22

6.1K 99 1
                                    

Naguguluhan si Evy sa kanyang nararamdaman ngayon pero isa lang ang sigurado siya, gusto niya ang nangyayari ngayon sa pagitan nila ni Lluke. Hindi niya alam kung bakit pero masaya siya sa tuwing kasama ang lalaki. Masaya siya kapag nakikita ang lalaki at nalulungkot naman siya kapag hindi ito nakikita.

Sa totoo lang ay hindi mahirap mahalin ang lalaki yon nga lang ay hindi pa ito ang tamang panahon para sa kanilang dalawa. Pero, kailan naman kaya ang tamang panahon na yon?

Lluke showed her the documents awhile ago na nagpapatunay na hiwalay na nga ito at ang dating asawa. Hindi niya nga lubos akalain na ipapakita nito ito sa kanya para lang mapatunayan na totoo ang sinasabi niya.

"Naniniwala ka na bang mahal kita?" He asked her habang nakaharap at nakayakap ito sa kanya.

She nodded at him na ikinatuwa naman ng huli. Then hinalikan pa siya ulit nito sa mga labi na otomatiko naman niyang tinugunan ng hindi namamalayan.

It's their first real kiss together but they kissed like they are both longing for each other. Yung tipong matagal na silang magkarelasyon at ngayon lang ulit nagkaroon ng pagkakataong mahagkan ang isa't isa.

Napatigil lang sila pareho nang kapwa kapusin na sila ng hininga.

"You kissed me back again." Sambit ni Lluke na ikinapula naman ng pisngi niya kaya napasandal nalang siya sa matitipunong dibdib nito saka bumulong.

"I can't help it." She said na ikinatawa naman ulit ni Lluke.

"I know. Anyway, are you hungry? I will cook something for us." Lluke told her then napatingin naman uli siya dito.

"Kagagaling mo lang tapos magluluto ka na agad. Baka mabinat ka pa kaya ako nalang ang magluluto." Aniya pero umiling naman ang huli.

"I'm all better and thats because of you so let me."

"But Vannder--"

"Shh.. Ako na okay?"

"Okay fine.. But ahm, can I use your bathroom? I'm just gonna fix myself."

"Do whatever you want and if you want you can use my clothes too." Lluke told her at tumango lang naman siya.

After that day ay halos hindi na sila mapaghiwalay ni Lluke at kung nasaan siya ay naroon din ang lalaki at nakasunod lang sa kanya. Madalas pa nga ay doon na siya umuuwi sa bahay ng lalaki dahil ayaw siya nitong pauwiin sa kanila. Mabuti na nga lang at nakauwi na ang mga magulang niya sa bakasyon pero imbis na magalit sa ginagawa niyang pagsama kay Lluke sa bahay nito ay ikinatuwa pa nila ng husto. Matagal na daw kasi nilang gusto yon at kung sila nga daw ang papipiliin ay mas gusto nilang pakasalan na nito ang lalaki.

Hindi kasi talaga gusto ng mga magulang ang nobyo niyang si Derzen pero pagdating kay Lluke ay botong boto sila dito.

"Lets have a dinner date later after my business meeting okay?" Sambit ni Lluke sa kanya saka siya ninakawan ng halik sa mga labi kaya sinapok naman niya ito.

"Nagnanakaw ka na naman ng halik Mr. Schuller." Aniya at napangisi naman si Lluke sa kanya.

"Your lips are tempting baby." Anito at hinalikan na naman siya pero matagal at hindi na simpleng halik lang.

"All right all right. Tama na yan at baka malate ka pa sa meeting mo."

"I'll call you later okay? I love you." Ani Lluke sa kanya at isang ngiti lang ang isinagot niya dito.

Pagkaalis ni Lluke ay pinagpatuloy na niya ang trabaho pero hindi niya manlang magawang makapagconcentrate dahil sa sobrang malalim na pag-iisip.

"I think I'm already inlove with him too." She whispered saka napatayo galing sa pagkakaupo.

Matagal na niya itong pinag-iisipan at sa tingin niya ay ito na ang tamang panahon para hiwalayan na ng tuluyan ang nobyo.

She pick up her phone then she called her boyfriend pero hindi ito sumasagot kaya naisipan niyang tawagan ang kaibigan nito at nalaman niya nasa trabaho pa ang nobyo. Pero mamaya daw ay pupunta sila sa bar kaya naisipan niyang pumunta din doon para makausap ang nobyo.

It's almost 7 in the evening pero marami na ang tao sa bar pagdating niya.

Then the first person she saw is Derzen together with his new girl and she's glad to admit na hindi na siya nasasaktan pang makita sila.

"Derzen."

--------------------


Mr. Passionate (Lluke Vannder Schuller)✔[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon