Pagkatapos niyang sabihin yun ay nauna na siyang naglakad,nakatingin lang ako sa kanyang likuran hindi parin nag po-proseso sa utak ko na gusto niya akong kausapin.
Para saan pa? Saka nasan naba ang g-girlfriend nito?
"Tss,pa fall" bulong ko at sumunod sa kanya.
Pumasok siya sa room na walang pasyente na.
Sumilip muna ako kung may tao paba sa loob pero wala na,napalunok ako.
'Kami lang sa loob?'
Napatingin ako kay Larren ng tumikhim siya kaya napaayos ako ng tayo at pumasok na din sa loob,napasandal ako sa pinto ng masara ko ito.
Hindi ako umimik at tumungin lang sa sahig,ang tagal narin nung huli kaming nagkita.
At ang sama pa nun,he cheat...dalawang beses,pinatawad ko siya nung una kahit malinaw pa sa sikat ng araw na may nangyari sa kanilamg dalawa ni Sandra the she kissed another girl kahit kami pa naman.
'May galit ba sakin ang mundo?'
"Be my bodyguard,again" napaangat ako ng tingin ng bigla nalang siya nagsalita.
Napakunot ang noo ko,nakaramdam na ako ng inis lalo na't kung makaasta ito ay wala siyang nagawang kagaguhan sakin.
"Hindi na ako sundalo o pulis,hindi narin ako pwedeng maging bodyguard mo" huminto ako sa pagsasalita at humalukipkip."Pumunta ka sa agency at dun maghanap ng bodyguard" seryosong sabi ko sa kanya.
Dahil siguro sa inis ko ay hindi manlang ako nautal,pero ganun pa man hindi ko ng magawang magalit katulad dati.
'Naka move on na ba ako?'
Nakita ko ang paglunok niya kaya napapilig ang ulo ko at mas pinagmasdan pa ang bawat galaw niya.
Mas lumaki ang katawan niya,parang nakikita ko na talaga si David sa kanya...nag angat ako ng tingin sa muka nito ng tila nanigas siya sa kinatatayuan.
"What?" tanong ko,alangan naman ako pa ang mahiya sa sitwasyong ito?
"W-Wala..." sabi nito at napalunok.
"If that's the case,makakaalis na ba ako?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay.
Hindi siya umimik kaya tumalikod na ako at dali daling binuksan ang pinto.
Napahinga ako ng malalim ng makalabas hindi ko namalayang pigil na pala ang hininga ko sa loob.
Napalunok pa ako at sinuklay ang mahabang buhok.
Dali dali na akong naglakad palaalis...
Napaseryoso ang muka ko ng makalabas sa hospital.
"Acting innocent huh?" gigil na tanong ko sa sarili at mabilis na sumampa sa motor."Fuck you Herrer!" sigaw ko at pinaharurot ang sasakyan paalis.
'If he is trying to hit me again,to gain my trust and make me fall for his trap....Fuck him!'
Napatawa ako sa sarili habang nag dadrive.
"H-Hayop ka L-Larren" hindi ko na mapigilang mapaluha habang nagdadrive hindi ko mapahiran ang mga luhang pumapatak dahil mahigpit ang hawak ko.
"H-Hayop kaaa!" sigaw ko at pumikit dinama ang hanging dumadampi sa balat.
Napamulat ako ng makarinig ng busina...inapakan ko ang preno pero hindi padin huminto amg sasakyan ko.
Napalunok ako ng makita ang kotseng babangga sakin,mabilis ko itong iniwas at pinabangga sa poste.
Ramdam ko ang hilo,buti nalang may helmet ako napapikit ako ng tila nabingi sa busina at sigawan ng mga tao.
May agad na lumapit sa akin at tiningnan ako lumipas ang ilang minuto ay dumating na ang ambulansiya wala akong maramdaman.
Namamanhid ako ang dilim ay tila hinihila ako pero nilalabanan ko.
"Ms Cricia!?" may nagtagtag sa helmet ko at may kung anong ginawa sa mata ko hindi ako nagsasalita parang hindi parin nababalik ako sa wisyo tanging mga galaw lang ng nurse ang nakikita ko hanggang sa makarating sa hospital.
Napapikit ako ng marinig na ang mga tunog tila mabingi ako ng kalahating oras at muling bumalik.
Nilipat ako sa stretcher,napaigik ako ng maramdaman ang sakit sa likuran ko.
"Call doctor Herrer now!" sigaw nito kaya napamulat ako at tumingin sa lalaki.
"Nasa canteen si Doc! " aligagang sabi ng nurse at pinasok ako sa E.R "Paging Doctor Larren"
"Prepare the emergency room!" bumilis ang hininga ko ng marinig si Larren.
"Move aside! Fucking move!"
"D-Doc.." nag aalangang tawag sa kanya ng nurse napatingin ako sa tabi at dun ko nakita si Larren na masamang nakatingin sa nakaharang maraming ibang pasyente ang naghihintay pero ang baliw na doctor na to.
"O-O.A mo" bulong ko at napapikit siguradong puro gasgas ang likod ko kaya masakita wala namang nagdugo sakin bukod sa brasong pinantukod ko ng tumumba ang ducati ko.
Nakatulog ako sa pag gamot ni Larren sa braso ko,narinig ko ang pag sigaw sigaw niya sa mga nurse bago ako lamunin ng dilim

BINABASA MO ANG
My Sexy Bodyguard (Virgin Man Series #2)
De TodoVirgin Man Duology #2 (UNEDITED) Cricia Carl Kabinini and Mc Larren Herrer Story.