Kabanata 34

896 17 0
                                    



"Hello?" sagot ko sa tumawag ,papalabas na ako ng kwarto ng may tumawag sakin hindi to nakaregister kaya nagtataka ako kung sino to.

"Hello?!" medyo lumakas na ang boses ko dahil hindi to sumagot."Marvin magbihis kana isasama kita,hello nga?" inis na tanong ko nakita ko ang padabog na pagtayo ng bakla at lumapit sakin,nakabusangot ang muka nito kaya hindi ko na pigilang mapatawa ng malakas napasinok pa ako kaya sabay kaming tumawa hanggang sa mamatay ang tawag.

Napakurap ako at pinagkibit balikat nalang baka si kuya lang.


"Magbihis kana putcha" sabi ko sa kanya pero tinaasan lang ako ni Marvin ng kilay at tinalikuran na ako.

Napaupo ako pero napakunot ang noo ng tumunog muli ang cellphone tiningnan ko ito at napabuntomg hininga ng makitang ito na naman ang tumawag.


"Kung prank ito,please busy ako sa boyfriend ko" inis na sabi ko at sinandal ang ulo sa sofa wala akong marinig kundi mabibigat na hininga lumabas na si Marvin tiningnan ako nito na nagtataka..
.

Inabot ko sa kanya ang cellphone,alam na niya yun kaya tinitigan ko lang siya.


"Hello? Sino to Boyfriend niya to pwede ba- ay pinatay"

Inabot niya sakin ang cellphone nagkatinginan pa kami at parehas nalang na natawa..


"Daw tunay" tawa ko at nakipag apiran sa kanya.


Parehas kaming lumabas naka black outfit ako ngayon black na fitted jeans at black na off shoulder ganun din ang takong ko at si Marvin naman ay nakapink na tshirt at black na pantalon naka cap kami pareho na black na nakatatak na lovers.


"Ang init talaga dito sa Pinas"maarteng pahayag ni Marvin ng mapansing may nagpapacute na estudiyante sa kanya.

Napangisi ako ng mamilog ang mata ng bata kasi naman,sino nga bang mag aakalang bakla ang isang to!



"Lets go Marvin" malamig na yaya ko ng makipagtitigan pa ito sa batang yun.

"Hindi ako pumapatol sa babae" defensive na sabi nito pero nginisihan ko lang siya.

"Shennalyn Espejo" sabi ko sa pangalan nung bata,nakalagay sa I.D niya na nakasabayan namin sa elevator.

"Hindi ko tinatanong" nakairap na sabi niya.

"Handa akong magparaya Marvin" mapanuyang sabi ko sa kanya.

****

Nakarating kami sa Restaurant na ukapado ng Delta ngayon...


"Nasa loob na sila"napatigil ako ng marinig ang boses ni Tiger,nagsisigarilyo sa gilid ng sasakyan niya.


Napakapit sa braso ko si Marvin dahil dun.


'Gwapo nga naman silang lahat pero katulad ng sinabi ni kuya mga walang awa to.

"Sige" malamig ko ring sabi at hinila na paalis si Marvin dun.

Nangunot ang noo ko ng madilim sa loob walang kahit na anong marinig ni kaluskus ay wala...


"L-Lea?" utal na tawag ni Marvin.

Napapikit ako ng may marinig na pumutok at pagbukas ng ilaw napairit naman si Marvin pero napamulat ako ng marinig ang palakpak ng isa hanggang sa dumami.

"Surprise" malamig nilang sabi na ikinangiwi ko...

"O-Okay.." nakangiwing tango ko.

"Ang weird nila" bulong sakin ni Marvin habang kumukuha ng isang lobo na nakakalat sa sahig.


Ngumiti ako kaila Isaac,they are  my friends now kaya may pa surprise hindi ko naman sila masisisi na wala silang alam sa ganito dahil ang alam lang nila ay bala at baril,dugo at labanan...



"T-Thank you" nakangiting pagpapasalamat ko ng ipaghigit ako ni Gray ng upuan.


"This is hilarious" napapailing na sabi ni Giovanni kaya napatango ako, it is..

"Eat" utos ni Isaac na nasa kabilang dulo ng upuan kaya nagsimula ng mag kainan sila maging ako at si Marvin ay gumaya nalang.


"Surprise yung kanina 'no?" mahinang tanong ni Marvin kaya natatawa akong tumango.



"Yeah..." sagot ko nalang at sumubo ng pagkain.


"Weird nila"...



Napasandal ako ng matapos kumain,sana kasama ko nalang sila palagi ang daming pagkain!


"We have a new mission" panimula ni Isaac sa dulo kaya napahinga ako ng malalim at nakinig sa kanya maging si Marvin na kukuha pa sana ng salad ay napatigil ng mapansing siya nalang ang lumalamon.


"Michael Harobi..56...shoot to head,ikaw ang gagawa Lea" malamig nitong sabi medyo nagulat pa ako pero napaghandaan ko narin ito kaya tumango ako.


"Pwedeng sumama?" tanong ni Xian napatingin ako sa kanya.

Lalo silang dumami,dumami ang lulupig sa mga kurakot sa bansa si General na ngayon ang nagbabayad sa kanila kaya safe sila sa batas.


Isaac Hernandez the oldest, pinakamakapangyarihan ang salita niya siya ang gumagawa ng batas sa kanilang grupo at iisa lang yun ang sino man ang magkamali ang makagawa at makapatay ng hindi inuutos ay hahagupitin ng 40 .


Sunod sa kanila ay si Carter Thompson Mayor ng San Agustin hindi pala salita at pino ang bawat galaw.Tiger Espejo..

Nangunot ang noo ko ng maalala si Shennalyn na nakasabay namin sa elevator.

Shennalyn Espejo...


Jacob Monteverdi,Clint Howard Montero,Trigger Yanzon,Xian Villiafranca,Zeus Ferrera,Primo Escollada at si...

"Isama mo Lea si Marvin,tingnan natin ang lakas ng iyong kaibigan" nakangising suhestiyon ni Giovanni.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sige"namilog ang mata ko ng sumang ayon naman ang bakla!


"Marvin."saway ko pero hindi niya ako pinansin.

"Isang balang tumama sakin isang Fafa sa inyo,dalawang bala dalawang Fafa isa sa inyo tatlong bala tatlong Fafa" tumaas ang kilay nito napatingin ako kay Isaac ng masamid ito.

"Limang bala,isang gabi sayo Giovanni,promise isang gabi lang" kagat labing sabi ni Marvin habang mapang akit na nakatitig kay Giovanni.

Napangiwi ako maging sila ay ganun din!


"S-Si Lea nalang!" sigaw ni Giovanni at tumayo na nagtanguan naman ang Delta at tumayo narin.

"I-Iuwi mo na si Marvin,Lea" mabilis na sabi ni Isaac at nauna ng lumabas.

Nakatingin lang kami ni Marvin sa kanila kinagat ko ang labi ko upang maiwasang matawa sa itsura ngayon ni Marvin,hindi maipinta ang muka nito habang nakatingin kay Giovanni na nagmamadaling lumabas.


"Takot sayo" nakangising sabi ko sa kanya ng tumingin siya sakin pero inirapan niya lang ako at sumandok muli ng pagkain,kami nalang ang natira sa loob.

"Bakit mo ba p-papatayin?" tanong sakin ni Marvin napaiwas ako ng tingin."Diba kasalanan sa diyos yun" tanong niya muli.

"Ayos lang sakin na masunog ang kaluluwa sa impiyerno basta mapatay ko lang ang mga pumapatay na tao dito sa mundo,yun ang paniniwala ng Delta,Marvin" seryosong sagot ko at tumayo. "Umuwi kana,may tatapusin lang ako" utos ko sa kanya at lumabas na sinuot ko muli ang cap at sumakay sa taxi.


"Herrer Hospital" malamig na sabi ko sa taxi driver.

'Sadyang maliit ang mundo,dahil ang papatayin ko ngayon ay isa sa mga doctor ng Hospital nila Larren.'





My Sexy Bodyguard (Virgin Man Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon