Kabanata 14

0 0 0
                                    

"Thank you, sir pero hindi naman yata kailangan na sumama pa ako sa family dinner niyo."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Nanatiling nakatingin lang siya sa malawak na dagat. Hawak ng mahahaba niyang daliri ang wine glass at kanina pa siya nagpapasalin sa 'kin no'n.

Unang araw ko sa trabaho at tinutoo niyang dapat ay lagi akong nasa tabi niya. Kahit ang ilang mga crew dito ay gulat pa rin sa presensya ko. Ang kanang kamay naman niya na si Kyohei ay ngingiti lang sa tabi.

Nakaupo si Kyohei sa sofa at pasulyap-sulyap sa'min. "Cy, palasalin." Tawag pansin sa 'kin niya. Mukhang nakita niya ang masama kung tingin sa amo niyang nakatayo lang na parang kahoy.

Lumapit ako sa kanya at nilagyan ng alak ang basong hawak niya. "Di ka ba naba-badtrip d'yan sa boss mo?"

"Actually araw-araw. Pero kapag may ba-" natigilan siya sa pagsasalita dahil sa pagtaas ng boses ni Rey.

"Naririnig kita, Andes!"

Sumigaw pabalik si Kyohei. "Aye, aye captain!" mapangasar na wika niya at binilatan si Rey habang nakatalikod.

Mahina akong napatawa pero agad ko rin na pinigilan dahil na kaharap na sa amin si Rey. Nangungunot ang noo niya at hindi natutuwang makita kami.

"Tingin niyo hindi ko nakita 'yon?" nakangiwing sabi niya. Tinuro niya ang salamin sa harap niya. "Kitang-kita ko repleksyon niyo sa salamin, magiingat naman, ano?"

Ngingiting nagsalita si Kyohei. "Aye, aye captain!" mas malakas na sabi niya.

"Abay tarantado ka, Andes!" sinugod niya si Kyohei na agad namang tumakbo sa boss niya.

Naghabulan sila na parang bata at walang pakialam kung nagkandahulog na ang mga gamit sa loob ng opisina. Napasigaw pa si Kyohei nang maabot ni Rey ang buhok nito. Hindi nagtagal ay pareho na silang nagsasabunutan.

Kinuha ko bote ng wine at doon mismo uminom. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa hanggang sa sila na mismo ang sumuko sa kung ano mang klaseng away 'yon. Humahangos silang dalawa na tumingin sa 'kin.

"Tubig!" sabay nilang sabi.

Sinikmuraan ni Rey si Kyohei na tatawa-tawa lang. "Akin siya, bakit naguutos ka rin?! Sapakin kita riyan!"

"Hiyang-hiya boss! Nakalimutan mo na agad na ilang beses mo akong sinapak!"

Sabay na napaupo ang dalawa. "Sinisigawan mo na 'ko!"

"Kung hindi ka naman tanga boss, siyempre boss! Kanina pa ako sumisigaw dito!" Napaiwas agad si Kyohei dahil sa akmang suntok ni Rey.

"Tanggal ka na, gago!"

"Ano ako masakit na ngipin? Gago ka rin naman ah! Kaya tanggal ka na!"

Nagpalitan na agad silang suntok hanggang sa pagod na silang natumba. Tumayo na ako at lumapit sa kanila.

"Anong gusto niyo, sir?"

Nakahawak sa tiyan at namimilipit ng kaunti si Rey. Matalim niya akong tiningnan na talaga namang tagos hanggang buto. "Sabi ko tubig, di ba?" pikon na wika niya.

Bago tumayo si Rey at sinikmuraan niya muna si Kyohei na nakahawak pa rin sa ulo nito. Naiiyak na tumingin sa 'kin si Kyohei. Ngumiti lang ako sa kanya kaya naman lalo siyang nanlumo.

"Ang papangit niyo na nga, mapanakit pa kayo. Hindi niyo ba matanggap ang gwapong  nilalang na 'to?" Nakaturo siya sa sarili. "Ang sakit, kinawawa niyo ang puso ko, a-ang katawan ko!" Pekeng humagugol siya.

Sa isang tabi ay nakita ko na lamang si Rey na may hawak na cellphone at seryosong kinukunan ng video si Kyohei. "Kaunti pa... kulang pa sa emosyon." Pagpapayo niya kay Kyohei na tatangang sinunod naman ang sinabi ng amo.

Waves Of Obscurity Where stories live. Discover now