Kabanata 3

1.9K 40 0
                                    

Nang dumating ang umaga ay nag-ayos na kami ng sari-sarili namin binilang din ni Euni ang ipon na pera at kasya ito pamasahe at pagkain may ipon din naman ako kahit papaano kaya kapag napunta kami sa Manila ay mangungupahan nalamang kami inabutan naman kami ni Aling Pasing.

"Mag iingat kayo dun ha!"umiiyak na sigaw ni Pau ang bestfriend n.amin kanina ay bigla namin siya'ng hindi nakilala mukang malakas ang tama nito sa mga dayo na nagbabakasyon lamang naman dito.

"Inay! Sasama ho ako sa bayan,sa sakayan ng van! Ihahatid ko sila!" sigaw niya at niyakap kami natawa naman kami dahil binatukan siya ng ina niya.

"Hindi ako bingi!" sigaw din ni Aling Pasing.

"Hindi ko tinatanong arat na Euni! Crish!" sabi niya at hinila na kami papasok sa trycyle na maghahatid sa amin sa bayan upang makasakay sa van.

Habang papaalis ay nakapikit lang si Euni alam ko na ayaw niya ng makita ang lugar ngayong aalis kami dahil paniguradong bubuhos ang masaganang luha niya..

Sumilip ako at tiningnan ang daan papunta sa bahay nila nanay ling kahit ganun siya sa amin ay nakaramdam kami ng awa.

Hindi na nakapag asawa dahil nagalit na siya sa mga lalaki dahil sa nangyari sa kapatid niyang si Milagros ang yumaong ina ni Euni,ang sabi sabi ay ginayuma daw ng ama ni Euni ang ina niya.Hindi naniniwala ang mga tao na mahal na mahal ng isat isa ang mag asawang yumao dahil may kapangitan daw ang tatay ni Euni habang ang ina niya ay sobrang ganda kaya naman kumalat ang balitang ginayuma daw.

"Alam niyo guys! Napakagwapo talaga ng mga dayo dito! Naku ang magpipinsan na yun napakayummy!" biglang sigaw ni Pau kaya gulat ako na napatingin sa kanya hindi makapaniwala na ang inosenteng babae ng Pinamalayan ay ganito,hindi naman ganito to dati ah! Napamulat naman si Euni kita ko ang pamimilog ng mata nito dahil sa gulat,napatawa nalang ako.

"Sinong mga dayo ba yun?" tanong ko nalang dahil halatang walang balak si Euni,study first ang motto nito eh.

"Montefalco! Miguel Ace Montefalco!" sigaw niya kaya nangunot ang noo ko wala ng iba?

"Sino pa?" tanong ko dahil mukang nag hugis puso ang mata niya ng banggitin ang pangalang Miguel na yun.

"Sino pa ba.... Mga Herrer at Villaruel taposs..Che? Chan?,Ken Chen?..ewan yun ang natandaan ko ang laki nilang pamilya dahil kapag nag aasawa ang isa sa kanila nag rireunion sila dito,walang date o kahit na ano basta kung kailan natapos ang loving loving ikinasal dito sila dadayo sa park natin! Yieeeee" napailing ako sa kabaliwan ng babae'ng to.

Mga Herrer? Parang pamilyar ang apelyido na yun?

Pinagsawalang bahala ko nalang ng makarating sa parke kung saan nakaparada sa gilid ang mga van ay bumaba na kami akala ko muling iiyak siya dahil aalis na kami pero hindi bagkos ay dire diretso lang siya papunta sa nagtutumpukang mga lalaki habang kumakaway sa amin,ulol!

Nakita ko pa na itinuro niya pa kami kaya tinaas ko naman ang aking gitnang daliri ito kayo mga ulol narinig ko pa ang kantyawan ng kalalakihan pero hinigit na ako ni Euni at sumigaw sa labas.

"Paalam Paulina!" sigaw niya narinig ko pa ang pagsigaw ni Pau na mukang nagdadalaga na dahil ayaw ng magpatawag sa kanyang tunay niya'ng pangalan pero kahit na ano'ng mangyari siya parin ang Pau ng Mindoro,Pinamalayan na inosente.

Nakapagbiyahe kami ng mapayapa,sumakay sa barko na halos ikinamatay ni Euni,mukang para sa akin lang mapayapa dahil maya maya ang punta niya sa ladies room kakasuka.

Nang makarating sa maynila ay hindi na kami nagulat ng maamoy ang ibang simoy ng hangin,maraming usok kahit magpunta ka sa gilid ng bahay habang sa Mindoro sa aming probinsya sa mga nag iihaw,nag tatap-ong at tambutso lang ng motor mayroong usok hindi katulad dito sari sari na napakarami ding umiinom samantalang sa amin ay kapag may kaarawan,pagdiriwang at bisita lang nakakaisip uminom ng lambanog o tuba,napailing nalang ako sa daming pinagkaiba ng kinagisnang ko na lugar sa magiging permanente namin titirhan.

My Sexy Bodyguard (Virgin Man Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon