Special Chapter

1.3K 27 0
                                    

LARREN POV

_______________________

"Larren! David! Come here may ipapakilala ako sa inyo" napatigil kami sa paglalaro ng kapatid ko ng marinig namin si daddy na sumisigaw sa labas

Agad na tumayo ako nauna si David na naglakad habang ako ay busy sa paglalaro sa cellphone,13 years old na kami ng kakambal ko,sunday ngayon kaya walang trabaho sila daddy huminto si Larren ng malapit na kami sa sala nag angat ako ng tingin may sinisilip siya kaya nakisilip din ako

Likod ng lalaki ang nakita ko,kausap 'yun ni papa nagtatawanan sila nahagip ng tingin ko ang tuwid na nakaupong babae na mukang kaedadan namin,napakurap ako ng makita ko ang maliit na pag ngiti nito! Ang timid naman..

Tinulak ko agad si David at ako ang unang lumabas sa pinagtataguan kinulbit ko si papa na ikinatigil nila sa pagkikwentuhan humarap sakin si papa at hinawakan ang balikat ko "This is my son,Larren and David" turo niya sa mukang suplado kong kapatid ngumiti ako ng matamis sa lalaki bago tinapunan ng tingin ang batang babaeng nakaupo napasimangot ako ng makitang sa iba ito nakatingin..

"David..Larren,this is your tito Rodel and his lovely daughter,Lea" pakilala ni papa ginulo naman ni Tito ang buhok ko pagkatapos kong magmano

Lumapit ako kay Lea hinanap ko kung sinong tiningtan niya,sumama ang timpla ng muka ko ng hinahabol ng paningin niya ang tumatakbong si David,muka naman itong walang pakialam kay Lea

"Hi ako Larren" nakangiting pagpapakilala ko at katulad ng inaasahan ko na snob niya lang ako

Laging ganun,kapag bibisita sila sa bahay namin si David lang ang tinitingnan niya minsan lang din ito mag salita pero kapag nagpapatawa ako kahit tinatago niya..nakikita ko ngumingiti naman siya

"Larren! Si David nasaan?" tanong sa akin ni Isaac ng makasabay ko siyang mag bike palibot ng subdivision

"Nasa kulungan niya,bakit?"

Tumawa lang ito at binilisan ang pag ba-bike napairap ako at nag desisyong bumalik nalang nakita ko si Lea na nagtatapon ng basura sa labas ng bahay nila ang ganda talaga niya...gusto ko..crush ko,kaso mukang kapatid ko ang gusto nito

"Good Morning,Lea" nakangiting bati ko at tumigil sa harap niya,nakasimangot itong humarap sa akin at namay-awang

"Walang maganda sa umaga" bulong niya

"Meron kaya,ikaw" banat ko hinintay ko ang magiging ekspresyon niya,nalaman ko sa kaibigan ni Isaac na si Giovanni na kailangan kapag magpapakilig ng babae maraming jokes at banat na dala "Nag bake ako ng cookies" nakangiting dugtong ko hindi siya nagsalita at tinitigan ako..Kinuha ko ang bag at nilabas ang nasa Tupperware na cookies,si yaya ang nag bake talaga nito pero nagpapaturo na din naman ako kailangan... Naka form ang cookies na 'yun into words...magkakadikit na sila

JOKES  and BANAT,tiningna ko ang muka niya at sa unang pagkakataon napatawa ko din siya,ang sarap sa pakiramdam..sobrang ganda talaga niya kaya tudo iwas ako kay David kapag nagkakasalubong kami nagpabago din ako ng gupit para mabilis akong makilala ni Lea.

"Ano bang problema mo!" sigaw sakin ni David ng tabigin ko siya sa daan nalaglag ang dala niyang baso na may lamang gatas

"Ikaw! Ikaw ang problema ko" duro ko sa kaniya masama niya akong tiningnan,magkaibang magkaiba nga kaming dalawa magkapareho man ang muka pero magkaiba naman ang ugali.

"Dahil ba 'to kay Lea ha?" sigaw ni mommy hindi ako umimik si David din ay nanatiling tahimik na nakayuko,ang pagkakapareho lang namin ay takot kami kay mommy..'yun na 'yun,si daddy kasi malambot samin pero pag si mommy na mahirap ng makalusot

My Sexy Bodyguard (Virgin Man Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon