Kabanata 2

2.4K 39 1
                                    

Humahangos ako na magmulat ng mata napaangat din ako habang hinahabol ang hininga.

Napanag-inipan ko na naman ang mga malalabong imahe na yun.

Napahilamos ako ng muka naramdaman ko ang pagtulo ng pawis ko.

"Binabangungot ka na naman ba be?" narinig ko na tanong ni Eunice na mukang naalimpungatan ata sa bigla ko'ng pagbangon.

"Matulog kana ulit" utos ko nalang sinunod niya naman ako at hindi na nagtanong dahil alam na naman niya kung tungkol saan yun.

Tumingin ako sa orasan Alas dos emedya ng gabi,tuwing ganito'ng oras ako nagigising na humahangos dahil napanag inipan ko na naman ang pangyayaring yun..

Mula sa babae na may tama ng bala sa binti hanggang sa 'papo ko' na binaril ang lalaking sumusunod at sa batang babae na nahulog sa bangin

Sa tingin ko ay ako yun,hindi lang malinaw ang mga muka pero bawat taon naman ay nadadagdagan ang mga malalabong imahe na lumalabas.

"Lealine" bulong ko sa pangalan ng batang babae na sa tingin ko ay ako.

Hinawakan ko ang bigay na kuwentas nung babae na sa tingin ko ay mama ko,mamo?

May nakaukit dito na Infenity,buti nalang hindi binenta ni tiya dahil baka daw may pumunta ditong pamilya ko muka daw ako'ng mayaman pero wala.

Walang pumunta,walang nag-hanap,sinubukan kaya nila? May pamilya pa kaya ako? Anong nangyari dun sa lalaki na tinatawag ko na papo sa panag inip ko? Eh dun sa kuya...?

Biglang sumakit ang puso ko ng maisip kung anong nangyari dun sa babae na may tama ng bala sa binti parang hindi ko kayang malaman kung ano na ang nangyari sa kanya.

Tumayo ako sa pagkakahiga at bumaba upang uminom ng tubig nadantnan ko ang umampon sa akin na si nanay Ling tiya ni Eunice.

"Oh? Pasaan ka na naman!? Sinasabi ko na nga ba't ikaw ang naririnig ko na nagbubukas ng pintuan! Jusq ang bata bata makikipaglampungan na! Saan kayo nagkikita ng nobyo mo?" sigaw niya sa akin hindi ako nagpakita ng emosyon tamad ko lang siya'ng tiningnan at nilampasan.

Masahol pa siya sa demonyo nakikita ko na lagi niyang sinasaktan si Eunice na sarili niyang kadugo lagi niya ring pinapahirapan at minsan hindi niya kami pinapakain buti nalang nandiyan si Aling Pasing ang aming kapitbahay para patuluyin at pakainin kami tuwing sinusumpong ng kademonyuhan ang aming tiya.

"Hindi ko tipo ang mga lalaki dito,mga dugyot" seryoso ko na sagot sa walang kwenta niyang tanong kung nasa cartoon network lang kami sigurado ako'ng umuusok na ang ilong ni Nanay.

Tumaas ang kilay ko ng sumigaw siya masyado naman pikon ito,mga matatanda nga naman.

"Jusko! Jusko! Bakit ba binigay ka sa akin ni Kapitan!" sigaw niya tinutukoy ang kapitan ng kanilang brg.

Sabi niya nakita niya lang daw ako nun sa gilid ng bangin ang hinuha ay na kidnap daw ako at binaril bago ihulog sa bangin nakita niya kasi ako na may tama ng baril sa tiyan at nabagok ang ulo ko sa bato.

Katulad din ng nasa panaginip ko na kinidnap ako and the rest.

"Dahil sa pera nanay,binigyan ka ni Mayor at kapitan ng pera kaya pumayag ka"seryoso ko na sabi na ikinalaglag ng kanyang panga.

Bubuka ang bibig niya na parang may sasabihin pero hindi niya mailabas para siya'ng tinitibi sa aking paningin.

"Napaka! Napaka ano mo talagang bata ka!" sigaw niya at umakyat na sa kanyang kwarto.

Bato ang bahay na to kung saan kami nakatira ni Eunice pero kwago ang kasama namin,tsk.

Naalala ko nung nagising ako sa hospital.

My Sexy Bodyguard (Virgin Man Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon