Kabanata 23

1K 22 0
                                    


Nakatulog kami pareho pagkatapos nun.

"Bilis na may trabaho pa ako!" sigaw ko at naunang lumabas sa condo niya pero nangunot din ng noo ng makita si Euni na kasama ang kakambal ni Larren..

Kinuha ko ang cellphone at tinext siya.

:Kamusta kayo ni fafa David mo?

:King ina ka!

Yun lang at binaba ang cellphone.

"Larren?" tanong ko ng hindi ito gumalaw sa may pinto.

"Honey"

"Huh? Larren..tara na" yaya ko pero inirapan lang ako nito.

"Honey nga ang itawag mo sakin!" nagpapadyak na sabi nito na sabi na kinaismid ko.

"Oo na nga napaka chessy mo!" asar na sabi ko at hinawakan na siya sa kamay para hilahin na napakabagal.

"Honey..." ungot nito habang nag dadrive ako.

"What?"

"Susunduin mo ako mamaya?" sabi nito kaya napakamot ako ng kilay,ano ba to boyfriend ko ba o anak?

"Babae kaba?"

"Malamang hindi" sabi niya kaya natawa ako.

"Larren nagkagirlfriend kana ba?" tanong ko nalang.

"Fling lang pero virgin pa ako ha! " sabi niya napaismid naman ako.

"Malandi ka talaga" sabi ko nalang habang seryosong nagdadrive.

"No touch naman kami nung mga babae" defensive na sabi niya.

"Hah! Mga talaga? So Fling's! Ano naman ginagawa niyo nagtititigan?!" bulyaw ko.

"Honey ko..."

"Dont call me that endearment napaka ew" putol ko.

"Tss edi ano?"

"B-Baby.." sabi ko napahinto pa ako buti nalang wala pang ibang sasakyan dahil maaga pa naman.

"Baby?" napatingin ako sa kanya na malaki ang ngiti at namumula ang muka.

"Ewan sayo" irap ko pilit pinagtatakpan ang pagkapahiya.

"Tawagin mo ako ng baby palagi,pag hindi magpapakamatay ako" pananakot niya.

"Niluluko mo ako Larren kagabi tinutukan mo ako,tinakot mo ako! Tapos ngayon tinatakot mo na naman ako" naiinis na sabI ko.

"Sakin ka lang takot pero sa kalaban hindi" sabi niya na ikinapula ng pisngi ko.

Takot ako kay Euni dahil mahal ko siya...

Sumusunod ako kay Larren dahil gusto ko siya.

Gusto ko lang,mahal ko na siya?

Napatikhim ako ng maramdaman ang pagbabara sa lalamuna.

"T-Tumahimik ka diyan" yun lang sinabi ko at hindi na umimik.

Nakarating kami sa hospital na halos umugong ang tainga ko sa rindi kay Larren na hindi at mawawalan ng kwento.

"Yes!" sigaw niya kaya napatingin ako sa kanya hindi padin natatagtag ang seat belt niya kaya nangunot ang noo ko.

"Problem?" tanong ko sa kanya pero ngumuso lang siya.

"Ha?" tanong ko dahil hindi ko siya maintindihan.

"Hakdog" irap nito sa akin kaya sumama ang muka ko saan niya ba to natututunan.

"Kiss mo ko" utos niya sa akin at ngumuso ulit.

Napangiwi ako sa sinabi niya yun pala yun? Kiss?

Nag init ang pisnge ko pero hindi ako nagpahalata at basta nalang bumaba,ano bang iniisip niya?

"Huy! Sandali! Honey-babe-Ping-Love-Sweetypie-Cococrunch!" sigaw niya rinig ko ang tawa ni manong guard kaya naiinis akong bumalik sa kanya para tumahik.

"Cococrunch,really?" asar ko na tanong sa kanya at tumingin sa paligid kita ko ang mga nurse na papasok palamang na kinikilig na napapahinto.

'Anong nakakakilig sa cococrunch?'

Inirapan ko naman sila

"Kiss mo na ako dali" ungot niya at ngumuso,hindi ko maiwasang mapangiti sa kacutan ng doctor na to huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa kanya.

Hinawakan ko ang balikat niya para mapayuko nakita ko na nakapikit lang siya kaya pumikit din ako at hinalikan siya akla ko simpleng halik lang pero naramdaman ko ang pag ngiti niya bago sakupin muli ang labi ko.

Humahagod,kumakagat sa labi ko at papasadahan ng dila,kinakapos ako ng hininga kaya tinutulak ko siya pero makalipas ang tatlong segundo ay sasakupin muli ang labi ko para ako'ng nakalutang sa langit sa nararamdaman ko ngayon.

Naramdaman ko ang kamay niya'ng sinakop ang aking maliit na baywang kaya ikinawit ko na din ang Braso ko sa kanyang leeg,tumaas ang halik niya at dinampian ng ng halik ang ilong ko pataas sa noo ko at tumagal sa pisnge.

"I love you" bulong niya narinig ko ang sigawan ng mga tao pero para akong nawalan ng pakialam sa mga nasa paligid namin.

"Sabihin mo din I love you ano kaba naman Cricia" asar na sabi niya ng hindi ako umimik.

Napangiti ako pero nauwi sa tawa.

"Salamat" bulong ko at sumubsob sa leeg niya naramdaman ko ang paninigas niya pero nagreklamo na naman.

"I love you too,nga sabi"

"Ge"

"Cricia naman"

"Ayaw"

"Tss.."

Nagmulat ako ng humiwalay siya nakita ko ang seryoso niya'ng muka na nasisikatan na ng araw.

Napangiti ako kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sakin pero hndi pa din binibitawan ang malalaking kamay sa baywang ko nag iwan lang siya ng maliit na espasyo sa amin at asar na tumingin sakin kaya lumapit ako sa kanyang muka at hinalikan din siya sa noo naramdaman ko ang paninigas niya pero gusto ko tong gawin

"I" bulong ko pagkatapos humalik sa noo niya.

"Love" sabi ko at hinalikan ang ilong niya nakita ko ang pamumuo ng mga luha niya sa mata.

"You" sabi ko at hinalikan din siya sa labi.

Tuluyan ng kumawala ang luhang kanyang pinipigilan hindi ko na din mapigilang mapaluha pero hindi katulad niyang akala mO nabigyang ng magandang laruan.

"She love me daw manong!" sigaw niya na nagpabalik sa aking ulirat.

NapaTinging ako kay manOng at sa ibang nurse na nasa may labas ng hospital na pumapalakpak.

Namula ang muka ko sa hiya at napasubsob sa dibdib ni Larren.

'Eunice help me here....'



My Sexy Bodyguard (Virgin Man Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon