Kabanata 17

0 0 0
                                    

Nanahimik na lamang ako sa upuan ko at binalingan na lamang ang mga pagkain sa harap ko. Nakuha ng blue berry cheese cake ang atensyon ko kaya naman kinuha ko iyon habang abala ang lahat sa usapan. Naguusap sila at wala ako sa sarili para makialam pa.

Mula sa pagkabusangot ko ay unti-unti akong napapangiti kong gaano ka-cute ang cake na nasa harapan ko.

Isang tikhim lang ng pamilyar na tao ay nawala ang ngiti ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita siyang madilim na nakatingin sa 'kin. Sa kilos niya mukhang kanina pa niya ako pinagmamasdan.

Hindi ko siya pinansin at mas lumapit pa kay Damion. Napaangat ang kaliwang kilay niya at may ngiti na pinipigilan.

"Damion, naiirita ako sa kanya."

Damion looked at me. "Good then." Inilipat niya ang kamay niya sa bewang ko na sinundan naman ng tingin ni Reymart. Nakakaasiwa na ang tingin niya kaya naman tumayo na ako.

"Restroom." Napatingin ang lahat dahil sa bigla kong pagtayo. But, tulad noon sino man sa kanila ay wala akong tiningnan.

"Okay." Damion kiss my forehead.

Mabilis ang mga hakbang ko papunta sa cr para lamang makaiwas sa lalaking iyon. Hindi niya ba nakikita na may kasama ako? Para siyang patay na patay kung tumitig. Nakakalimutan na niya yata ang nangyari noon.

Pagkapasok ko sa cr ay agad akong naghilamos. Galit na pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.

"Ano naman ngayon kung tumingin siya? Bakit apektado ka ha?" inis na wika ko, parang baliw na kinakausap ang sarili.

"Hindi na pwede ang lumapit pa sa kaniya o kahit sino man sa kanila. You'll just hurt them." Pangaral ko sa sarili bago inaayos ang mukha ko.

Handa na akong bumalik para hindi na magpaapekto sa kanila nang halos mapatalon ako dahil sa lalaking nanghihintay sa labas.

Nakasandal siya sa pader at tulad kanina ay madilim pa rin ang mukha na pinagmamasdan ako. Naglakbay ang mata niya sa katawan ko at tumigil lang sa kamay ko.

Dahil do'n ay napagtanto kong nakakuyom na pala ang kamay ko at nanginginig o baka naman naghahanap siya ng singsing.

Isang hakbang palapit sa akin ay halos panawan na ako ng hininga. Nagsilakasan ang tibok ng puso ko at nangangambang baka marinig niya iyon.

"Are you okay?" He said slowly.

Hindi ko siya sinagot at nilagpasan na lamang. Subalit sa halip na iwan ako ay nagawa pa niyang sundan ako.

Nagulat siya sa biglaang pagharap ko. Kahit ako ay nagulat dahil sa lapit niya. "Ano ba!" Naitulak ko siya.

"Sorry."

"Anong kailangan mo?" walang kahit na anong emosyon na sabi ko. "Taon na ang lumipas, please lang Reymart tama na. Hindi mo na kailangan pang magpanggap."

Nalito siya sa sinabi then he sighed ang lick his lower lip. "I know..."

"Yon naman pala eh, leave me alone."

"Are you alright?" Binalewala niya ang mga nauna kong sinabi.

"I'm fine, now go." Pagtataboy ko sa kanya. He nodded bago umalis sa harapan ko.

Napatulala ako sa nangyari at napasapo sa noo. Damn it. Mas nagmukha pa akong  apektado dahil sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Ako ang nagsabing ilang taon na ang lumipas pero ako naman itong galit pa rin sa kanya.

Bakit naman ako magagalit! Tapos na iyon.

"You look stressed, alis na rin ako baka mahawa ako."

Inapakan ko ang sapatos ni Lorenzo. "Yabang ah! Nakapagsalita lang ng tuwid na tagalog."

Waves Of Obscurity Where stories live. Discover now