7

7.1K 112 0
                                    

Hindi mawala wala ang ngiti sa mukha ni Evy dahil narin sa madalas na silang nagkikita ng nobyo. Bumabawi na kasi ang nobyo sa kanya at halos araw araw ay magkasama na sila tulad nalang ngayon.

"Hon, Savana is asking if we can hang-out with them tonight. Lalabas daw kasi siya kasama ang asawa at mga kaibigan nito mamaya. Makakasama ka ba mamaya?"

"Sure hon, hindi naman ako makakasama sa show mamayang gabi kaya pwede akong sumama sayo." Sagot naman ng nobyo sa kanya kaya mas lalo naman siyang natuwa.

"Okay! Tatawagan ko lang si Sav sandali."

Tinawagan nga niya ang kaibigan at tuwang tuwa ito sa ibinalita niya.

Kinagabihan nga ay pumunta sila sa sinasabing bar ng kaibigan. She's also a party girl thats why sanay narin siyang pumunta sa mga bar gaya nito.

Isang high end bar ang pinuntahan nila kaya merong iilang sikat na tao siyang nakikita.

"Friend!" Her bestfriend Savana shouted ng makita siya.

She waved at her then sabay na silang lumapit ng nobyo sa matalik na kaibigan.

"Hey Sav, kamusta ang buhay may asawa?" She asked at natawa naman ang kaibigan.

"Eto nag-eenjoy naman! Namiss kita besh!"

"Me too Sav!" Aniya saka niyakap ang kaibigan.

"Oh! Hi Derzen! Long time no see!"

"Ah yeah, medyo busy din kasi sa trabaho."

"I know right, anyways tara na sa table namin at ipapakilala ko kayo sa mga kaibigan ng asawa ko." Sambit ng kaibigan at sumama naman sila dito.

Ipinakilala nga sila ni Savana sa mga kaibigan ng asawa at hindi naman siya nailang sa mga ito dahil mababait din naman ang mga ito.

"So you are Evy, it's nice to meet you. By the way. I'm Darc and this is my wife Thana."

"Nice to meet you too." Anito sa mag-asawa

"Hi there Evy, I'm Vlaizen and this is my lovely wife Xyrish."

"Oh hi, it was nice meeting you both."

"Anyway guys, papunta narin dito ang asawa ko kasama si Lluke." Imporma ni Savana kaya napatingin naman siya sa kaibigan.

"Mukhang napilit ni Brent si Lluke ah." Sambit naman ng asawa ni Darc na si Thana

"Yeah right, masyado kasing tutok sa trabaho ang lalaking yon." Dagdag naman ni Xyrish.

"Is this Lluke you are talking about is Lluke Vannder?" Hindi maiwasang itanong ni Evy sa mga kasama dahil ang alam niya ay kaibigan din ni Brent si Vannder.

"Yes he is, kilala mo pala siya." Vlaizen said

"Ah yeah.. but not that much." Sagot nalang niya and meanwhile ay dumating na nga ang hinihintay nila.

Brentson arrived together with Lluke.

Nang magkatinginan naman silang dalawa ay nginitian niya ito at tanging isang tango naman ang iginanti ng lalaki sa kanya. Isang tango na wala na namang mababakas na emosyon.

"Hon.." Tawag ni Derzen sa kanya kaya napalingon naman siya sa katabi.

"Ah..yes hon?"

"I need to go hon. Kailangan daw ako sa show ngayon kasi nagka emergency ang isang kasama namin. Dito ka lang ba o uuwi ka narin?" sambit ng nobyo sa kanya kaya bahagya naman siyang na disappoint sa sinabi nito.

"Ahm..maybe I'll stay for awhile hon, nakakahiya naman kasi sa kanila." Sambit niya at tumango naman ang nobyo saka tumayo na at nagpaalam sa mga kasama.

"Bakit umalis agad yon Evy?" Pagtatanong ni Brent sa kanya.

"Kailangan daw siya bigla sa show nila." Sagot naman niya saka mabilis na kumuha ng isang can ng alak at ininom ito.

Parang gusto niyang magpakalasing ngayon kaya iinom siya hanggang sa gusto niya. Wala naman ang nobyo para pagbawalan siya kaya walang makakapigil sa kanya para magpakalasing ngayon.

Hanggang sa maghatinggabi na nga at lasing na lasing na siya.

"Thats enought Eirish. Lets go and I'll take you home." Dinig niyang sambit nang kanina pang katabi na si Vannder.

Nakaalis na ang iba at sila nalang dalawa ang naiwan.

"N-no! Last na talaga promise!" Aniya pero hindi siya pinakinggan ng lalaki at kinuha na ang isang baso ng alak sa kanya saka siya binuhat.

Lasing na lasing na siya kaya hindi narin siya nakapagprotesta pa sa lalaki at nagpaubaya nalang sa kung saan siya dalhin nito.

"D-don't you know how to smile Vannder?"

--------

Mr. Passionate (Lluke Vannder Schuller)✔[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon