A month later pagkatapos magpropose ni Lluke sa kanya ay nagpaplano na sila ng kasal nila sa simbahan. Next month narin yon kaya nagsisimula na sila sa pagpaplano.
Actually ay naikasal na sila sa huwes three weeks ago pero dahil mas gusto ng kanilang mga magulang na magpakasal parin sila sa simbahan ay hindi na sila nakatanggi. Gusto rin naman kasi nila ng asawa iyon.
"Babe? Galit ka ba?" Lluke asked her saka siya niyakap galing sa likuran pero agad siyang bumitaw dito.
Nagtatampo siya dito dahil hindi manlang siya nito binilhan ng pinapabili niyang pinya. Wala daw kasi ng nagbebenta sa mall na dinaanan niya kaya ganon nalang ang pagtatampo niya dito.
"No I'm not, magluluto lang ako ng hapunan." Sambit niya saka tinalikuran ito.
Hindi naman siya matampuhin pero hindi niya maintindihan ang sarili ngayon kung bakit siya nagkakaganito. Madalas ding uminit ang ulo niya katulad kanina nang hindi nabantayan nang maayos ng mga yaya ang mga anak niya.
"Dahil ba sa pinyang pinapabili mo kaya ka nagtatampo? Wala kasi talagang available sa dinaanan ko kanina kaya hindi ako nakabili."
"No it's okay. Sige na at samahan mo na muna ang mga bata."
"Are you sure?"
"Yeah, sige na." Aniya pero sa totoo lang ay nagtatampo parin siya.
"Okay." Anito saka hinalikan muna siya nito sa labi bago umalis.
Hanggang sa maghapunan sila ay hindi agad nawala ang tampo niya pero dahil gumawa ng paraan ang asawa para suyuin siya ay nawala naman na ito ng tuluyan.
Sa mga sumunod na araw ay mas nagiging mainitin ang ulo niya lalo na sa asawa. Mabuti na nga lang at hindi na ito kagaya ng dati na bugnutin at masungit kung hindi siguro palagi na nilang pag-aawayan ang mga maliliit na bagay.
May kutob na siya kung bakit kaya nang maisipan niyang magpunta sa isang doktor na kaibigan ay doon nga niya nakumpirma ang lahat.
"Thank you talaga Corrine."
"It's nothing Evy and I'm happy for you. Ingatan mo ang sarili mo okay tsaka sundin mo lahat ng mga bilin ko."
"Sure and thank you again. Kita nalang tayo sa next check up ko." Aniya sa kaibigan bago lumabas ng clinic nito.
Deretso uwi naman siya at nang makarating sa bahay ay isang hindi inaasahang bisita ang dumating.
"So ikaw pala ang binabahay ng walang hiyang manugang ko."
Sambit ng ginang sa kanya at hindi naman niya nagustuhan iyon.
Ito yung nanay nang dating kaibigan niyang si Tamira at noon paman ay masama na ang ugali nito.
"Anong ginagawa niyo dito?" inis niyang sambit dito saka nahagip ng tingin niya ang mga anak na umiiyak.
"Mommy!!" Sigaw ng dalawang bata saka mabilis siyang nilapitan at niyakap.
"Why are you crying mga anak?" agad niyang tanong sa bata at tumingin naman ito sa babaeng nasa harap nila.
"Mommy?? So pati pala apo ko inaangkin mo narin! Liam sumama ka sakin at iuuwi na kita!." sambit ulit ng ginang at hihilahin sana si Liam palayo sa kanya pero hindi niya ito hinayaan.
"Ano ba Tita! Wag niyo naman hong basta bastang hihilahin si Liam! Nasasaktan ang bata!"
"Wag kang makekealam dito dahil isa ka lamang kabit! Kerida!!" Anang ginang saka siya malakas na sinampal. Mas lalo naman niya itong ikinagalit kaya masama niya itong tiningnan.
"Kabit?? Kerida? Huh! Are you talking to yourself Tita?" sagot niya dito saka ngumisi.
"How dare you to talk to me like that!" Anito at sasampalin sana siya ulit pero hindi na niya ito hinayaan pa.
"Why? Totoo naman diba? Tsaka FYI lang po ah, baka hindi niyo siguro alam pero matagal ng hiwalay ang anak niyo at ang ASAWA ko kaya hindi ho ako kabit gaya niyo!"
"Anong pinagsasabi mong malanding kabit ka? Hindi pa hiwalay ang anak ko at si Lluke!"
"Oh talaga ba Tita? Gusto niyo bang ipakita ko pa sa inyo ang mga dukumentong nagpapatunay na hiwalay na sila?"
"No I don't believe you--"
"What are you doing here old woman? Diba pinagbawalan na kitang magpakita sa akin ha?" Baritonong sambit ni Lluke na kakarating lang galing sa opisina at agad siyang nilapitan pati ang anak niya.
"Oh! Nandito na pala ang magaling kong manugang!"
"Stop saying that because I'm not and will never be your son in law anymore! And get out of my house bago pa kita ipakaladkad sa mga guards dito!"
"No! Hindi dapat ako ang pinapaalis mo kung hindi iyang kabit mo!" Sambit na naman ng ginang at nagulat siya ng biglang galit na galit na sumigaw si Lluke.
"Say that again to my wife and I will not hesitate to put you in jail gaya ng ginawa ko sa anak mo!"
-------------------
BINABASA MO ANG
Mr. Passionate (Lluke Vannder Schuller)✔[Completed]
Literatura FemininaLluke Vannder Schuller, a noble businessman whose a serious type of man that no single person can make him smile except for his family members. What if he meet this girl who caught his attention from the very beginning. Will he going to change his...