.

Waves Of Obscurity Where stories live. Discover now