Kabanata 9

1.4K 32 0
                                    

Kung siguro isa ako'ng inosenteng babae na pwede'ng uto utuin ano mang oras naniwala na ako sa kabaliwang sinabi niya.


I tightly close my eyes,kasi yun lang ang magagawa ko upang pakalmahin ang aking sarili.



Kami lang ang tao dito kaya puwede ko naman siya'ng patayin diba?


Napabuntong hininga ako at seryoso'ng humarap nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya may kung ano'ng emosyon ako'ng nakikita pero hindi ko na binigyang pansin,naiinis ako sa kabaliwang meron siya,napakabading magsalita at pino ang bawat galaw pero grabe ang mga lumalabas sa bibig muka pa namang mayaman.


Malaki siya'ng ngumiti,ngumiti naman ako pabalik na ikinabilog ng mga mata niya.


Ulol!



Dahan dahan ako'ng lumapit sa kanya ng magsalita siya.



"B-Baby I'm not yet ready for this you know,virgin pa ako" nauutal niyang sabi na sinamahan pa ng pagkagat ng labi na ikinalaglag naman ng aking panga naramdaman ko na parang tatawa ako sa kalukuhan niya kaya pinalobo ko ang aking pisnge.



Mabilis ako'ng lumapit sa kanya at umupo ako para magpantay kami.



Hinila ko ang kanyang kwelyo  na ikinapikit ng mata niya.



Lumapit ako sa taynga niya at binugahan ito nakita ko ang pagkagat ng kanyang labi,napakabading talaga.


"Oh! Shit!" sigaw niya ng kagatin ko ang taynga niya bago nagbigay muli ng distansya sa Aming dalawa.



"Do you like this babe?" mapang akit ko na tanong sa kanya.


Kahit dim ang ilaw ay kita ko ang pamumula ng pisnge niya.


Nakakagat labi siyang nakapikit na tumango sa akin.



Sumubsob ang muka niya sa leeg ko hinawakan ko naman siya sa buhok niya at sinuklay ito


'It's time'


Nagmulat naman ang kanyang mapupungay niyang mga mata bago pa niya maitaas ang kamay niya para siguro ako hawakan ay sinuntok ko na siya sa muka.


Natumba naman siya tinitigan ko at muka'ng nawalan ata ng malay.


"Bulbog sarado ka sakin kapag naging tayo bading kaya maigi pa na itigil mo na ang paglalandi sa akin" sabi ko sa tulog na si Larren..


Napangisi ako at hinawakan ang dalawang paa at hinila siya papunta sa ginawa ko na kama namin.


Pakiramdam ko isa ako'ng murderer o di kaya suspect sa isang pangyayaring hindi sinasadyang makapatay ng isang bading na malandi.


Hindi ko napigilang matawa ng maalala ko na ganito nga ang scene ng mga suspect kapag nakapatay hinihila ang paa para maitago at walang makakita




Nagising ako ng may maramdamang humahawak sa aking pisnge.


Pero antok na antok parin talaga ako kaya hindi ako nagmulat ng mata naramdaman ko na tila may dumampi sa aking labi pero nilamon na ako ng dilim at nakatulog muli.



Nagising muli ako dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa aking muka nagmulat ako ng muka at bumungad sa akin ang isang tulog na puro'ng pasa na bading si Larren.



Ngayon ko lang siya tuluyang napagmasdan,maputi siya at maamo ang muka,mukang madungis lang ngayon dahil sa mga pasa bigla ako'ng nakonsensya,kawawa naman ang isang to bulbog sarado dahil sa akin.




Tumayo na ako at kinuha ang selpon mukang bukas nadin ang library,andito na ata si manong.




Ginising ko naman ang tulog mantikang bakla.



"Bakla!bading!" paggising ko sa kanya pero hinila niya lang ako kaya napasubsob ako sa kanyang leeg.



Lintik! Mamatay ako sa nerbyos sa lalaking ito.



"Aruy! Jusq! Mga kabataan nga naman! " sigaw ng kung sino kaya napatayo ako bigla nakita ko si Manong guard na nakatingin sa akin na mukang desmayado.




"M-Manong! Mali ang iniisip mo!" sigaw ko pero umiling iling lang ito.




"Naku ineng,madami nadin ang nahuli ko sa ganitong kalagayan minsan sa mga bakanteng room,dito nagpapagabi para walang makakita pero hindi nila alam naglilibot ako,sige na mga bata lumabas na kayo" utos niya sa amin.




Naramdaman ko ang pamumula ng buong muka ko.



Narinig ko na tumawa lang si Mc ng makalabas si Manong.




Hindi padin ako nakagalaw.



Iniisip ba ni Manong na may nangyari sa amin ni Larren?





Napahilamos ako sa kahihiyang nararamdaman ko ngayon nararamdaman ko ang pagtulo ng malamig na pawis sa noo ko.




Nakakapangilabot ang iniisip ni Manong na ngayon ay iniisip ko na din!






Kainis!Nakakahiya..

My Sexy Bodyguard (Virgin Man Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon