Kabanata 7

0 0 0
                                    

"Magbabakasyon daw ang magpinsan na Monforte dito!"

Maaga pa lang pero chismisan na agad ang bumungad sa umaga ko. Nandito ay kayna Loran at tumutulong na magluto sa mga kasambahay. Iyon na siguro ang dahilan kong bakit marami ang niluluto namin ngayon.

"Cy! Hinahanap ka ng papa de asukal mo!" Napairap ako sa hangin dahil sa sinabi ni Red. Lagi na lang nangaasar si Red sa'kin mula nang sunduin ako ni Rey.

Pagkatapos na gabing iyon ay akala ko magagalit siya sa amin pero sinabi niyang mas galit siya sa mga lalaking sumayaw sa harapan namin. Wag ko na lang daw muling babangitin iyon dahil nagdidilim ang paningin niya.

Nandoon sa sofa si Reymart at bagot na tumingin sa'kin. "Tara na sa airport." Hindi na ako nagsalita pa dahil mabilis na siyang tumalikod.

Nauna pa siyang lumabas ng bahay. Sumunod na lang ako tahimik pa rin kahit na nagmamaneho na siya papunta sa airport.

"Nagalmusal ka na?" Tumango lang ako sa tanong niya. Nakatingin lang siya sa harapan. "Okay ka lang?"

"Bakit naman hindi?" sarkastikong saad ko.

"Tsk."

Medyo nabasan rin ang kakulitan ni Reymart. Hindi ako sigurado kung dahil ba iyon sa party.

"Ikaw kamusta na?" 'Yong puso mo?

"Humihinga pa naman." Tumawa na ako do'n. "Damn, I miss your laugh."

"Miss mo lelang mo." Kahit na nagmamaneho ay nagawa niya parin na batukan ako. "Aray ha!"

Nauna siyang bumaba sa kotse at nagtaka pa ako dahil may hawak na niyang cartolina. Kulay pink iyon at may dalawang pompom pa. Hindi ko pa maintindihan kung para saan 'yon nung una pero nang binuka niya iyon ay ako pa yata ang naunang natawa.

The way he's holding that thing make him like a super cute daddy. Para siyang nagchecheer sa isang family reunion. Hindi man nakangiti pero kitang-kita sa mga mata niya ang pagkasabik sa taong hinihintay niya.

Kinuha ko na sakanya ang pom-pom. May ibinibulong siya, balak ko na sana siyang tanungin nang tumili siyang parang babae.

Napaawang ang labi ko. What the?

Nagsitinginan ang mga tao lalo na ang nasa malapit sa'min. Ang kaninang mga babae na namamangha sakanya kanina ay kapwa may nakangiwi ng mga mukha. May narinig pa akong natawa at nanghihinayang.

"Welcome home mga papabells! We miss you so muchy!" Napapiyok pa siya sa huli.

Para hindi niya masuli ang kahihiyan, tumili rin ako. "Welcome home mga shawty! Miss you na muchy!" Sabay kumpas ko sa dalawang pom-pom.

Papalapit na samin ang dalawang Monforte. Ang isa ay nakashade samantalang ang isa ay may suot na eyeglass. Parehong matangkad at nangingibabaw sa mga tao na narito sa airpot.

Madali ko silang nakilala dahil kay Kervy at hindi na mahirap pang malaman na ang mayabang na naglalakad sa tabi niya ay ang matanda sa kanilang apat. Si Timothy.

Nagawa niya pang kumaway sa mga babaeng hugis puso na yata ang nakikita. Nagsitilian naman ang bansang 'yon.

"Thank you sa pagsalubong paborito kong Alcantara." nagising sabi ni Timothy. Niyakap niya pa nang mahigpit si Rey na disgusto at pagkapahiya ang naroon sa mukha. "Nakakataba ng puso."

"Fuck you, Timo." gigil na sabi ni Rey. "Kung hindi lang utang na loob 'tong hayop ka."

"Ang crispy ng mura mo bebe ko." Bago pa masakal ni Rey si Timo ay nakatago na ito sa likuran ni Kervy.

Waves Of Obscurity Where stories live. Discover now