Twenty Four

130 9 4
                                    

Kung maaari lang sanang magsinungaling ang mga mata.

Gaano ba kabigat ang nagawa kong kasalanan sa buhay at nararanasan ko lahat ng ito?

Wala silang kinalaman sa mga nagawa ko pero bakit damay sila? Bakit nila idinamay ang mga taong walang ibang ginawa kundi suportahan lang ako?

Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na dahil sa'kin, isa isa silang mawawala.

"Zia..." Tanging naibulong ko nang siya ang sumalo sa balang tatama sana kay Nathan. Isa na namang pagsasakripisyo.

Dahil sa galit, hindi na ako nag-atubiling itarak ang rapier sa likod ni Johnny. Kita ko ang gulat sa mga mata ni Shelia sa ginawa ko sa ama niya.

Nakita ni Kuya Lemuel ang nangyari kay Zia at tulala siyang nakatingin dito. Nasaksihan niya ang ginawa ni Zia. Kita sa mga mata niya ang sakit, galit, at pagsisisi.

Tulad ko, walang alinlangang sinugod niya si Shelia at ibinalibag sa sahig. Ayokong madumihan ang kamay ng mga kapatid ko kaya ako nalang ang gagawa.

Kinuha ko ang baril na hawak kanina ni Johnny at sunod sunod na ipinutok iyon kay Shelia na hawak ni Kuya. Hindi pa ako nagsawa at pinaputukan ko din ulit si Johnny.

Hindi ako mamatay tao pero kung ang buhay ng nga kaibigan ko ang nakataya, asahan mong mag-iiba akong tao. Asahan mong magiging labis pa ako sa pagiging mamamatay tao.

Dali-daling tumakbo si Kuya Lemuel kay Zia at sumunod naman ako sa kanya. Kinuha ni Kuya mula kay Nathan si Zia at isinandal sa kanya.

"Zia," papikit pikit na ngumiti sa amin si Zia.

Bakit naging ganito? Kung alam ko lang na magiging ganito ang kahihinatnan naming lahat, sana sa una pa lamang ay hindi nalang ako makipagkaibigan sa kanila. Sana sa una palang hindi ko na hinanap ang mga totoong pamilya ko. Sana hindi nalang ako naging agent.

Pero hindi. Kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, ipinanganak na ako bilang maging agent.

But I really can't accept that because of me, their life is in danger.

"Zia, huwag ganito, parang awa mo na," sambit ni Kuya habang mahigpit ang hawak nito kay Zia.

Unti-unti akong napaluhod sa sahig. Hindi ko na kaya. Ang sakit sakit. Hindi ko kayang makita sila na ganito.

"Kasalanan ko." Bulong ko sa sarili ko at muling nag-unahan ang mga luha na bumagsak mula sa mga mata ko.

"Ven," tawag nito sa akin sa mababang boses. Inalalayan ako ni Nathan na lumapit sa kanya.

"Ven, I'm sorry." Umiling ako. Ayoko. Wala silang kasalanan. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Dahil sa akin kaya nangyari sa kanila ito. Dahil sa akin, napahamak silang lahat.

"Please tell to Shau, to our bestfriend, that I am so sorry. I did it to protect you and to protect my own family." 

"Don't be sorry, Zia. Ako," tumingin ako sa kanya kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha.

"Ako ang dapat na humingi ng tawad. Kung hindi dahil sa akin, sana hindi mangyayari sa inyo ito. Patawad," yumuko ako sa kanya at niyakap siya. She slowly tap my back like she is telling me to stop crying.

"This is the best thing I can do before your birthday and that is to save your man. I'm sorry for hurting you."

"No Zia. The best thing you can do for me is to live. Mabuhay kayo ni Rhynne. Maliligtas kayo. Darating sila Master Henri." Tumango tango ito sa akin.

"Zia?" Gulat na tanong ni Shau nang lumapit siya sa amin.

"Zia," umiiyak na yumakap ito kay Zia.

Broken Man (ABNLS SEASON TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon