Nagising ako ng hapon sa clinic ng school wala ni kahit isa ang nandito ngayon.
Napakunot noo ako ng sumakit ang ulo.
'Kailan ba ako makakaalala pisti!'
"Hey" narinig ko ang pagbukas sara ng pinto at pagsasalita ni Larren?
"Ano?" tanong ko sa kanya.
"Grabe! Wala manlang thank you? Pasalamat ka para kang tingting sa gaan nung binuhat kita" madaldal nitong sabi pa.
"Bakla talaga" bulong ko.
"Pakinig kita babae!" sigaw niya sa akin.
Humarap naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"May dalawang taynga ang tao,meron kaba?" tanong ko.
"Oo naman! Bakit?" nakairap nitong sabi.
Bakla talaga to eh
"Akala ko hindi ka tao eh sinasabi mo pang narinig mo ako eh may taynga ka naman pala "nangunot ang noo niya pero hindi ko nalang pinansin at tumayo na.
"Huy hindi ka pa ayos!" sigaw niya pero hindi ko pinansin at lumabas na.
Kinuha ko ang selpon.
Sunod sunod na text galing kay Eunice ang natanggap ko.
Hinahanap na ako!"HUY!" sigaw na nama Ni bading kaya sumigaw rin ako ng hindi lumilingon.
"HUY KARIN!" narinig ko pa ang tawa ni Larren kaya napangisi ako,bading.
"Fucking savage girl!" sigaw niya ulit malayo na rin agwat namin pero hindi parin ako lumingon.
..
Tinaas ko naman ang gitnang daliri ko.Narinig ko muli ang tawa niya na nagpabilis ng puso ko.
'So crush mo na siya heart?'
"See you tomorrow Ms Cricia!" sigaw niya.
Nakauwi ako ng mapayapa parang nakahiga ako sa ulap sa hindi alam na kadahilanan.
"Saan ka galing!?" napaiwas ako ng makita na binato ni Eunice ang sapatos niya.
"Euni!" sigaw ko ng ang kawali naman ang binato niya.
"Saan ka nga galing!?" sigaw niya ulit.
"Sa library okay? May binasa lang ako na importante" pagsisinungaling ko ayoko naman siyang pag alalahanin pa baka atakehin ang babaeng to.
"Okay" sagot niya at tumalikod na.
Nalaglag naman ang panga ko.Malala pa siya saken.
"Kain na bes!" sigaw niya na akala mo hindi nanakit kanina kainis!
"Oo na po!" sigaw ko pabalik mahirap na.
"Musta ang mga kaklase?" tanong ko sa kanya.
"Kaklase parin,may tumatawa may PDAmay nagbabasa ng libro at may umuutot parin naman" sagot niya.
Walangyang babae talaga ito!
"K" sagot ko nalang dahil wala naman akong mahihita kung magtatanong pa.
"Mag-aaply ako sama ka?" tanong niya ng makahiga kami sa lumang kama.
Iisang kwarto,iisang higaan."Ge saan?" tanong ko habang nakatitig sa kisame.
BINABASA MO ANG
My Sexy Bodyguard (Virgin Man Series #2)
DiversosVirgin Man Duology #2 (UNEDITED) Cricia Carl Kabinini and Mc Larren Herrer Story.