Kabanata 19

0 0 0
                                    

Keeping a secret is easy as it say but not in my current situation. Paano ko magagawang matago iyon kung palagi siyang nasa paligid ko at hindi maiwan ako.

Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi man niya ako samahan kung saan man ako magpunta. Sa malayo ay nararamdaman ko pa rin ang presensya niya.

Gano'n na lang ba ang epekto ng nagawa ko sa kanya nang araw na iyon? Hindi ko naman sinasadya na matulog sa likod ng isla na walang nakakaalam.

Nakaupo sa may bench at nags-sun bathing. Parang katulad lang noon ng magbakasyon kami kasama ang mga pinsan niya. Ang pinagkaiba lang ay hindi na siya malapit sa akin.

Napangiti ako ng makita siyang makailang beses na sumusulyap sa kinauupuan ko. Nandoon siya sa may nagbebenta ng buko at kunyaring napasulyap lamang sa 'kin. Hindi ko naman sinabi na umalis siya pero ang pag-iwas na ginagawa niya ay naramdaman niyang kailangan ako.

Napanguso ako nang alisin niya ang tingin sa 'kin. Napairap pa ako dahil sa ilang mga babaeng turista ang harap-harapan na pinagmamasdan ang kabuoan niya. Ngunit walang epekto iyon kay Reymart na ngayon ay abala na sa buko juice niya.

Kinuha ko ang pangcover ko sa swim suit at balak na puntahan siya. Habang palapit sa kanya ay kinukunan ko ng mga larawan ang mga nasa paligid ng dagat. Kasama na do'n ang mga inosenteng ngiti ng mga batang naglalaro sa dalampasigan.

Sa pagatras ko ay may nabangga akong lalaki. Natawanan kami dahil sa nangyari. Bago tumango sa isat-isat para umalis.

Sa pagharap ako ay hindi na ako nagulat pang makita si Reymart na nanlalaki na ang mata at butas ng ilong habang nakatingin sa lalaking inosenteng naglalakad palayo. Wala siyang kaalam-alam na may isang taong pinapatay na siya sa masasamang tingin.

"Ano namang tingin 'yan?" Lumapit na ako sa kanya at binangga ang kaniyang balikat. Natauhan naman siya at nakangusong pinagmasdan ang kabuoan ko.

"Hindi ka ba nilalamig sa suot mo?" Slowly he walked beside me matapos tingnan ako. Siguro ay iniisip niya kung pwede siyang sumabay sa paglalakad ko.

"Bakit naman ako lalamigin, ang taas ng sikat ng araw."

Mas lalong humaba ang nguso niya ng marinig iyon. "Are you comfortable with that?"

Kinunan ko muna ng litrato ang anino namin bago hinarap siya. "Oo,"

"Then, I'm fine with that." Ngumiti siya at nilahad ang kamay sa 'kin. "Akin na, kunan kita ng picture."

I shook my head. Hindi ko makita ang sarili na kinukunan ng litrato lalo dahil siya pa ang gagawa no'n. Especially now, na naninibago pa rin ako sa pagtanggap sa nararamdaman ko. I find it awkward but somehow his presence is enough to make me comfortable.

"Hindi ako maganda sa camera." I truly said.

"Nah-uh, you're still beautiful in my eyes. Every angle..."

I smiled genuinely at him while feeling my fast heartbeat because of him. Never did I know that he can do this to me. Ang dami ko pang sinabi na hindi na ako magmamahal pero sa kanya lang pala ako rurupok.

"Fine." Trying to build my confidence.

Nagtungo kami sa dagat at doon I utos niyang maging normal lamang ang kilos ko. Isipin ko na wala siya do'n na kinukunan ako ng litrato. Truth to his words, nakalimutan kong nandoon siya nang malibang ako sa pagtingin sa mga batang nagtatawanan.

I don't know if I experienced that when I was a child.

"Ti amo." Sabay ng pagharap ko sa nagsabi no'n at ang pag click ng camera.

Napatakbo ako palapit kay Reymart at dagli na kinuha ang camera sa kanya. Tiningnan ko agad ang mga larawan na kinunan niya. Habang tumatagal na tinitingnan ko ang litrato ay lumalaki rin ang ngiti sa labi ko.

Waves Of Obscurity Where stories live. Discover now