28

6K 105 0
                                    

Being with her daughter again is like a dream come true for Evy. Nagdadalawang isip pa kasi talaga siya noon kung pupuntahan ba niya ito o hindi. And now, hindi siya nagsisising pumayag sa gusto ni Lluke at sa gusto ng puso niya.

She loves her daughter so much and now, hinding hindi na niya talaga ito iiwan pa.

"Uuwi na ba talaga agad kayo ngayon Evy?" Her sister asked at tumango naman siya.

"Kailangan ate eh pero babalik kami dito maybe next month if hindi na busy sa trabaho."

"Sigurado yan ah? Anyways, alagaan mo na yang anak mo ng mabuti. Tsaka wag mo nang pakawalan pa yang si Lluke okay?" Sambit ng ate niya saka binulong lang ang huling sinabi.

"I know ate and I'm not planning to let go of him either. Mahal na mahal ko siya eh."

"Thats good and I'm happy for you sis. Kapag nagkaproblema ka, don't hesitate to call me okay?"

"Yes ate, thank you so much and I love you."

"I love you too my dear. Oh nandito na pala ang mag-ama mo. Lluke, yung pinag-usapan natin ah wag mong kakalimutan tsaka mag-ingat kayo sa pag-uwi."

"Sure ate and no worries." Sagot naman ni Lluke sa kapatid saka lumapit sa kanya at hinapit ito sa bewang gamit ang kaliwang kamay dahil akay nito ang anak nila sa kabila.

"Mauuna na kami ate. Sweetheart, say bye bye na muna kay Tita."

"Bye bye po Tita, see you again po at mamimiss po kita."

"You too my pretty pamangkin, mamimiss ka namin ni baby Sam. Magpakabait ka doon okay?"

"Yes po Tita, promise!"

"O siya sige na lumakad na kayo kasi baka gabihin pa kayo sa daan."

"See you Ate." Paalam niya ulit bago sila tuluyang umalis.

Habang nasa sasakyan naman sila ay nakikinig lang silang dalawa ni Lluke sa pagdadaldal ng anak nila. Eillee is so talkative na mukhang namana nito sa kanya. Hinahayaan lang naman nila itong dumaldal at nang mapagod ay nakatulog na ito sa mga bisig niya.

"She's just like you babe, so talkative."

"I know right. Anyways, hindi ba tayo dadaan sa inyo? Doon nalang kaya tayo dumiretso?" she asked

"Is it fine Babe because I'm worried about Liam. He didn't know about Eillee yet." Pamomroblema naman ng kasintahan.

"Magiging okay lang naman siguro sa kanya yon babe but if ever na hindi, ako nalang ang magpapaliwanag sa kanya. Don't worry okay?" Sambit niya saka hinawakan ang kamay nitong hindi nakahawak sa manibela.

"Okay.." Sagot naman nito sa kanya saka siya nginitian.

"Eillee looks a lot like you at kaya pala nakikita ko ang pagkakahawig nila ni Liam minsan dahil pareho nilang nakuha yon sayo." Nakangiting sambit niya habang nakatingin sa anak nila.

"Umm..yeah."

"Anyway babe, did Tita and Tito knew about Eillee?" She asked at umiling naman ang huli.

"Not yet but I'm planning to tell it to them kasabay kay Liam. Well, if you will help me." Sagot naman nito sa kanya and she nodded.

"Sure I will babe."

Meanwhile, they arrived at the Schuller mansion near dinner time.

Nauna siyang pumasok dahil pinark pa ni Lluke ang sasakyan tsaka siya narin ang bubuhat sa anak nilang tulog na tulog pa hanggang ngayon. Pagkapasok sa loob ng mansion ay ang ina ng kasintahan agad ang sumalubong sa kanya.

"Oh! Hija! What a surprise! Where is my son?!" Anang ginang saka niyakap siya nito.

Pagkabitaw nito sa kanya ay siya namang pagsagot niya sa ginang.

"Nasa labas pa po si Vannder tsaka biglaan lang din po ang pagpunta namin dito kasi galing pa kami sa probinsya. Si Liam po pala tsaka si Tito?" She asked ng hindi nakita ang inaanak saka ang ama ni Lluke.

"Ay nasa taas pa at nagkukulitan- oh! Nariyan na pala sila." Sagot naman nang ginang at saktong pababa na nga ang maglolo.

"Mommy!!" Sigaw ni Liam sa kanya dahilan para mapangiti siya.

Liam is now calling her mommy ever since nalaman niya na magkarelasyon na siya at ang daddy niya. She's happy to hear that especially noong unang beses siyang tinawag nito ng ganon.

"Hi Sweetheart." Aniya at nang makalapit sa bata ay  niyakap niya ito.

"Si Daddy po? Where is he?" Tanong ni Liam at magsasalita na sana siya ng unahan na siya ni Lluke.

"I'm here little buddy."

-----------------

Mr. Passionate (Lluke Vannder Schuller)✔[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon