Evy was preparing their breakfast ng bumaba si Lluke at yakapin siya nito galing sa likuran. Ilang buwan narin ang nakakalipas simula ng makabalik sila sa syudad kasama ang mga bata and so far naman ay naging maayos ang lahat. Nakakaadjust narin ang mga bata kasama sila at mas naging buhay na buhay ang dating tahimik lang na bahay ni Lluke noon.
Magkasundong magkasundo na kasi ang mga bata at natutuwa siya sa kanila lalo na kay Liam na alagang alaga naman ang kapatid nito. He is babying her sister at gustong guston naman ito ni Eillee.
"Good morning babe."
"Morning. Our breakfast will be ready in just a minute. Ang mga bata?" She asked Lluke na nakapulupot parin ang mga kamay sa bewang niya habang inaamoy amoy naman ang leeg niya.
"They will be here soon." Sagot nito sa kanya habang hindi parin siya pinapakawalan.
"Babe..stop doing that dahil nagpeprepare pa ako ng breakfast natin."
"Lets have a dinner date later babe." Sambit nito sa kanya kaya tiningnan naman niya ito.
"And how about the kids?"
"Susunduin sila ni mommy kasi namimiss niya daw ang mga apo. Iuuwi niya daw muna sila sa bahay at ibabalik niya sila after three days. Okay lang naman diba?"
"Pumayag ka na eh. By the way, have my brother in law told you with his problem? He needs help daw para sa ipapatayo niyang new hotel building."
"I already gave him some tips and I also recommended some of our staffs para gumawa ng bagong hotel building niya."
"Well thats good." Nakangiti niyang sambit kay Lluke saka pinagpatuloy ang ginagawa kahit nakalingkis parin sa kanya ito.
Mayamaya naman ay dumating na ang mga bata kasama ang mga yaya nila.
"Good morning kids!"
"Morning mommy!" Sambit ni Liam saka yumakap sa kanya.
"Good morning mommy!!" Matinis na sigaw naman ni Eillee at nakiyakap narin sa kanya.
"Okay okay, thats enough at kakain na tayo. Who wants some pancakes??"
"Me mommy! I love pancakes!" Sigaw ulit ni Eillee at tinaas pa ang kamay
"How about..waffles??"
"Ako po mommy!" Sambit naman ni Liam
"Okay..so you better take a seat na dahil baka agawan kayo ni Daddy." Sambit niya at napatawa naman siya ng mag-unahan sa pag-upo ang dalawang bata.
"Daddy wag niyo po kaming aagawan ng food ni Kuya ah? Bad po yon eh!" Napatawa naman siya sa sinambit ng anak sa daddy nito.
"Opo hindi na po. Tsaka si mommy niyo nalang ang kakainin ko." Natatawang sambit ni Lluke at binulong nalang ang huling sinabi sakto lang para marinig niya.
"Sira ka talagang lalaki ka. Gawin daw ba akong pagkain." Sambit niya saka pinagtuunan nalang ng pansin ang anak na si Eillee habang tatawa tawa lang si Lluke sa tabi niya.
Nang magtanghalian naman ay binihisan na niya ang mga bata dahil susunduin na sila ng lola nito. Ipapasyal muna daw kasi nito ang mga bata bago iuwi sa mansion.
"Magbehave kayo doon okay? Wag magpapasaway kay Grandma." Bilin niya sa mga bata
"Yes po mommy!!" Sabay na sambit ng dalawa sa kanya.
Nang tuluyan nang masundo ang dalawa ay naiwan naman siyang mag-isa sa bahay dahil may pinuntahan pa sandali si Lluke.
Tamang tama naman dahil kailangan niyang mag-ayos para sa date nila ni Lluke mamayang gabi. She felt excited tho hindi naman ito ang unang beses na magdedate silang dalawa.
The night came at bihis na bihis na siya ganon din si Lluke na sobrang gwapong gwapo sa suot nitong polo na pinatungan pa ng longsleeves shirt at pinaresan ng navy blue jeans.
"Am I handsome babe?"
"You sure is." Sagot naman niya saka inayos ang suot na damit nito.
"And you too were very gorgeous and sexy. Parang ayoko na ngang lumabas at magkulong nalang tayo dito sa bahay."
"Silly. Tara na nga lang at kung ano ano pa ang sinasabi mo." Sambit niya saka hinila na ito palabas ng bahay at nag dinner date nga silang dalawa.
Sa isang fancy restaurant siya nito dinala at sobrang natutuwa siya kasi ang daming pakulo ng kasintahan.
Kinantahan kasi siya nito sa harap ng maraming tao and infairness naman dahil maganda ang boses nito. Mas lalo tuloy siyang nainlove dahil dito.
--------------
BINABASA MO ANG
Mr. Passionate (Lluke Vannder Schuller)✔[Completed]
ChickLitLluke Vannder Schuller, a noble businessman whose a serious type of man that no single person can make him smile except for his family members. What if he meet this girl who caught his attention from the very beginning. Will he going to change his...