Kabanata 5

0 0 0
                                    

"Mag-aaply po sana akong katulong...kahit ano pong gawain sa bahay!"

Dala-dala ako ang mga gamit ko sa labas ng gate ng mga Alcantara. Mag-isa lamang akong umuwi dahil mas pinili kong 'wag na isama pa si mama sa gagawin ko dito. Nagkaroon pa kami ng kaunting pagtatalo pero naunawaan niya rin sa huli. Ako ang nangako na tutuparin iyon kaya naman hindi ako magsasama ng iba.

Lalo na ngayon, mas mahirap na ang mapalapit kay Reymart Grey. Matapos ang pag-aaway namin inaasahan ko na ang malayong agwat ulit namin. So this time I'm trying my luck as a servant. Ito ang pinaka malapit na trabaho sa kanya.

Siguro nga mali ang ginawa ko, masyado akong naging mabilis. Ni hindi ko man lang inalam kung handa na ba siya doon...pero kailangan nga ba?

Napataas ang kilay ng babae sa akin. "Anak ka ni Cindy di ba?" Tumango ako. Nagtanong pa siya kung bakit ako nagaaply at bakit daw hindi na bumalik si mama. Sinabi ko na lamang ng may problema na inaayos. I lied.

"Pasensya na iha, hindi na kailangan ang isa pang katulong ayon kay sir. Lahat ay may nakaatas na sa mga gawain. Bakit hindi mo na lang subukan ulit na mangisda ulit kasama sina mang Tobias?"

Napakamot ako sa ulo, ang daming tanong ni ate. "Para... maiba naman ho! Alam niyo na..."

"Sus! May nagugustuhan ka na ano?" she maliciously said.

"Hindi naman ho!" May gusto nga ako pero hindi na sigurado sa akin.

"Kabataan nga naman." Napaubo ako do'n.

"I'm turning 18!" Hindi na ako kabilang sa kabataan! Ikakasal na nga ho! "Legal na ako do'n!"

"Ang tanong 18 ka na?" asar ni ate. Aba't!

"17 nga turning 18!" Mariing sabi ko, nais na mas maintindihan niya.

"Arcy, mag-aral ka na lang muna aba hindi madaling nakahanap ng trabaho ng hindi tapos. Kesa magtrabaho ka eh study hard na lang ba!" Proud na proud pa si ate sa english speaking niya. Spokening dollar?

"Uso po ang working student! Isa pa malapit na rin ako sa legal age at-" Hindi na ako natapos magsalita dahil tinakpan niya na ang bibig ko.

"O sige na, ngayon alis na at baka gabihin ka pa."

"Ang bunsong Alcantara, ho?" Kusa na lamang lumabas iyon sa bibig ko.

Mapangakusa na tiningnan niya ako. "Gusto mo ang bunso, ano! Tsk. Tsk. Huwag mo nang hanapin pa dahil umuwi na iyon sa manila! Balita ko pa naman ay nagsisipilahan ang mga babae no'n! Kaya iha aral na lang muna bago landi."

Napamaang ako. "Nagtanong lang ho ako ate. Marites ka? Dami mong sinabi apat na salita lang naman sinabi ko."

"Heh!" Akma niya pang babatukan ako pero hindi naman natuloy.

"Uwi na! Gosh nasisira ang beauty ko!"

"Asan ho 'di ko makita?"

"Bwesit ka ah! Uwi na Arcy nagdidilim paningin ko sayo." Exaggerated pa siyang napatakip sa mga mata niya.

Matanda na ka na kasi.

Sigruro magiisip na ako ng plan B. Bagsak ang balikat na tumalikod ako but suddenly an idea popped up in my mind. "Willing ako maging hardenira! Ate! Ate!"

Hardenira check!

Napahalakhak siya, at tiningnan ang balat ko. "Babad ka talaga sa trabaho, ano?"

"Dami mong tanong ate! Trabaho hanap ko."

"Hardenira? Pwede na rin. Do'n ka sa lumang mansyon ng mga Alcantara. Hindi na masiyadong nadadalaw iyon pero malinis pa naman ang loob ng bahay maliban lamang sa mga bakuran." I smiled at that. That's better. "Gora ka? Magisa ka lang do'n."

Waves Of Obscurity Where stories live. Discover now