Kabanata 12

1.3K 31 0
                                    

"HAHAHAHAHAHAHA" Tawa lang ng tawa si Larren habang kinukwento ni Euni ang mga kabalustugan ko sa dati naming school.

Napakawalangya niya talaga! Traydor(╥_╥)

"Pwede ba! Uuwi na si Larren,Euni tama na yan" saway ko sa kanila dahil pakiramdam ko muka na ako ditong kamatis dahil sa hiya.

Pati panty ko pinapakalat ng babae'ng to.

"Sabay kana sa akin Larren kay Shennalyn ako matutulog ngayon may thesis kaming tatapusin" yaya ni Euni tumango naman si Larren.

"Wala kang kasama dito?" tanong ni Larren sa akin habang hinihintay si Euni na kunin ang gamit niya.

"Oo,ganun din naman ako minsan" maangas ko na sabi medyo magugulatin lang ako pero hindi ako takot.

"Ah ganun ba" kumakamot na sabi niya saktong lumabas naman si Euni kaya hinatid ko na sila sa may pintuan.

Parehas silang kunaway kaya ngumiti naman ako sa kanila.

Napabuntong hininga ako at sasarhan nasana ang pinto ng bigla'ng may humawak dito.

Nakita ko si Larren na humahangos,nangunot naman ang noo ko.

"Bakit anong nangyari?" tanong ko dahil hindi maipinta ang muka niya.

"Nawala ang isa ko'ng gulong!" sigaw niya napabilog naman ang bibig ko at natawa nalang.

"Bakit?" masungit niyang tanong at tuluyang pumasok sa loob ng bahay ko.

Lakas ng loob (¬_¬)

"Nakalimutan mo atang nasa tondo ka!" sigaw ko habang tumatawa nakit ko ang pagpikit niya ng mariin habang ang isang kamay ay hinihilot ang sintido.

"Tawagan mo nalang yung kakambal mo" utos ko sa kanya muka kasing walang balak gumawa ng paraan,mag hahating gabi na din.

"Nasa State" simple niyang sabi at dumiretso sa maliit naming kusina.

"Dun pumapasok?" taning ko sa kanya,narinig ko na kasi ang pangalan ng kapatid niya David...kaso hindi ko na napapansin.

"Nagrerebelda" sagot niya at sumandal sa lababo.

Nangunot ang noo ko.

"Bakit? I'm sorry concern citizine lang ako hindi tsismosa" nakairap ko na sabi sa kanya.

"Defensive kapa Hahaha,naghiwalay si mommy at daddy" sabi niya kaya namilog ang singkit ko na mata.

Nagrebelde ang kakambal niya,mukang hindi tanggap na naghiwalay ang mga magulang eh bakit siya ay mukang chill lang?

"Hindi ako magaling makipagsuntukan kung ang iniisip mo ay bakit hindi ako nagrebelde,takot ako sa baril o a-away ehem!" malakas siyang tumikhim ng makita ang pagtaas ng gilid ng labi ko.

"Bading ka nga" sabi ko sa kanya.

"Hindi noh! Pero naupakan ko si daddy,nung lasing nga lang,natiyempuhan ko na wala sa katinuan kaya sinuntok ko,umalis na ako sa bahay na yun masyadong magulo" kwento niya sa akin medyo naawa naman ako sa kanya.

Katulad ko rin pala siya magaling magtago ng nararamdaman..

"Saan ako matutulog? Ang liit ng sofa mo hindi ako kasya dun tabi nalang tayo sa kama" malaki ang ngiti niya pumitik pa siya sa akin na tila may matumbok na kung ano.

"Gawa na tayo ng baby" sabi niya kaya nahagis ko sa kanya ang plastic na baso sa inis..

Akala ko titino ngayong nagkwento tungkol sa magulang!Pero hindi pala.

Mapanlinlang si bading(。ì _ í。)

"Sige na Ping" lalo'ng kumulo ang dugo ko ng marinig ang ginawa niyang endearment sa akin kaya iniwan ko na siya dun.

"Ayaw mo ng magandang lahi?" inosente niyang tanong ng payagan ko siya na makatabi pero may unan sa gitna.

Sinamaan ko naman siya ng tingin pero ng peace sign lang.

"Mag kwento ka dali" sabi niya habang umaayos ng higa paharap sa akin samantalang ako ay nakatingim sa kisame.

"Ayaw mo pang matulog?" tanong ko sa kanya.

"Ayaw" matigas na sabi niya,sige pag bibigyan kita pero ngayon lang Larren dahil bukas titingnan natin kung mag iistay kapa ba kung malaman mo kung anong klaseng buhay ang meron ako.

"Magtanong ka" utos ko sakanya.
"Sinong crush mo? Sinong first kiss mo? Nainlove ka naba? Nagmahal kana ba?" sunod sunod niyang tanong na ikinapikit ng mata ko narinig ko ang pagtawa niya.

"Napakawalang kwentang tanong" bulong na narinig naman niya.

"Don't say that! Love is everything,because of love people change,because of love our God save us from our sin" sabi niya sa akin kaya napaharap ako sa kanya

"Turo ni mommy yun kaya hindi na ako nag-fi-flings pero kung nagwo-worry ka kung may nakauna sa akin Ping,wala virgin pa ako"seryoso niyang sabi hindi ko napigilang mapatawa.

Nangunot naman ang noo niya at napanguso kaya hinila ko ang humahabang nguso ni bading,napakalandi!

My Sexy Bodyguard (Virgin Man Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon