Kabanata 20

0 0 0
                                    

Malakas ang paghampas ng mga alon pero sa halip na umalis sa dalampasigan ay mas pinagmasdan ko pa ito. Pakiramdam ko ngayon ay hindi ko magawang umalis sa harap ng dagat. Masyadong maganda ang tanawing ito para sa akin.

O sadya lamang na nagkukunwari ulit ako na maayos lamang ang lahat. Napapikit ako matapos maalala ang usapan ng mama ni Reymart.

"Anak naman! Dadalawa na lang kayo ng kuya mo... wag namang mawala ka sa 'kin." Malayo man ay nakikita ko ang pagnanais ng kanyang mama na mapasang-ayon si Reymart sa gusto nito.

"Hindi ako mawawala, ma." mahinahon lamang na sinagot iyon ni Reymart.

"Hindi ko alam!" nangangalit ang tinig ng ginang. "Iwasan mo na siya, iwan mo na ang lugar na ito!"

"Mama." Hindi pa rin mapa-oo si Reymart. "I am safe with her."

"Ligtas ba ang araw at gabi na habulin ng mga hindi kilalang tao! You almost got into an accident... just for me... I begging you son, leave her."

Hindi ko alam ang bagay na iyon. Nakalimutan ni Lorenzo na ipagbigay alam sa 'kin ang impormasyon na iyon. Napakuyom ang kamao ko sa pagiisip kung sino na naman ngayon ang nais ang buhay ko.

"Oo, pero okay lang naman ako mama. Nakakasayaw pa nga ako eh!" Pabirong kumendeng siya sa harap ng mama niya.

"Seryoso ako dito Reymart Grey Alcantara!" angil ng mama niya.

"Ako rin po."

"Anak ng!" Napawi na ang pagaalala ng mama ni Rey.

"Anak ng asawa niyo." sumagot pa ang lalaki.

Lumayo ako sa kanila at tinahak ang daan na ito. Hindi malabong hinahanap na ako ni Reymart subalit hindi ko magawang bumalik. Ayaw ko hindi dahil sa salita ng mama niya kundi dahil sa sarili ko.

Marami na ang nangyari sa aming dalawa. Napapaisip ako kung tama pa ba ang bumalik dito.

"Don't you ever think to leave me again." Pumailanglang ang humihingal na tinig ng lalaki.

Pagharap ko ay siyang pagsalubong ng mapupungay niyang mga mata. Mabagal na lumapit siya sa akin at yinakap ako.

"Are you okay?" mas mahinahon na ang tinig niya kung ikukumpara kanina.

"Hindi."

Humigpit ang yakap niya at binaon ang mukha sa leeg ko. "Anong kailangan kong gawin para maging maayos ka?" Tila hinihele niya ako.

"Reymart... tingin mo pwede pa ba ako sayo?"

Tumango siya na nang nakayakap pa rin sa 'kin. "Ako ba gusto mo?"

Oo...

Umuwi kaming tahimik at naabutan ang magulang niyang naghihintay sa aming dalawa. Nagpaalam sila nang hindi ko namamalayan. Hindi ko na binalak pang tumingin sa mama o kahit na sa papa ni Reymart.

Kinabukasan ay para bang nagbalik ang pinakaunang nangyari bago ko pa siya makilala. Suot ang bistidang bulaklakin ay malaya kong pinagmamasdan ang hubad barong katawan ni Reymart.

Ngayon ko lang napansin na hindi na siya gaanong kaputi at mas lumaki pa ang pangangatawan. Ebendensya na ang mga babaeng naglalaway habang pinagmamasdan siya.

Patago akong napairap nang may lumapit sa kanya na may malaking hinaharap. Malaki rin naman ang sa 'kin at mas kaakit-akit pa!

Nabuo ang pagkairita ko nang tumawa silang dalawa na para bang nasa pagitan lang nila ang magandang bagay sa mundo ito. Lalong lumala lang iyon nang haplusin ng babae ang braso ni Reymart.

Waves Of Obscurity Where stories live. Discover now