16

6.2K 100 1
                                    

Hindi aakalain ni Evy na magigising siya sa ibang kwarto kinabukasan. She got drunk last night pero lahat nang nangyari kagabi ay sariwa parin sa isip niya. Lahat lahat magmula nang makarating sila sa bar hanggang sa makauwi.

Ito ang ayaw niya kapag nalalasing dahil imbis na makalimutan niya ang mga ginagawa niya ay kabaliktaran sa nangyayari.

"Oh my god!! Did I just..just kissed Vannder?? Sh*t!! Nakakahiya!!" She uttered saka sinabunutan ang sarili.

"Ano na ang gagawin ko kapag nagkaharap kami?? Eehh!! Nakakahiya ka talaga Eirish Yvonne!!" Saway niya sa sarili saka napahiga ulit sa isang malambot na kama.

Pero nang maalalang wala siya sa kwarto niya ay agad siyang napabangon at napatingin sa sarili.

"Thank god!" Sambit niya ng makitang ganon parin ang suot niyang damit magmula kahapon.

"But where am I?" Pagtatanong niya sa sarili saka napatingin sa labas ng bahay pero wala siyang nakuhang sagot.

"Ang lakas na naman ng ulan." Sambit niya saka lumabas ng silid na kinaroroonan niya para maghanap ng sagot.

She roamed around that floor and when she saw something familiar ay napahinga siya ng maluwag.

"So he brought me here in his house." She whispered and then naisipan niyang hanapin ang kwarto ni Vannder which is nasa harap lang pala niya.

Nakita niya kasing bukas ito at ng silipin niya ang loob ay nandoon ang lalaki at natutulog pa ng mahimbing.

Pero hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at pinasok ang kwarto ng lalaki saka pinagmasdan ito habang natutulog.

"Ang gwapo niya talaga." She whispered at lalapitan sana nang maalala na naman ang ginawa niya dito kagabi.

"Aish! Naman o!" Bulong niya saka lumayo ulit sa lalaki at lumabas nalang ng silid nito.

Pero mayamaya ay bumalik siya hindi para lapitan ang lalaki kung hindi ang manghiram ng damit dito para makapagbihis siya.

Pagkakuha niya ng damit ay bumalik siya sa kwartong pinanggalingan niya kanina at nag-ayos ng sarili. Balak niyang wag munang umalis sa bahay ni Lluke dahil gusto niya itong lutuan para makapagpasalamat sa pagsama sa kanya kagabi.

Naisip niya ring magpanggap nalang na hindi naaalala ang nangyari para hindi siya mailang sa lalaki. She wants to be friends with him thats why gusto niyang mas mapalapit pa dito.

Pagbaba niya ay hinanap niya ang kusina at nakialam sa mga gamit para makapagluto.

May hang-over pa siya pero dahil sanay na ay nakakakilos parin siya ng maayos. Egg drop soup ang niluto niya para mainitan pareho ang katawan nila ni Lluke tsaka para narin mabawasan ang hang-over nila.

Malapit nang matapos ang niluluto niya nang mapansin niyang parang may nakatingin sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya si Lluke na pinagmamasdan siya.

"Good morning!" Masayang bati niya dito and luckily ay sinagot naman siya ng lalaki. He's still cold but atleast binati din siya pabalik.

Nagpanggap nga siya na walang naaalala at nagsorry sa lalaki dahil sa pakikialam sa kusina nito saka sa damit niya. Wala namang naging problema sa lalaki but then nang mapunta ang usapan sa boyfriend niya ay doon siya nagulat sa sinabi nito.

Alam pala nito ang lahat ng nangyayari at siguro ay kaya siya nito sinamahan kagabi ay dahil don.

She cried in front him nang maaalala ulit ang nakita kagabi. Sobra sobra na ang sakit na nararamdaman niya pero hindi manlang niya makuhang hiwalayan ang nobyo dahil sobrang mahal niya ito.

"Tell me Vannder, may mali ba sa akin kaya niya ginagawa to? Am I not enough for him para ipagpalit niya ako sa iba?" She asked Lluke na bigla nalang siyang niyakap.

"No, there's no wrong with you. You're perfect, your beautiful. Siya ang may mali kasi hindi siya marunong makuntento. And you know what Eirish, he doesn't deserve your tears. He doesn't deserve your love so as early as possible save yourself from him." Lluke told her while he is still hugging her dahilan para mas lalo siyang umiyak.

Hindi niya inaasahan na sa lahat ng tao ay si Lluke pa ang magsasabi nito sa kanya. Cold man ito minsan pero may kabaitan din pala.

"Thank you for being here Vannder. Akala ko kasi wala na akong mapagsasabihan sa problema ko."

"You can always count on me Eirish."

--------

Mr. Passionate (Lluke Vannder Schuller)✔[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon