Kabanata 9

0 0 0
                                    

"Rey, I need you."

I rolled my eyes after hearing that from some random girl. Inaya ako ni Rey mag sun bathing pero iba ang nangyari.

May isang papansin dito na sa sobrang kapal ng mukha ay lumapit pa sa'min para ayusin lang ang naunhook na bra nito. Sinasadya dahil bigla na lang naalis iyon nang nasa harapan na namin siya.

"I can't, sorry." Rey politely said. Kaya naman pala naging babaero siya! Ang tamis ng salita! Talagang didikit ang babae sakanya.

"But...?" Nagpupumilit pa ito. Tumalbog pa ang boobs nito dahil sa pagpadyak. Wow.

Napatingin ako sa'kin. Okay lang. Ang mahalaga buhay ako.

"I can't miss," Napatingin pa rin ako sa dibdib ko nang kunin ni Rey ang kamay ko. "Siya lang hahawakan ko."

Napataas ako ng kilay do'n. "Ew," mahina lang iyon.

"Arcy!" Babala ni Rey. Nakuha ko naman agad ang gusto niyang iparating.

"Bitch, if you don't want to drown in that beach...keep out of our reach."

"Thats my baby!" Cheer sa'kin ni Rey.

Napahiya ang babae kaya wala na siyang nagawa kundi ang umalis nang nakayuko. Nakahiga naman ako ng maluwag.

Woah. Laki ng ambag niya sa hinaharap.

"Wag kang magalala mas cute ang sakto lang." Sinabi iyon ni Red habang umiinom ng buko juice. Kinagat niya pa ang straw.

"Parang aso lang." Pinitik ko pa ang noo niya.

Umirap siya sakin ang dumapa. "Lagyan mo lotion likuran ko."

"Kilos gold ka rin? Bayad?" Magpinsan nga sila ni Timothy.

Salubong ang kilay na tumingin siya sa'kin. "Tsk, utang muna."

"Makatingin ka ng masama uutang ka rin pala." Kinuha ko na ang lotion at sinimulang lagyan ang likuran niya.

"Taas pa ng kaunti."

"Ayaw na ayaw mong umitim, pangit ka pa rin naman, anemic pa kulay mo." Nasa braso na ako nang dumaing siya.

"Just... keep doing that."

Pinukpok ko ang ulo niya ng lotion dahil nagiba ang tono ng boses niya. Para siyang naulol bigla.

"Ang sakit!" Nakahiga na siya paharap sa'kin.

"Talaga ba, mga ilang percent?"

Kinuha niya ang kamay ko at dinala iyon sa dibdib niya. "Mula dito pababa."

"Manyak!" Sasapakin ko na sana siya kung hindi lang dahil may mga lalaki nang nakapila sa likuran ng bench ni Rey.

Mahaba na ang pila at pinagtitinginan na ng mga tao. Anong nangyayari dito?

"Tapos ka na ba pre? Kami naman." Sinabi iyon ng medyo tan na lalaki.

Mabilis na naunawaan ko ang nangyayari. Mukhang narinig nila paghingi ko ng pera kay Rey kanina.

"Gago ka?" Kinuha ni Rey ang roba na akala ko isusuot niya pero sa'kin isinuot.

"Oh?" Inosenteng wika ng lalaki. "We thought this beautiful miss is giving a ser—" Hindi na natapos iyon dahil nasuntok na siya si Rey.

"Reymart! Tama na!" Hindi pa siya nakuntento dahil paulit-ulit niyang sinuntok iyong lalaki. Nagawa namang awatin sila pero duguan na ang lalaki.

"You better not let me see you again. I'll fucking burn you alive." Sa unang pagkakataon naramdaman kong matakot kay Reymart.

Waves Of Obscurity Where stories live. Discover now