Kabanata 40

977 22 0
                                    


_____________________

"Tinanong mo ba sarili

Minahal mo ba talaga ako?

Ni minsan ba ay inalala mo

Ang kwentong tayo ang bumuo"

Binato ko ng unan si Marvin ng kumanta bigla ito,umalis na muna si Larren para kunin ang gamit niyang dadalhin pauwi,isasama na muna namin siya sa condo dahil 'nag request' ang manluluko na sumama samin dahil ayaw daw niya kuno,madamay ang pamilya niya!


Humagalpak ng tawa si Marvin at tumayo sa upuan akala ko kung saan siya pupunta 'yun pala sasandal lang sa pader para mag walling.

"Pilit kung kalimutan ka

Bakit hindi ko kaya " napatulala ako sa kinanta niya,napalunok ako at biglang nailang.'relate ba?'

Napahinga ako ng malalim..

"Nung tayo pa

Nakikita ko ang ngiti sayong mga mata

Nung tayo pa

Ang saya nating dalawa" hindi ko napigilan at tumayo na.

Tumigil naman ito at nginisihan ako.

"Ayy,bakit parang kasalanan ko pa?" tanong niya."Kumakanta lang naman ano kaba" tawa niya pero hindi ako umimik at masamang tiningnan lang siya.


Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito.

"Let's go?" alanganing tanong nito,hindi naman ako umimik at mabilis na nagmartsa paalis.

"Babe sorry!" rinig kong tawag ni Marvin,pero tumatawa parin.


'Tss,nung tayo pa,who the heck compose that song?'

"C-ricia!" tawag ni Larren pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad."N-Nag away ba k-kayo ni Marvin?" tanong nito pero hindi ko sinagot at sumakay na sa elevator sumunod siya,nakita ko si Marvin na nakangisi sakin hindi ito sumakay...pesti!



"N-Nag away kayo?" napapikit ako sa tanong niya.

"Hindi" matigas na sagot ko nakatingin lang sa repleksyon namin dalawa.

"B-Break na kayo?"

Napatingin ako sa kanya ng tanungin niya 'yun.

Umiwas naman ito ng tingin,at napakamot sa batok.

"Hindi kami magbibreak,dahil biniro niya lang ako at hindi linuko" may sarksamong sagot sa tanong niya.


Napaharap ito sakin,kita ko ang sakit sa mga mata niya pero hindi ako nagpatinag.

"Hindi niya ako niluko Larren" serysong sabi ko pa."In fact,palagi siyang nasa tabi ko ng niluko ako ng mundo" mundo ko....Larren..ikaw 'yun

At yun ang masakit ginawa kitang mundo ko,na sayo lang umiikot ang buhay ko nuon na lagi kang nasa isip ko 'nuon' kapag magdedesisyon ako.


"P-Please...l-let me explain" biglang pakiusap niya at hinawakan ang dalawang braso ko.


Napaiwas ako.

"Kung ano man yang sasabihin mo,wala naring saysay,may boyfriend na ako at mahal ko siya,hindi kita m-mahal Larren.." napaiwas ako ng tingin ng nakita ko ang pagpatak ng mg luha niya.




Hindi ako makahinga sa lugar na to...

I want to breath! Lintik



Pilit kong nilabanan ang pagtibok ng puso ko at awang nararamdaman ko,mabilis ang hininga kong nakatingin lang sa repleksyon namin sa elevator tila sobrang tagal na namin sa loob.

My Sexy Bodyguard (Virgin Man Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon