4

8.3K 144 0
                                    

After siyang ipakilala ni Mr Willcox sa anak nito ay nanatili pa siya sa loob ng opisina ng ginoo. Evy left kaya naiwan nalang silang dalawa ni Mr Willcox na bukambibig naman ang anak nito.

He's just listening to the old man at hindi niya magawang putulin ito sa pagsasalita dahil gusto niya ring pakinggan ang sasabihin nito tungkol sa anak.

They will going to work together kaya gusto niyang makilala ang babae ng husto. Mahirap siyang magtiwala sa isang tao kaya bago yon ay kinikilala muna niya ito ng mabuti.

Ngayon lang sila pormal na nagkakilala ng babae kaya mas gusto pa niyang makilala ito ng mabuti.

"Is it okay for her to accept your position?"

"Yes and she's ready for it."

"That's good and I'm looking forward to work with her."

"I'm sure that you two will get along with each other. You shared the same ideas just like me and your father kaya sigurado akong mas magiging maayos pa ang pamamalakad dito sa kumpanya." Sambit ng ginoo sa kanya na ikinatango naman niya.

Pagkatapos nilang mag-usap ni Mr Willcox ay bumalik na siya sa kanyang opisina at doon nag-isip.

Magkakasundo nga kaya sila ni Evy gayong nakita niya kanina kung ano ang reaksyon ng dalaga dahil sa ipinakita niya.

"I shouldn't have done that!" Sermon niya sa sarili.

"Done what?"

"F*ck!! Don't you know how to knock Carter?!" Bulyaw niya sa kaibigan nang bigla nalang itong magsalita at pumasok sa opisina niya.

"Oh c'mon dude! Sabay lang tayong pumasok dito at dahil wala ka sa sarili ay ginising na kita." Sambit ulit ng kaibigan na ikinataka niya ng husto.

What? Bakit hindi niya manlang napansin yon?

"What are you saying Carter?"

"What I'm saying is that, you're spacing out dude! And I think I know why. Nagkita kayo ano?"

"Huh? Who are you pertaining to?"

"The girl who captured the mighty Lluke Vannder's heart. Thats her right?"

"Tsk. I don't know what are you talking to and if you don't have something important to say, the door is open kaya makakalis ka na."

"Alright alright, hindi na kita iistorbohin sa pagpapantasya mo pero sana..wag ka nang mag-aksaya ng oras dude. Grab the opportunity while its still there."

"There's no opportunity for me to grab Carter." he said and his friend smirked.

"And how can you say so?"

"I just know."

Aniya at pinagtuunan nalang ulit ng pansin ang ilang papeles na nakatambak pa sa kanyang lamesa.

"Anyways, are you free for tonight? Lets do a bar hopping. Pampatanggal lang ng stress at malay mo makabingwit ka na ng babae."

"Not in the mood to party dude. Maybe next time."

"Geh pero kung sakaling magbago ang isip mo, doon lang naman kami sa usual place."

"Yeah."

At dahil hindi siya sasama sa mga kaibigan na mag-inuman ay deretso uwi na siya sa bahay ng mga magulang kung nasaan ang anak.

"Mom, where is Liam?" He asked his mom pagkarating na pagkarating niya.

"Tulog na anak. Napagod kasi sa kakakwento sa ninang niya kaya ayon at nakatulog ng maaga."

"Ninang? Sinong ninang?" He asked his mom at isa lang ang sumagi sa isip niya.

"Yung bestfriend ni Tamira anak. Nakauwi na pala siya dito sa Pilipinas kaya ayon at dinalaw si Liam." sagot naman ng ina at napatango naman siya. Tama nga siya ng iniisip.

"Ganun ba, sige po at pupuntahan ko lang muna ang anak ko."

"Are you staying here tonight or uuwi ka sa bahay mo?"

"I'm staying for tonight mom."

"Thats good."

Pagkatapos kausapin ang ina ay pinuntahan na niya ang anak.

His son is peacefully sleeping while hugging a toy na sa tingin niya ay bigay na naman ng ninang nito.

"She really loves my son."

------------------------

Mr. Passionate (Lluke Vannder Schuller)✔[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon