Kabanata 15

1.3K 30 0
                                    


"Tulala na naman si Ms Kabinini! Boss! Sino ba talaga yang naiisip mo lagi tuwing nakikita yang pink na teddy bear na yan?" natatawang tanong ni SPO2 Arevalo.

"W-Wala" sabi ko nalang at tumuloy na sa paglalakad.

Sinusundan namin ngayon ang kalaban ng makita ko ulit ang pink na teddy bear na yun,naalala ko na naman siya.

It's been month's? Parang kahapon niya lang ako pinaglaruan.

"Ms Kabinini nasa likod mo,please focus to the target" sabi niya tumango naman ako at binuntutan ang lalaking nakaitim.

Napatingin ako sa malayo ng humarap ito,muka akong walang pakialam na naglilibot para lamang hindi mapansin narinig ko na tinatawanan nila ako kaya pinatay ko na ang nagkokonekta sa amin.

Mga ulol!

Lumabas ang lalaki,sa mall mukang padiretso to sa hospital na malapit dito.

Hindi ko na pinansin ang pangalan ng hospital at nagtuloy tuloy lang sa pagpasok.

.magaling ang isang to pumupunta sa maraming tao para may pang sangga.

Tumigil ito sa gilid ng mga nurse na nakapalibot sa isang tao na nagsasalita.

Tumawa ito ng malakas kaya nagtinginan ang mga nurse na nakaharap ata sa doctor na nagtuturo sa mga mukang intern?

"Ms Kabinini,I know I know....ikaw yan" sigaw nito at naglabas ng baril nagsitakbuhan naman ang mga nurse pero nakatutok lang ang mga mata ko sa galaw ng suspect sa pagpatay sa pamilyang Castro.

Nilabas ko din ang baril ko at mabilis na tinutukan siya.

"Umalis kana doc" sabi ko dahil mukang hindi na gumalaw ang doctor na nakatalikod padin.

"Cricia.." napatingin ako ng marinig ang pamilyar na boses.

Pero napapikit dahil sa pagtingin ko kay Larren ay pinaputukan ako sa tiyan..

Gusto Talaga akong patayin ng hayop na to!

Kabanata 17

"Shit!" sigaw ko at pinaputukan din ito sa dalawang mga binti...

Nagsigawan na naman ang mga nurse,pisti,ang ingay.

Inagaw ko kay Kier ang baril at sinuntok ito sa nguso niya.

Tulog.

"P-Ping.." narinig ko na tawag sa akin ni Larren.

Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko dahil naalala ko na naman,nakakahiya ako ang umamin dati at sinabi ko pa na makakalimutan ko na siya pero ano ito hindi ko siya makalimutan!

Ang buwan na sinasabi ko ay taon na hindi namin pagkikitan...mahigit isang taon na pero parang kahapon lang ang lahat humarap ako sa kanya.

"M-May tama ka ping" sabi niya pero inirapan ko lang siya at binuka ang jacket ko nakita niya ang bulletproof na nakalagay,kinuha ko ang baril.

Pisti! Sa may puso pala!

Nakita ko ang pamumula ng mata niya at sinugod ako ng yakap.

Ginantihan ko siya....dahil magkaibigan kami diba? Magkaibigan lang.

"A-Akala k-ko nabaril  k-kana" humihikbi niya sabi sa akin.

Napangiti ako ng mapait...parang walang nangyari kung umakto siya parang hindi niya ako pinaglaruan pero kung ito ang gusto niya,sige..

"Hindi ako mamamatay,malakas pa ako kay Superman" sabi ko at tinapiktapik ang balikat niya at humiwalay sa kanya.

Nakita ko ang paglaglag ng mga luha sa mata niya.

My Sexy Bodyguard (Virgin Man Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon