Kabanata 30

959 18 0
                                    


Bumuo ng plano si David para mapatay ang kanang kamay ni papo.

Hindi nila alam hindi nila alam na si papo ang may pakana ng lahat ng to...

Nakakaalala na ako simula nung mahimatay ako sa bahay namin dati pero hindi ko muna pinaalam.

Kailangan ko magpanggap na walang alam para makagalaw ng maayos.

"Wala sila dito" yun lang ang sinabi ko kay David ng matapos makipagpalitan ng putukan.

Alam ko na traydor nga ako pero plano ko itong lahat pinaikot ko lang sila,inutusan ko si Giovanni na kunin si Eunice at Larren para makuha ang mga papeles na nakatago sa bahay ng mga Herrer at sa opisina ni Larren binayaran ko si Jashmine nurse nila na kunin yun,kailangan kong iligtas si papo hindi ko hahayaang magkaroon ng ibedinsiyang magtuturo na si papo ang sindikatong tinutugis nila tinakot ko si General maging si Arevalo naiintindihan nila kaya nangako ako na magiging malinis ang lahat walang maiiwang ni isang bakas namin.


Muntik na akong mabaril pero nailigtas ako ni David.

Pinauna ko ng umakyat si David sa taas tumingin ako sa paligid hindi ako pinapaputukan ng mga kalaban dahil kilala nila ako pero sadyang may sakim talaga buti at naunahan ko.


Dali dali akong umakyat nakita ko na nakadagan si David kay Giovanni...hindi yan lalaban David umalis kana diyan!


Inawat ko siya pero siniko niya ako,hinayaan ko muna ng pasimpleng kumindat si Giovanni sakin na putok na ang nguso nilapit ko si Larren na may tama sa binti napasimangot ako,bakit naman binaril?


"H-Honey.." napatingin ako sa kanya naalala ko na takot siya sa baril pero kailangan kong barilin ang kapatid mo para tumigil.


Binaril ko sa balikat si David dahil papatayin ako ng Delta pag namatay si Giovanni.

"You shoot me" hindi makapinawalang sabi niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay at nauna na sa kanila


Ako na ang gumamot kay Larren nakatingin lang siya sakin pero hindi ako naiilang sanay na naman ako.

"M-May kinalaman ba sila?" tanong niya

"Saan?" tanong ko habang hindi tinatapunan ng tingin siya.

"Sa lahat sa pagkamatay ng pamilya ni Deleon sa pagkawala ng mga papel namin ni David na magtuturo sa p-papo mo" sabi niya na ikinatigil ko sa paggamot sa kanya..


"Wala akong alam" seryosong sabi ko nakita ko ang takot sa mga mata niya at tumango tango.

"T-Tinatanong lang k-kita,h-hindi kita pinagbibintangan...h-honey" sabi niya at hinawakan ang pisnge ko tumango lang ako at binaba na ulit ang tingin sa binti niya.



"W-Wag mo akong iiwan" napatigil muli ako sa sinabi niya naramdaman ko ang pagbabara sa lamunan ko kinagat ko ang labi ko pilit pinapatatag ang sarili.


Tumingin ako sa kanya at tumango ngumit naman siya at hinila ako payakap dun na...hindi ko na mapigilang ibuhos ang mga luha.


'I'm so sorry Larren..sana mapatawad mo ako,mahal na mahal kita mahal na mahal'



Nakangiti lang ako habang nakatingin kay David at Eunice na naghahalikan na naman sa reception ng kasal nila.

"Honey..." napatingin ako kay Larren ng yakapin niya ako mula sa likod.

"May emergency sa Hospital,babalik din agad ako pagkatapos" bulong niya at hinalikan ang leeg ko napatawa ako pero nawala ang ngiti ko ng makita si kuya na seryosong nakatingin sakin napaiwas agad ako sa kaba agad akong humiwalay kay Larren at hinila siya palayo ng kunti sa lugar na yun.

"May problema ba?" nagtatakang tanong niya kaya umiling agad ako.

"Hatid na kita agad para mabilis kang makarating at makabalik" pinilit ko pang magbiro kaya natawa na siya napahinga ako ng malalim at ngumit pabalik tumigil siya at unti unti nilapat ang labi sa akin hinalikan niya ako,halik na tila tutunaw sa akin,perro hindi katulad dati may halong sakit....mariin kong pinikit ang mata ko at gumanti ng halik sa kanya ang luha ay hindi na naman napigilan napatigil siya at ngumitng pinunasan ang mga luha ko.

"Tears of joy? Namiss mo talaga ako eh! " nakakalukong sabi niya at niyakap muli ako.

Hindi na ako umimik at kumaway nalang sa kanya.

"This is the last time Lea,this is the last" napatingin ako kay kuya na nasa likod ko na pala,umiiyak akong tumango at pumasok kailangan ko munang puntahan si Eunice.

Pero napabagal ang lakad ko ng makita ang pamilyar na muka.

'Papo'

Nangunot ang noo ko ng makita ang kasama niya.

'Tita Marilyn?'

Huminto sila ng makitang nakaharang ako nakatingin lang ako kay papo pero malamig lang itong nakatingin.

May sinabi si tita pero hindi ko naintindihan hanggang sa lampasan na nila ako.

Baka hindi si papo yun hindi niya kayang paltan si mamo...hindi.

Tinanong ko si Eunice kung sino yun pero sa papo talaga tinanong ko pa kung may anak na babae sila hindi sumagot si David alam niya ang iniisip ko siguradong alam na niya na nakakaalala na ako.

Napahawak ako sa ulo ko pero bago pa ako mawalan ng malay ay..

"C-Call Larren" mahinang sabi ko bago magdilim ang paningin ko


My Sexy Bodyguard (Virgin Man Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon