Eight

149 11 2
                                    

JV's

Ngumisi ako sa naging tanong ni Mr. I-don't-know-his-name pagdating nila sa mesa namin.

"There's nothing wrong here Mr." Sagot ni Rayne.

"Okay." Inilapag na nila ang order naming mga babae.

I said thanks to Nathan before he sit down next to me. Kaharap namin si Shelia.

Dahil gutom na ako at medyo naaasar na din ako sa babaeng nasa harap namin, sinimulan ko nang kumain dahil kumakain na din ang mga kasama ko.

I'm not being bitch here but I do really feel something from Shelia.

The basic training for us, agents, is to feel the aura of someone. I know, it is a bit hard but I manage to learn it before.

"She kinda look like someone." Bulong sa akin ni Rayne na nasa kaliwa ko.

"Who?" Sumubo ako ng strawberry shortcake.

"I still can't figure it out but she really look like someone we know." Here she is. Rayne or Morana, magaling siyang mangtanda ng mga bagay-bagay at tao.

"Nana?"

"Hoy, bakit nadamay na naman yang babaeng yan?" Sabat ni Shau sa usapan namin ni Rayne. From that day, she never calls her mother, Mama, again.

"Just guessing?" Then I shrugged.

"No. It's not Nana. Katabi na natin ang kamukha niya kaya imposible---Aray!" Binatukan kasi siya ni Shau. Masama namn niyang tinignan ang katabi niya.

"Jiyo, ilayo mo itong babaeng ito bago ko pa siya masupalpal." Baling naman nito kay Jiyo na naiiling nalang sa amin.

"Kumain na nga kayo." Suway sa amin ni Kuya Jemuel.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa namin? Nagsasayaw?" Kontra sa kanya ni Rayne kaya nagsimula na naman ang tagisan ng masamang tingin dito sa table namin.

"Don't you know the proper etiquette while eating?" Sabat ni Shelia. Muli akong napangisi sa kanya pero inirapan lang niya ako.

"Don't you know the proper way to roll your eyes?"

"Burn" rinig kong bulong ni Rhynne at Jackson sa kanan dahil sa isinagot ni Zia sa kanya.

Tumahimik na muli kami at nagpatuloy na sa pagkain.

"Tara na?"

"Anong oras ba next class niyo, Nathan?" Tanong ko sa katabi ko habang pinupunasan ng tissue ang bibig ko dahil sa kinain kong shortcake.

"One in the afternoon."

"I'm not talking to you." Agad na sagot ko kay Shelia nang siya ang sumagot sa tanong ko.

"What? I just answered your question for Jon."

"That's it. It's JONATHAN whom I'm talking to, not the person named Shelia." Ewan ko pero bigla akong nainis sa kanya.

Umirap nalang ulit siya sa akin.

"Sa inyo ba, Jackson?"

"Eleven." Tanging sagot nito.

"Tara na kung gano'n. Exactly eleven din ang klase namin nila Ven." Nagsimula na kaming tumayo sa inuupuan namin.

"Saan na kayo ngayon?" Tanong ko sa katabi ko, which is Nathan.

"Makiki-sit-in muna ako sa class niyo." Napatingin naman ako sa kanya.

"Are you sure?"

"Yes."

Broken Man (ABNLS SEASON TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon