Lluke can't help but to keep on thinking about Eirish Yvonne especially now that his son keeps on talking about her.
"Do you love your Ninang Evy that much Liam?"
"Yes po daddy! Love na love ko po si ninang kasi love na love din niya ako! Ang bait bait din po niya tsaka inaalagaan niya din po ako kapag magkasama kami."
Napatango naman siya sa sinabi ng anak.Hindi niya kasi alam na madalas palang pinupuntahan ni Evy ang anak niya lalo na noong nasa Amerika pa ito kasama ang mommy at daddy niya.
Sa Amerika kasi namalagi ang anak ng ilang taon at dahil nasa Pilipinas siya at namamahala sa kumpanya nila ay hindi niya alam ang ibang bagay na nangyayari sa anak.
"Is she always with you when you are still in the states son?"
"Sometimes po kapag wala siyang work, she always visiting me po. Kaya nga po mas love ko po siya kaysa kay mama kasi mas inaalagaan ako ni ninang at hindi sinasaktan." Sambit ng anak at binulong lang ang huling sinabi pero narinig niya parin ito.
Hindi na bago sa pandinig niya ang marinig na sinasaktan ng dating asawa ang anak nila pero hindi parin niya maiwasang magalit dito. Nakakulong na ito pero hindi parin mawala wala ang galit niya dito. Walang kapatawaran ang ginawa ng dating asawa sa anak niya at kaya siguro mas lumala ang sakit ng anak ay dahil sa pagmamaltrato nito noon.
He never had a good relationship with his wife at kaya lang niya ito pinakasalan noon ay dahil sa anak niya. He never intended to marry her in the first place dahil isang malaking pagkakamali ang ginawa niya noon. Buong akala niya kasi ay yung babaeng mahal niya ang nakasama yun pala ay hindi.
Pero bago paman ito nakulong noon ay na annull na ang kasal nila. Mas lumala kasi ang masamang ugali ng babae lalo na ang pagmamaltrato niya sa anak nila kaya hiniwalayan na niya ito almost three years ago.
Napatingin naman siya sa anak na tutok na tutok sa panonood ng pambatang palabas sa tv.
"Son, do you like to have a new mom?" He asked his son out of nowhere.
Napatingin naman ang bata sa kanya.
"New mommy po? Opo! Sana po kasing bait at kasing ganda ng Ninang Evy ko. Ayoko po sa mga bad lady gaya ni mama." anang anak na ikinangisi naman niya.
Kahit ano talagang sabihin ng anak laging nandon ang ninang niya.
"Alright."
Sabado ngayon at dahil wala siyang trabaho ay mas pinagtuunan nalang niya ng pansin ang anak. He bonded with his son hanggang sa maggabi na.
"Yow dude!"
"What are you doing here at this hour Carter?"
"Syempre aayain kitang lumabas at mag bar."
"Tsk. Wala ka na bang ibang alam gawin kung hindi ang pumunta sa bar at makipag inuman ha? Akala ko ba pinagbabawalan ka na ng asawa mo?" Sambit niya sa kaibigan.
"Dude, kaya nga ako lalabas kasi lalabas din ang asawa ko. Inaya ko narin ang iba at ikaw nalang ang kulang. Lumabas labas ka naman paminsan minsan dude at malay mo makita mo doon ang babaeng nakatadhana para sayo."
"No."
"Hindi kita titigilan hanggat hindi ka sasama." Anang kaibigan at humilata pa sa couch sa harap niya.
"Okay fine! But just an hour okay? Baka hanapin ako ng anak ko."
"Alright!! Lets go dude!" Sambit ng kaibigan at tinulak na siya palabas ng bahay.
Nasira tuloy ang plano niya ngayong gabi.
Nang makarating sila sa bar na lagi nilang pinupuntahan ay agad niyang nakita ang ilang kaibigan kasama din ang mga asawa nito.
"Lluke my man! Buti naman at lumabas ka na sa lungga mo. Ano? Mas mayaman ka na ba sa akin?" Pagbibiro sa kanya ng kaibigang si Vlaizen.
Gaya kasi niya ay isang CEO din ang kaibigan ng sarili nitong kumpanya. Ito ang pinakamayaman sa kanilang magkakaibigan at pumapangalawa naman siya.
"Malapit na McLane." He coldly said saka umupo sa bakanteng upuan na nakita niya. Saktong pagkaupo naman niya ay saka niya lang nakita ang babaeng iniisip lang niya kanina.
Nandito din pala ito pero hindi nag-iisa dahil kasama nito ang nobyo.
Nagkatinginan silang dalawa at hindi niya inaasahan ang ginawa nito.
'Did she just smiled at me?'
---------
BINABASA MO ANG
Mr. Passionate (Lluke Vannder Schuller)✔[Completed]
Chick-LitLluke Vannder Schuller, a noble businessman whose a serious type of man that no single person can make him smile except for his family members. What if he meet this girl who caught his attention from the very beginning. Will he going to change his...