Dahil sa mga sunod-sunod na nangyari, hindi muna kami papasok ng dalawang araw.
Nandito ulit kami sa bahay ni Nathan at dito namin naisipan na bumuo ng plano. Nasabi na rin namin ito kay Master Henri at pumayag naman siya. Ang kondisyon niya lang sa amin ay sabihin sa kanila ang plano at tutulungan din nila kami kung sakaling hindi na namin kayang resolbahin ang sitwasyon.
Medyo kumalma na din ako kahapon nang maitulog ko ang lahat ng nangyari. Bigla lang kasing bumalik sa akin lahat ng nangyari noon kay Tita Nana.
"Thana!" Tawag sa akin ni Rayne. Mas nakasanayan na talaga niya ang pagtawag sa akin ng Thana.
"Bakit?" Lumapit ako sa kanya at napansin kong hawak niya ang telepono ng bahay.
"Ikaw naman ang hanap ng caller. Eto," sabay abot sa akin ng telepono kaya nagtataka kong idinampi ang telepono sa tainga ko.
"Hello?" Ilang segundo pa ang lumipas bago may sumagot sa kabilang linya.
"Protect your man at all cost." And the caller hanged up the call. Who was that? Siya din ang boses na narinig ko noong may tumawag din sa bahay.
Protect my man? Si Nathan? Pero bakit? Siya ba ang tunay na target?
Agad akong nagtungo sa kusina kung nasaan siya.
"Nathan," tawag ko sa pansin niya at agad naman siyang tumingin sa akin. Agad akong yumakap sa likod niya. Tila nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan pa rin niya ako na nakayakap sa kanya habang nagluluto siya ng kakainin namin.
"You know that I am always here for you, right?"
"I know." He answered.
"Ngayon ko lang napagtanto na wala pa pala akong masyadong alam sa iyo, sa buhay mo." Humarap siya sa akin. Binuhat niya ako na parang bata at iniupo sa lamesa.
"What do you want to know?" Ngumiti ako sa kanya bago sinagot ang tanong niya.
"Lahat. Lahat ng tungkol sa iyo. Lahat ng tungkol sa buhay mo. Alam mo naman na sa akin e. Ikaw pa nga ang naging saksi sa lahat pero ako, iilan lamang ang alam ko sa'yo." Hinawakan naman niya ang pisngi ko bago siya ngumiti.
"Mamaya. Sasagutin ko lahat ang mga gusto mong malaman sa akin, ayos ba?" Tumangu-tango naman ako.
"Come on, let me hug you."
"Ehem! Gutom na ho kami, mamaya na po kayo maglambingan!" Sigaw ni Shau sa pintuan ng kusina.
"Jiyo! Pakilambing nga si Shau! Nagseselos ata sa amin!" Sigaw ko mula dito sa kusina. Natawa naman ako sa itsura ng kaibigan ko nang bigla siyang yakapin ni Jiyo mula sa likod niya.
"Ponyawa ka! Akala ko kung sino na tss." Natawa nalang kaming dalawa ni Nathan. Bumaba na din ako sa mesa at tinulungan siyang maghanda ng mga kailangan dito sa kusina.
Kumakain na kami pero yung tingin sa akin nila Kuya ay iba. Pinapagalitan ako.
"Kuya naman e! Kanina pa yang tingin niyo sa akin na yan. Tsk." Hindi ko na napigilan.
"Walang pwedeng maglambingan kapag nandito kami na Kuya mo, maliwanag ba?" Sabi ni Kuya Lemuel. Napakamot naman ako sa ulo ko na akala mo naman ay ang dami kong kuto.
"Bakit hindi mo pa kasi ligawan si Zia e gusto mo din naman siya?! Tapos magrereklamo kayo ni Kuya Jemuel na bawal kaming maglambingan ni Nathan! Ikaw naman Kuya!" Baling ko kay Kuya Jemuel at itinuro pa siya.
"Ako?"
"Hindi, hindi! Yung kubyertos! Ikaw naman Kuya Jemuel, halata din naman na gusto mo si Rayne, bakit hindi mo na din ligawan? Puro kayo reklamo sa akin e kayo nga dito ang torpe tsk."
Huli na nang ma-realize ang lahat ng nasabi ko. Pulang-pula sina Kuya pati na din sina Zia at Rayne.
Hindi na napigilan ng mga lalaki, except sa kambal kong Kuya, na tumawa ng malakas. Napuno ng halakhak ang kusina.
"Yiii, bebe Lem naman e, gusto mo pala ako. Sabi ko na e," sinundot-sundot pa nito ang tagiliran ni Kuya na tahimik pero pulang-pula.
"Lintek kang bata ka." Sambit niya at sunod-sunod na sumunod ng kanin at ulam. Mas lalo kaming napatawa dahil doon.
"Anong sinasabi mong gusto ko tong amazona na 'to? No freaking way."
"What the fuck? Ako? Amazona? Halika ka nga dito at nang masapak kita!" Ngumisi naman si Kuya Jemuel kay Rayne bago bumaling sa akin.
"Kita mo na, ang amazona talaga." Umiling-iling pa si Kuya.
"Sige na Rayne, pakisapak na si Kuya para umamin na." Tumingin naman sa akin si Kuya ng masama. Magsasalita na sana si Rayne pero biglang nabilaukan si Kuya Lemuel kaya dali-dali siyang binigyan ng tubig ni Zia. Magkatabi sila habang si Kuya Jemuel at Rayne ay magkaharap.
Pigil na pigil ako sa pagtawa. Nakurot ko na din si Rhynne sa tabi ko. Pulang-pula na din ang mukha niya dahil sa pagpipigil ng tawa.
"Ate Jace, masakit na yung braso ko." Bulong nito sa akin.
"Natatawa pa ako, teka," sabi ko naman at muli siyang kinurot.
"That's enough." Medyo natatawa na sambit ni Nathan na nasa gitna.
Tumikhim naman ang dalawang torpe habang kami ni Rhynne ay tumahimik na din.
"Bukas natin pag-usapan ang plano. Sa ngayon, gawin niyo na muna ang gusto niyo. I still need to find a hint who among us is the real target so that we can protect him or her more." Tumango naman kaming lahat sa kanya.
"Rhynne," tawag nito sa katabi ko.
"Nasa banyo ang first aid kit." Napakamot naman ako sa pisngi ko.
"Sorry Rhynne," pero kinurot ko ulit siya sa tagiliran.
Kaming babae naman ang nagprisintang maghugas ng mga pinagkainan namin.
Kagabi ay tinawagan na namin si Papa at sinabi sa kanya ang nangyari. Sinabi din namin sa kanya na pumunta muna kila Kuya Ire para may kasama siya.
Kailangan pa din naming protektahan ang mga pamilya namin. Nag-request na din kami sa Second Division ng magbabantay sa pamilya namin.
Alam ng Second at First Division ang nangyayari sa amin ngayon pero ayaw muna nilang makialam hangga't maaari dahil mailap at hindi namin alam kung sino ang kalaban ngayon.
"Totoo ba yung sinabi mo kanina, Ven?" Biglaang tanong ni Zia habang nagpupunas ng pinggan.
Ako ang nagbabanlaw habang sina Shau at Rayne ang nagsasabon sa mga pinggan.
"Kailan ba ako nagbiro?"
"Gago, totoo talaga?" Sabi naman ni Rayne kaya natawa ako.
"Mga kapatid ko sila kaya alam ko kung sino ang gusto nila at hindi. Tyaka halata naman sa kanila na gusto nila kayong dalawa." Natawa kami ni Shau sa naging reaksyon ng dalawa. Pumula kasi ang pisngi nila.
Todo deny naman si Rayne na hindi siya namumula kaya mas lalo kaming lumalagapak ng tawa ni Shau.
"Gosh, huwag niyo akong paasahin ah! Alam niyo naman na matagal ko nang gusto si LJ e." Ngumuso pa si Zia habang nagpupunas.
"Wala akong pakialam doon sa kapatid mong weak, Thana." Segunda naman ni Rayne at nagpunas ng kamay bago umalis. Tapos na pala kaming maghugas.
Nagkatinginan kami ni Shau dahil magkasunod na umalis si Zia at Rayne.
"Lokohin nila sarili nila." Sabay naming sambit bago natawa ulit at umalis na sa kusina.
Naalala ko naman ang sinabi ko kanina kay Nathan. Handa na ba akong mas makilala pa siya? Oo naman.
Alam kong maraming sekreto ang nakakubli sa bawat ngiti niya sa akin. At kung ano mang mga sekreto ang mga yun ay tatanggapin ko. Tatanggapin ko hindi dahil tinanggap din niya kung sino mana ako. Tatanggapin ko siya dahil mahal ko siya.
---
Dedicated to: Jennalynlabayo
Thanks for guessing.-𝓜𝓮𝓲𝓟𝓮𝓷𝓲𝓫𝓸𝓸
BINABASA MO ANG
Broken Man (ABNLS SEASON TWO)
ActionSeason Two of Ang Basagulera ng Last Section (COMPLETED) Date Started: February 14, 2021 Date Finished: August 30, 2021 ©All Rights Reserved