Kabanata 47

1.1K 23 1
                                    

NAKATAYO ako sa park ngayon hinihintay siyang dumating..

It's been 2 months matapos ang pamamanhikan na naganap naging okay nadin sila buti nalang... Napakunot ako ng makitang mag aalas sais na pero wala parin siya napakagat labi ako at nagdesisyong umalis na



Pabalik na sana ako sa sasakyan ng may tumawag sa akin "Hello?" sagot ko at sumakay sa motor mabibigat na hininga lang ang naririnig ko kaya napakunot noo ako "Marvin?" tawag ko pero umirit lang ito narinig ko pa ang pag tunog ng kung ano


"Lea! L-Lea! Si Doc Larren nasa hospital!" sigaw nito kaya napatango ako ng wala sa oras

"Nandiyan paba? Akala ko may lakad kami ngayon..nakalimutan niya ata-"


"Nasagasaan siya ng truck!" sigaw nito na nagpatigil sa akin napakurap kurap pa ako at nagsimulang kabahan

"Pardon?"

"Nasagasaan siya Lea! Pumunta kana dito now na!" sigaw nito at binaba ang tawag


Napatulala pa ako ng ilang saglit bago paandarin ang motor mabilis ang pagpapatakbo ko nito,wala siyamg tawag mula kaninang umaga basta ang sabi niya lang ay magkikita kami sa park tapos ito..


Mabigat ang dibdib ko pero hindi ako umiiyak gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa

Bakit ngayon pa?

Nahihilo ako ng makarating sa hospital tahimik ang labas wala din si manong guard pumasok ako sa loob unang hakbang ko ay may tumunog na kung ano sa hallway napatigil ako at nagpalingalinga walang katao tao


"Lintik" bulong ko at lumabas ulit "Herrer Hospital" basa ko at nagtatakbo muli sa loob akala ko namali ako ng pinuntahan tumakbo agad ako papalapit sa elevator ng biglang namatay ang ilaw madilim at walang tao...hindi ko mapigilang kabahan "Tang ina talaga" bulong ko at humarap sa daan may narinig akong mga yapak ng tao kaya nilabas ko agad ang baril kinasa ko ito at tinutok sa kung saan saan







Napatalon ako ng biglang may pumutok kasunod nun ay ang pagbukas ng ilaw




"Happy birthday Lealine!" sigaw nila pero natigil ang sigawan ng makita ang baril ko napangiwi sila at natawa ng alanganin binaba ko naman ang baril at muling tinago




"Happy birthday to you...happy birthday to you..happy birthday...happy birthday..happy birthday my love" hindi ako nag angat ng tingin pero kilala ko ang boses na 'yun,hindi ako nag angat ng tingin dahil sobrang pula na ng muka ko sa hiya!




"Cricia Carl o Lealine..." naramdaman ko ang paghawak niya sa baba ko may hawak ang isang kamay niya ng maliit na cake meron din siyang birthday hat "Nakalumutan mo na ba ang birthday mo,love?" natatawang tanong niya natawa ako dahil dun nakalimutan ko nga



"July 15.." natatawang sabi ko na ikinatawa din ng iba hinalikan niya ako muli sa labi bago iharap sa akin ang cake






"Make a wish" sabi niya "Huy kanta nga kayo! Hindi naman kayo babarilin ng mahal ko" sigaw niya na ikinanguso ko napatingin ako kay Marvin ng magmodel ito at pumalantik pa ang kamay





"Sabi ni Marvin nasagasaan ka ng truck..ngayon ko lang naalala na hindi ka tumatawid mag isa" natatawang bulong ko bago pumikit narinig ko ang reklamo niya pero hindi ko nalang pinansin







Minulat ko ang mata at unang nakita ang nakangiting si Larren..I love this man,i love him so much at lahat gagawin ko para hindi na muli kami magkahiwalay hindi na ako basta susuko ...lalaban na ako kasama siya



Hinipan ko ang kandila kasunod nun ay ang maingay na hiyawan at palakpakan nila

Ang totoo niyan wala talaga akong hiniling dahil nandito na sa tabi ko ang matagal ko ng gustong makuha,akala ko wala na talaga kaming pag-asa akala ko wala na talaga ang pagmamahal niya sa akin pero hindi pala...

"I love you" bulong niya sa akin at niyakap ako nasa opisina na niya kami habang ang mga nurse at ibang doctor kasama si Marvin ay nasa labas nalaman na din ni Larren na bakla talaga si Marvin

" I love you too" sagot ko sa kaniya at niyakap siya pabalik ...









___________

My Sexy Bodyguard (Virgin Man Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon