Kabanata 22

1.1K 20 0
                                    






Nag aral ulit ako matapos mangyari yung pagkabaril sakin mas tumaas ang ranggo ko at naging sundalo ako hindi ko na din alam ang nangyari kay Arevalo at sa iba pa pero masaya ako na kahit paano ay nakikita ko padin sila dahil may koneksyon padin ako kay Larren at sila bilang bodyguard pa din pero di kalaunan ay nagtraining din hindi ata nakatiis.




Nakaidlip ako pagkatapos ng mahabang seremonyo sa akin ni bading na hindi ko alam kung saan niya dinudukot ang mga salitang lumalabas sa bibig niya akala mo pwet ng manol eh.




"Mam..." nagising ako sa pagtawag ng kung sino nagkusot pa ako ng mata at pinasadahan ang buhok na inilugay kanina.





"Pumunta daw po muna kayo sa office ni Doc at kakain daw po kayo" sabi lang nito at tumalikod.





Sino pa bang nurse yun diba? Eh di yung nurse na sipsip napakalandi ng hinayupak na yun ang sarap tirisin,kahit wala man siyang ginagawang masama sa akin ay ramdam ko ang pagkaplastik niya pagkaharap ako .




Basta ko nalang binuksan ang pinto at pumasok dumiretso ako sa maliit na higaan niya at humilata dun tiningnan ko siya na ngayon ay masamang nakatingin sakin nakakunot ang noo niya na tila masusing pinag aaralan ang buong ako inirapan ko naman siya nababaliw na naman ata ang lalaking to.





"Sa condo ko ikaw matulog" sabi nito at tinaas ko lang ang kamay ko biglang pagsang ayon nakakatamad mag drive Kaya payag nalang ako.





"Mag uusap din tayo mamaya pag uwi" seryosong sabI na naman nito kaya hindi ko na mapigilang mapahagalpak.





"Lintik! Larren tudo na ba yan? Ikaw na ba yan? Yan na yan?" nababaliw na tanong ko na sinamahan ko pa na nakakabaliw na tawa.





"Laugh and laugh and laugh,hanggang gusto mo hanggang kaya mo basta humanda ka sakin mamaya siguradong titino ka sa gagawin ko sayo" hindi ko maiwasang mamula sa sinabi niya kaya hinila ko ang telang naghaharang ng maliit na kwarto niya at ng table niya.





"Bading,bading,bading..." bulong ko pilit pinapaala sa sariling bading ang kausap





"Shit!" sigaw ko narinig ko ang pagtawa niya pero hindi ko na pinansim at sinubsob ang muka sa una.




****




"Ano ba kasi yun?" natatawa ko na tanong dahil pagkarating sa condo niya ay pumasok kami sa maliit na library niya at pinaupo ako pinatay niya ang ilaw at nag on ng flashlight at ipinatong ito sa gitna namin hindi ko talaga maiwasang tawanan siya dahil nakakaaliw talaga ang isang to.




"Parang tanga" bulong ko napatigil ito sa pagpupunit ng maliliit na papel at pagsusulat dun pagkatapos at sinamaan ako ng tingin kaya tumahimik na muna ako at tinitigan nalang ang muka niyang seryoso.



Tagaktak ang pawis niya sa noo habang nagsusulat seryoso siyang nag iisip at magsusulat.


'I really like him pero hindi pa din mawala sakin kung paano niya ako dinurog nuon kung paano ako umasa na may kami pero....napabuntong hininga ako kaya tumingin siya sakin mabilis niyang tinapos iyon at inilapag ang mga papel na malilit na nakatupi.



"Lahat ng mga papel bawat isa diyan ay may mga tanong about hmm...you know" sabi niya kaya tumango ako.


"May ibang blanko lang it means kahit ano pwede at bawal hindi merong 10 blank na papel para fair" tumango tango ako tumingin sa kanya.

My Sexy Bodyguard (Virgin Man Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon