1

12.9K 150 1
                                    




Mainit...






Mausok...



Yan halos ang laging reklamo ng mga tao sa Pilipinas lalo na ng mga taong nakatira sa Luzon. Well, hindi mo naman sila masisisi dahil talaga nga namang mainit sa Pilipinas.

"Hay, nasa Pilipinas na nga talaga ako." Sambit ni Evy nang makalabas na siya ng Airport.

Kakarating niya lang kasi galing New York at halos ilang taon narin siyang hindi nakakauwi kaya medyo nanibago ulit siya sa uri ng klima dito sa bansa.

Kinuha naman niya ang cellphone at tinawagan ang kanilang family driver.

"Kuya Tim, nandito na po ako. Nasaan na po kayo?"

'Ay Miss Evy pasensya na po kasi natraffic pa po ako. Pero malapit naman na po ako. Mga ten minutes po at nanjan na ako.'

"Ganun po, sige po at hihintayin ko nalang kayo dito sa tapat ng isang café."

'Okay po miss Evy.'

Pagkatapos tawagan ang driver ay tinungo na niya ang malapit na café para makapagsnack sandali dahil papagabi narin kasi. Nang makapag order ay kumain lang siya sandali saka tinawagan ang nobyo na kasalukuyang nasa bansa din ngayon.

"Hey hon, I just arrived. Where are you?" She asked her boyfriend.

'Hi hon. Eto at kakatapos lang ng shoot namin. I'm sorry of I can't see you today.' Her boyfriend answered to her.

"Okay lang hon ano ka ba tsaka magkikita din naman tayo mamaya diba?"

'About that hon, I think hindi agad ako makakauwi ngayon kasi may kailangan pa kaming ishoot bukas so baka sa susunod na araw na tayo magkikita.'

"Oh ganun ba, it's okay hon. Trabaho mo yan eh. Anyways hon I gotta go! Nanjan na kasi yung sundo ko. I'll call you again later okay? Love you, mwuaah!!" Nagmamadali niyang sambit saka binaba na ang tawag.

Napapailing nalang na napabuntong hininga siya pagkatapos ibaba ang tawag. Ang totoo niyan ay wala pa ang sundo niya at nagdahilan lang talaga siya dahil baka masumbatan lang niya ang nobyo kapag pinagpatuloy niya pa ang pag-uusap nilang dalawa.

"He really didn't remember. Tsk." Bulong niya saka hindi naiwasang mapaiyak.

It's their anniversary at hindi ito ang unang beses na nakalimutan ng nobyo ang araw na ito. Busy kasi ito lagi dahil sa pagmomodel kaya madalas ay hindi sila nagkakasama. Sanay na siya sa ganito pero hindi lang niya maiwasang malungkot.

"A beautiful woman like you shouldn't cry." Someone said from behind saka siya binigyan ng panyo.

Napatingala naman siya dito bago nginitian at tinanggap ang panyo.

"Thank you." She said saka pinahid ang mga luha gamit ang panyong ibinigay ng isang estranghero sa kanya.

May ganitong klase pa palang mga lalaki ngayon.

"Your welcome." nakangiting sambit ng estranghero sa kanya.

Ang gwapo naman niya. Mas gwapo siguro siya kapag tinanggal ang shades niya. Sambit niya sa isipan habang sinusulyapan ang lalaki.

"Can I sit here for a while? Wala na kasing bakanteng upuan." He asked at tumango naman siya dito.

"Sure and uhm..yung hanky mo pala."

"No just keep it kasi mukhang hindi pa yata titigil yang luha mo."

"I..ahm..thank you." Sambit niya saka pinunasan uli ang mukha niyang basa parin ng luha.

Hindi naman niya naiwasang mapasulyap ulit sa lalaki dahil sa kakisigan nito. Pero naputol lang siya kakasulyap dito nang magring ang phone niya.

*ring!**ring!!*

"Hello, Kuya Tim?"

'Nandito na po ako sa labas Ms Evy."

"O sige po at lalabas na ako."

Napatingin naman siya sa kaharap pero wala na ito at hindi niya namalayan na nakaalis na pala ang kaninang kausap niya.

Kakalabas lang nito sa café kung nasaan siya at mukhang nagmamadali pa yata.

Hindi tuloy siya nakapagpasalamat.

Sinundan nalang niya ng tingin ang lalaki na nakasakay na sa sasakyan niya bago din siya lumabas.

"Kuya Tim, kamusta po?"

"Ay miss Evy ayos na ayos lang po. Kayo po? Mas lalo po kayong gumanda ah."

"Naku si Kuya ang bolero! Hindi naman po no! Pakisakay nalang po sa sasakyan ang ibang gamit ko kuya, salamat." Sambit nito sa driver saka pumasok na sa sasakyan.

Nang maging kumportable na sa pagkakaupo ay napatingin siya sa panyo na galing sa isang estranghero at may nakitang mga letrang nakaburda dito.

"LS??"

--------

Mr. Passionate (Lluke Vannder Schuller)✔[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon