If looks can really kill, matagal nang patay ang dalawang tao sa harapan ko.
"Are you enjoying?" Malamig na tanong ko sa dalawa. Pansin ko naman na napalunok si Nathan dahil sa lamig ng boses ko.
"Do we need to get out of here?" Dinig kong tanong ni Rhynne kay Kuya Jemuel.
"Magandang eksena ang mangyayari, dito muna tayo." Si Rayne naman ang nagsalita.
Inside me, I'm calming myself not to punch their faces. Huwag nilang dagdagan ang inis ko ngayong araw.
Malakas akong napabuntong hininga.
"I'm enjoying, how about you?" Mapang-asar na sambit ni Shelia.
"More than enjoying. You know what I am thinking?" Lumapit ako sa kanilang dalawa.
"Calm down, Veniz." I smiled at Nathan. I'm doing it right now, darling.
I look again at Shelia. Sinadya ko naman na ilapit ang bibig ko sa tenga niya para mas marinig niya ang sasabihin ko.
Pasensya ka na mare kung ikaw ang makakasagap ng ilang porsyento sa inis ko. Well, you quite deserve that.
"I'm slowly killing you in my mind. But what's more exciting? I'm planning to do that in reality, soonest." Alam kong rinig nila ang sinabi ko at hindi lang si Shelia. She even stiffed to what I've said.
Nauna na akong umalis sa kanila. Dumeretso na ako sa cafeteria para ikain nalang ang inis ko.
Kumakain na ako nang dumating sila. Wala sa kanila ang pinansin ko dahil busy ako sa pagkain ko at naiinis pa rin ako sa lahat. Baka sila pa ang mapagbuntunan ko.
Saktong pakain na sila nang natapos ako. Walang sali-salita na umalis ako at pumunta sa engineering building. Sa rooftop nila ako napadpad. Gusto kong magpahangin man lang. At sana isama na din ng hangin ang lahat ng iniisip ko.
Habang nilalanghap ko ang sariwang hangin, naramdaman kong may tao sa likod ko.
"Arye told me," I hummed as a response to Jackson.
"Any other information?" Lumapit siya sa kinaroroonan ko bago nagsalita.
"The aim is you." That's the only thing he said before we stayed silent akong the time we spent in the rooftop.
So, it's really me again. Ano na naman bang gusto niya?
Hindi nagtagal ay naisipan na din namin ni Jackson na bumalik sa klase namin dahil tapos na ang breaktime.
Sana lang ay huwag ko nang makita ngayong hapon si Shelia. Nababanas ako sa pagmumukha niya. Sarap ihambalos sa pader. Kung makapaglandian sila sa harap ko wagas.
Nang mag-uwian na, hindi naman ako pwedeng mag-commute pauwi kaya kailangan ko talagang sumabay sa kanila.
Sa kanila Kuya ako sumabay pauwi. Baka mabangasan ko lang si Nathan ng dis oras.
Pagdating namin sa bahay niya, sa kwarto agad ako pumunta para magpalit.
Nahingi ko na kanina kay Arye at Jackson ang other information na kani-kanina lang din nila nahagilap.
Ayos naman at saktong hindi pa nagbabago ng lokasyon ang gagong Johnny na iyon.
Pagbaba ko ay nakita ko silang may kanya-kanyang ginagawa doon sa sala. Alam ko na ang ginagawa ni Jackson kaya hindi ko na kailangan pang tanungin.
"Saan ka pupunta?" Agad na tanong ni Kuya Lemuel sa akin.
"Tawag ako ni Master Henri. Papabili daw siya ng ramen." Ang gago lang ng sagot ko. Natawa nalang ako sa isip isip ko.
BINABASA MO ANG
Broken Man (ABNLS SEASON TWO)
ActionSeason Two of Ang Basagulera ng Last Section (COMPLETED) Date Started: February 14, 2021 Date Finished: August 30, 2021 ©All Rights Reserved