Kabanata 29

944 21 0
                                    


Nasa condo ako ni kuya ngayon sinabi ko na huwag munang ipaalam ito kahit kanino.

"Sigurado kabang hindi ka matutulog dito?" tanong ni kuya pero umiling lang ako at tumayo na.

"Kailang kong puntahan si Larren" paalam ko nawala ang ngiti niya at napalitan ito ng galit.


"Lumayo kana sa mga Herrer na yan" seryosong sabi niya kaya napakamot ako kilay ko.

"Boyfriend ko na siya" pagbibigay alam ko hinampas niya ang lamesa na ikinaigtad ko.

"Makipaghiwalay kana sa kanya!"

*****

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari.

"Captain!" sigaw nila pero tumango lang ako at dumiretso kay tanda nakita ko siyang lumalamon kaya padabog kong sinarado ang pinto nabulunan naman ito at sinamaan ako ng tingin habang kumakain.


"Ako ang bunsong anak ng mga Chen" diretsahang sabi ko napaubo muli ito na ikinangisi ko..

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong nito

"Ako ang anak.." pinutol niya ang sinasabi ko at pumitik.

"Oo na uulitin pa eh"

Napakamot ako sa sinabi niya. Nagtanong siya malamamang sasagot ako.

Sinabi ko ang mga nangyari kanina at kahapon seryosong nakikinig lamang siya.

"Lalong napatunayan natin na gumaganti sila sa mga Herrer,sasama kapaba sa labang to?" tanong niya." Cricia....pamilya o si Larren?" seryosong tanong niya na nagpatigil sa hininga ko.


Kapag sinabi kong pamilya kailangan ko ng umalis dito at iwan si Larren sasama ako sa pamilya ko at ako na ang hahanap ng paraan para tumigil ang gulo kapag si Larren...mapapahamak siya kahit piliin ko siya..


Napakagat labi ako ng maramdamang maiiyak na naman ako,bakit ang iyakin ko ngayon?


"Give me 5 days to think" yun lang ang sinabi ko at lumabas na.




*****


"Ang tahimik mo,may problema ba?" napatigil ako sa pagsubo ng kanin ng magtanong siya.

Nag angat ako ng tingin at binaba ang kutsara,tumingin muna ako sa dumadaang nurse,nasa canteen kami pinuntahan ko siya para sabay kaming kumain.


"Wala...wala Larren" tiningnan ko siya nakita ko ang pagkunot ng noo niya at pagtango.

'Kaibigan ko siya dati? Sila ni David...nakalimutan naba nila ako?'

"May kilala kabang Lealine?" tanong ko nakita ko ang pag ubo niya at malalaki ang matang.tumingin sakin.


'May alam kaba?'.


"W-Wala...wala ako'ng kilala" sabi niya at nag iwas ng tingin,nakaramdam ako ng sakit sa dibdib.

"Larren...bakit?" yun nalang ang nasabi ko sa kanya hindi ko na napigilang maluha.

"Nakakaalala kana" seryosong sabi niya pero umiling lang ako habang pinupunasan ang luha.

"A-Alam mo" nasasaktang sumbat ko sa kanya.

"A-Ayokong madamay ka" umayos siya ng upo at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa hinayaan ko siya.

"N-Nadamay na ako Larren,nandun kayo,kaya galit sa inyo sila kuya dahil nandun kayo p-pero hindi kayo lumabas hinayaan ng ama mo n-na mamatay kami" kinagat ko ang labi ko sa sinabi ko nakita ko ang sakit sa mga mata niya kaya nag iwas ako ng tingin. "Ang galing n-niyo ang galing niyo ni David na paikutin ako ang mga pulis na w-wala kayong alam" tumayo na ako natatarantang tumayo naman siya."H-Hindi ako makikipag break kung yun ang k-kinatatakot mo kailangan ko lang ng space" sabi ko nakita ko ang sakit sa mga mata niya kaya tumikhim ako at umaktong aalis.

My Sexy Bodyguard (Virgin Man Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon