20

6.2K 99 0
                                    

Evy wakes up with a heavy heart this morning at mas lalo pang bumigat ang pakiramdam niya ng hindi siya sinundo ni Vannder sa bahay niya.

Halos araw araw kasi siyang hatid sundo ng lalaki kaya naninibago siya na walang Lluke Vannder na naghihintay sa kanya sa labas ng bahay niya.

"Is he mad at me?" Nababahala niyang sambit then ikinagulat naman niya ng may biglang nagsalita sa harap niya.

"Whose mad at you hon?"

It's her boyfriend who is always missing in action.

"Papasok ka na ba sa opisina? Hatid na kita hon."

"Derzen please, stop acting like we are okay kasi hindi tayo okay." Aniya at iiwan na sana niya ang boyfriend ng bigla siya nitong pigilan.

"Whats wrong hon? Anong ginawa ko at bakit galit ka sa akin?"

"Ask for yourself." She told him then saktong may tumigil na sasakyan sa harap niya at lumabas ang isang lalaking hindi niya kilala.

"Ikaw ho ba si Ms Evy Willcox?"

"Yes? Anong kailangan mo sakin?" She asked then may binigay naman sa kanyang susi na kung hindi siya nagkakamali ay susi ito ng sasakyang kapareho nitong nasa harap niya.

"Pinabibigay po ng Daddy niyo sa inyo maam at pinapasabi niya po na tawagan niyo daw siya mamaya. Mauna na po ako."

"Oh okay, salamat kuya." sambit niya then tinawagan ang ama at nakumpirma nga niya na ito ang bumili ng sasakyan niya. Marunong naman siyang magmaneho ng sasakyan yun nga lang ay lagi siyang tinatamad.

"Hon wait!" Pigil sa kanya ng nobyo pero hindi na niya ito pinansin at umalis na nang bahay sakay ng sariling sasakyan.

Pagdating sa opisina ay marami agad na nag-aabang na trabaho sa kanya at Lunch Break na nang maisipan niyang tanungin ang sekretarya tungkol kay Lluke.

"Myrian, si Lluke ba nanjan sa opisina niya?" She asked 

"Ay naku ho maam hindi daw ho pumasok si Sir kasi may sakit. Kaya nga po ikaw muna yung papalit sa kanya sa meetings kasi wala siya." Anang sekretarya ka ikinagulat niya.

"Ganun ba, sige salamat at pakisabi sa board na papunta na ako." She said then came back to her office still thinking why Lluke got sick.

And because she's worried, after all her meetings and other office works ay agad niyang pinuntahan si Lluke sa bahay nito. But while on the road, she can't help thinking on why she felt like something is missing on her nang hindi niya makita ang lalaki.

When she arrived at Lluke's residence ay agad siyang nagdoorbell at isang kasambahay ang sumalubong sa kanya.

"Manang si Vannder po?"

"Ay ma'am nasa kwarto niya ho at nagpapahinga. Mabuti po at nandito kayo kasi uuwi narin ako at walang kasama si Sir."

"May sakit daw siya manang?"

"Oho maam. Nababahala nga ako kasi ayaw manlang kumain ni Sir eh. Hindi rin tuloy siya makainom ng gamot."

"Ganon ba, o sige manang at ako na po ang bahala kay Vannder. Malapit naring gumabi at baka gabihin ka sa daan."

"Sige po maam kasi hinihintay narin po ako ng asawa ko doon sa labas ng sibdivision. Pakisabi nalang po kay Sir na umuwi na ako."

"Sige po manang." Sambit niya at siya naman ang pumasok ng bahay.

Imbes na puntahan si Lluke ay pumunta muna siya sa kusina at nagluto ng pagkain para kay Lluke. Nang matapos ay umakyat na siya sa taas at naabutan niyang tulog si Lluke sa kwarto nito.

Inilapag muna niya ang dalang pagkain sa bedside table saka ginising ang lalaki.

"Vannder? Hey wake up." Gising niya dito then unti unti namang minulat ng huli ang mga mata niya.

"You're here." Lluke surprisingly told her saka dahandahang  bumangon sa pagkakahiga.

"May sakit ka kaya ako pumunta dito. Hindi ka pa raw kumakain at umiinom ng gamot sabi ni manang."

"Ayokong kumain at uminom ng gamot."

"Tsk. Yeah right. Now I know kung kanino nagmana si Liam. Pero hindi pupwede sa akin yan. Kumain ka then uminom ka ng gamot. Tsk.." Aniya saka kinuha ang pagkain at ibinigay dito pero hindi nag atubiling tanggapin ni Lluke.

"No please, I don't really want to eat saka konting lagnat lang to kaya itutulog ko nalang ulit." sambit ni Lluke saka nahiga ulit.

"Lluke Vannder.."

-----------------

Mr. Passionate (Lluke Vannder Schuller)✔[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon