Nakakasakit talaga sila sa ulo e. Paano ko ba natagalan ang mga yun? Ewan.
Habang papunta ako sa cafeteria ng bago naming eskwelahan, hindi ko namalayan na may humila na pala sa'kin habang takip takip ang mata ko.
"Who the heck is this? Yah! Get off me!" Sinubukan kong baliktarin siya pero talagang mas malakas siya kaysa sakin at mas malaki din ang katawan niya kumpara sakin. Ano na naman ba to?
Bakit hindi ko man lang naramdaman kanina ang presensya nila? Yung dalawang yun naman kasi e.
"Aray naman lintek!" Sigaw ko nang napasubsob ako sa lapag.
"Ano bang kailangan niyo sakin?" Tanong ko sa kanila nang makita ko na kung ilan silang lahat. What the men. Anim silang lahat at talagang malalaki ang katawan nila. Lechong manok naman ay. Para silang goons.
"Jace Veniz Almoite." Banggit nung lalaki na nanghila sa'kin kanina.
"Oh?" Walang galang na sagot ko.
"He wants to meet you." Sinong 'he'? Akala ko pa naman siya na ang lider dito tsk.
"Bakit niyo ba ako kilala? At tyaka, sinong 'he' ang pinagsasabi niyo?" Hindi sila sumagot sa'kin bagkus at hinila muli nila ako at pilit isinakay sa mamahalin nilang Starex.
Akma ko na sanang sisipain ang lalaking nasa harap ko bago pa man nila ako maipasok sa van, pero nahawakan nila iyon at tinalian pa. Lechong manok talaga ang buhay na to, lagi nalang nasa kapahamakan e.
Para akong lelechonin nang ipinasok nila ako sa van kahit na nagpupumiglas ako. Nilagyan din nila ng tape ang bibig ko. Kidnapping na to e!
Ano bang kasalanan ko sa kanila? Tyaka 'he' daw ang at hindi naman 'she' kaya imposibleng si Nana ang may pakana nito. At tyaka isa pa, nasa pangangalaga siya ng First Division.
Tumigil na ako sa paggalaw at nag-isip nalang ng plano kung paano ako makakatakas sa mga ito. Lintek naman kasi at nalimutan ko pang kunin yung phone ko sa bag. Kung makapag walk out naman kasi ako. Asar!
Matapos ang kalahating oras, tumigil na din ang van na sinasakyan namin. Muli nila akong binuhat na para talagang isasaing na sa lutuan ng lechon. Hanep naman ng mga to.
"Aray! Kanina pa kayo ah!" Sigaw ko pero hindi nila naintindihan dahil may tape na nakalagay sa bibig ko. Muli kasi nila akong ibinagsak sa sahig.
Nasa isang bahay kami na mas malaki pa sa bahay namin. Siguro mansion na kung matatawag ito.
Lumabas ang medyo may kaedaran na lalaki sa pintuang nasa harap ko. Sino naman to? Bakit naman ako kikidnapin ng matandang to? Hindi ko naman ito kilala ah?
"Jace Veniz Almoite." Bigla nilang tinanggal ang tape sa bibig ko kaya napamura ako. Masakit yun mga pre!
"Ano na naman? Kanina pa kayo tawag ng tawag sa buo kong pangalan e." Nagiging maldita na naman ako na medyo may pagka siga. Epekto ito ng ugali nila Shau at Zia plus sila Kuya.
"Such a brave woman we have here." Ngumisi pa siya sa'kin.
"Ano bang kailangan niyo sa'kin? May klase pa ako oh!" Ano ba yan. First day na first day, absent ako.
Umupo siya at pumantay sa'kin. Itinaas din niya ang mukha ko para mas humarap pa sa kanya.
"If I cannot kill him, then I'll get his precious treasures." Sino na nalang him? Puro sila he at him! My gosh!
Naramdaman kong nakalag na ang tali sa kamay ko kaya walang pag-aalinlangang sinuntok ko ang mukha nitong matandang nasa harap ko. Hindi naman talaga siya totally na matanda talaga. Trip ko lang talaga siyang tawaging matanda.
"What the heck!" Daing nito nang bumagsak siya sa sahig. Akala ko mahina na talaga ako e. Nabigla lang talaga ko kanina kaya nila ako nakuha dito.
Sunod-sunod naman na sumugod sa akin ang mga tauhan niyang kumuha sa'kin sa school kanina. Dahil nga may tali pa ang paa ko, tumalon ako pabaliktad para maiwasan ang pagsugod nila sakin.
"Lintek na tali to!" Malapit na sakin ang dalawa sa lalaki kaya mas binilisan ko pang iginalaw ang paa ko para matanggal ang tali doon.
Sakto naman na natanggal ito nang nakalapit na sila sakin. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon para kunin ang tali at ipinulupot ko iyon sa leeg nilang dalawa. Bale nagka-untugan pa sila. Buti nga sa inyo.
"What the fudge!" Ako naman ngayon ang napadaing.
One of those men attack me while I'm busy with these two bulldogs.
I used my feet to kick his precious thing in the middle that's why he let me go.
Dahil sa panggigigil ko, pinatulog ko nalang ang dalawa na kanina ko pa sinasakal. Hindi pa naman sila mamatay, pinatulog ko lang.
Pagtingin ko sa likod ko, my gas na may tagas. Bakit dumami ata sila?
"Get her!" Sigaw ni Tanda at iyon na ang naging senyales nila para sugurin ako.
"Takbo JV!" Sigaw ko sa sarili ko at tumakbo papunta sa pintuan na nakalimutan nilang isara kanina. Mga buang naman tong mga kidnappers ko.
Salamat sa matinding training Master Henri!
Takbo lang ako nang takbo pero hindi ko inaasahan na sarado ang napakalaking gate nila. What to do?
Hindi naman ako assasin na pwedeng umakyat nalang bigla ano! Wala yun sa training namin! My gas na may tagas talaga!
"Ayun siya!" Pero dahil wala na akong mapagpipilian ay inakyat ko na ang punong una kong nakita na malapit sa bakod ng gate.
Kung bakit ngayon ko pa kasi nakalimutang kunin ang phone ko sa bag tsk.
"Aray naman!" Sumabit pa yung manggas ng damit ko leche.
"Bilisan niyo! Ayun siya!" Bakit ba ang tatalas ng mga mata nila?
Hinigit ko nalang yung manggas ng damit ko at itinuloy na ang pag-akyat sa puno.
Pagkalapag ko sa kalsada, dali dali akong tumakbo palayo bago pa nila ako mahabol ulit.
Eksaktong may nakita akong taxi kaya pinara ko ito at sumakay na.
"Sa Amione University po Kuya. Pakibilisan po sana, late na po kasi ako e."
"Sige ineng"
"Salamat po."
Tyaka lang ako napahinga ng maluwag nang makita ko yung mga tao ni Tanda na binuksan yung gate.
Akala niyo ba mahuhuli niyo ako? Neknek niyo!
Kung makakidnap sila sa'kin, 'di ko naman sila kilala e.
Pero sino kaya yung sinasabi ni Tanda na 'him'? Tyaka papatayin daw niya e.
Sino ba talaga sila? Sino ba talaga ang pakay niya?
---
Dedicated to: Erren_o2
BINABASA MO ANG
Broken Man (ABNLS SEASON TWO)
ActionSeason Two of Ang Basagulera ng Last Section (COMPLETED) Date Started: February 14, 2021 Date Finished: August 30, 2021 ©All Rights Reserved