Kabanata 1

3K 55 0
                                    

"Tumakbo kana Lea!" sigaw ni mommy na ikinailing ko sobrang lakas ng kabog ng puso ko pakiramdam ko aatakehin ako Nanlalabo narin ang mata ko dahil sa pamumuo ng luha.

"Tumakbo kana hmm... Bumalik kana lang  okay? Ayos b-ba yun a-anak.. Humingi ka ng tulong kayla tito Herrer mo" pakiusap sa akin ni mamo at sinuot sa akin ang kanyang kwentas na bigay sa kanya ni papo tinamaan  siya bala sa binti hindi niya kaya'ng lumakad na kaya huminto kami sa may pintuan ng kitchen.

Wala si papo may tumawag sa kanya sabi niya kanina emergency at babalik din pero sobrang tagal niya.

Narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto kaya yumakap na ako kay mamo.

Parehas kami'ng umiiyak pakiramdam ko pag bumalik ako may kung anong mangyari kay mamo.

Nag-ri-ready pa kami bukas para sa birthday party ko dahil mag ti-ten na ako pero ito ang nangyari.

Bigla na ako'ng tinulak ni mamo,nakita ko ang sunod sunod ng kanyang pagpatak.

"I-I love you darling n-now g-go" utos ni mommy na lalong nagpasakit sa bata ko'ng puso.

Tumakbo ako,dumaan ako sa garden kung saan lagi ako'ng dumadaan pag tumatakas.

Takbo lang ako ng takbo papunta sa mansyon ng mga Herrer nadadapa man ay babangon at tatakbo muli pero sa huling pagkadapa ko hindi na ako nakabangon dahil narinig ko na ang sunod sunod na pagputok ng baril.

Pakiramdam ko namatay ang katawang tao ko sa narinig tumigil ang hininga ko panandalian sa sakit na nararamdaman.

"M-Mamo.." naluluha ko'ng bulong nasa tapat na ako nila tito Leo Herrer kaibigan ni daddy.

Nakita ko ang paglabas ng mga bad guys sa gate namin nagsipasukan sila sa kanilang sasakyan at pinaandar.

Tumayo ako kahit nanlalambot tatakbo nasana ako muli ng may magtakip sa aking bibig at binuhat ako naalala ko ang cctv na sinasabi sa akin ni Larren tuwing maglalaro kami dito.

Tumingin ako dun na tila nagpapaawang tulungan baka sakaling nandiyan sa loob ang mga Herrer pero wala.

Lahat ng pag-asa na kahit isa ay may makaalam ng nangyari sa bahay,sa amin ni mamo ay wala.

Tumangis ako ng tumangis pinagsusuntok ko ang lalaki na nakahawak sa akin nasa sasakyan na kami ng mga bad guys.

Natatakot ako! Anong gagawin nila sakin? Anong nangyari kay mamo?

"A-Anong ginawa niyo sa mamo ko! Mga bad kayo!b-bad,Papo! Help m-me!" umiiyak ko'ng sigaw pakiramdam ko namamaos na ako sobrang sakit na ng lalamunan ko dahil kanina pa ako umiiyak ang akala ko maaawa sila kahit kunti manlang pero hindi mga halang ang kanilang bituka.

Naalala ko ang sinabi ni kuya....nung nasa korea kami.

'Princess remember this okay? Kapag may hindi magandang nangyari sayo don't shout kasi sasakit ang lalamunan mo,instead be quite ka lang hmm..wait us mamo and papo will save you I will save you no matter what' nakangiting sabi saken ni kuya hindi siya sasama pabalik ng pilipinas dahil magulo daw dun i don't know but....hindi naman magulo the place is so beautiful mga tao nga lang iba

'Love you!' sigaw ko at niyakap siya.

Hindi ko magawa ngayon ang sinabi ni kuya sobrang sakit nakita ko na mabaril si mamo sa binti.

Naalala ko na naman ang nangyari kanina kung paano siya bumagsak dahil sa pagtama ng bala sa kanyang binti.

Hindi ko mapigilang kagatin ang lalaking katabi ko sa kanhang braso.

"Jackson! Patigilan mo nga yan!" sigaw nung isang lalaki.

"Fuck! " sigaw nung lalaking kinagat ko.

My Sexy Bodyguard (Virgin Man Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon