Daeji PoV
Humiwalay siya sa pagkakayakap niya saakin. Ngunit I can see pain in his eyes. Umiiyak parin siya hanggang ngayon. Hindi ko na magawang tanungin sakanya ang nangyari dahil batid kong masakit sa parte niya iyon. Maging ako ay may kaunting kirot dito sa aking puso. Naaawa ako sa lalaking ito, masyado siyang emostional pagdating sa mga ganito. Napagdaanan ko na ito ngunit isang beses lamang iyon nangyari ngunit sakanya, dalawang beses at alam kong masakit na masakit iyon. Sa ngayon ay nakahiwalay na siya sa pagkakayakap niya saakin at nakaupo na siya ngunit nakayuko. Tinitignan ko lang naman siya dahil hindi ko alam kung paano ko babasagin ang katahimikang namumutawi sa amin.
"Mauna na muna ako Daeji, Salamat nalang." Pambabasag niya ng katahimikan, tumayo na siya at nagsimula ng maglakad papalayo. Hindi na ako nakasagot pa at tinanaw ko nalang siya habang papalayo siya sa kinaroroonan ko. Naiintindihan ko naman siya, kailangan niya ng pahinga. Naiwan akong mag-isa dito at hindi ko alam kong ano na ang gagawin ko pagkatapos. Napabuntong hininga nalang ako at tska nagpasyang umuwi na ng bahay.
~Bahay~
-_____- Ano to?
'CONGRATULATIONS FOR HAVING A BOYFRIEND'
Ayan ang bumungad saakin pagpasok ko ng bahay. May mga balloons pa at may mga pagkain sa mesa. Nakita ko sila Kuya, yung kambal, yung Apat(Diether, Arjay,Mark,Justin) at anong ginagawa nila Yelo, abo, at Grey dito?!!! ANONG KAABNOYAN TO?!
"Congratulations Daejiiii" Napakalapad na nakangiting sabi ni Ice at sinundan na nilang lahat.
"Teka, Ano bang trip niyo?" Inis kong singhal sa kanila. Akala nila natutuwa ako? Hindi.
"Magkakaroon kana ng boyfriend diba? Or boyfriend mo na diba?" Nakangiting sabi ni Kuya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya kasabay noon ay napakamot ako sa ulo ko.
"Saan mo naman nasagap yang tsismis na yan?"
"Kila Diether. Nakita ka daw kasi nilang magkayakap kayo. Eto oh, may picture pa kayo" At pinakita naman saakin ni Kuya yung kuha na magkayakap nga kami ni Seig. Nag-init ang ulo ko at binaling ko ang tingin ko kay Diether.
"Ano sa tingin mo ang iniisip mo ha? Do you think this is funny? Kakagaling lang nung tao sa break up yet you're making fun of him? of me?" Halos pasigaw kong sabi. Nakita ko naman ang gulat sa kanilang mga mata pero.
"At kayong tatlo! Anong ginagawa niyo dito? Alam niyo yung katotohanan pero ano to? Nakikisakay kayo sa trip nitong pinsan kong sinto-sinto?" Baling ko kila Ice
"Insan naman—"
"Manahimik ka dyan kong ayaw mong maospital"
"What's going on?" Nagtatakang tanong ni Kuya
"They said you already have a boyfriend Noona" Seichi
"Lahat ng iyon kasinungaingan lang! Wala akong boyfriend! Tapos." Umakyat na akong kwarto ko at pabagsak akong humiga sa kama ko. Iniisip ko pa rin si Seig. Okay lang ba siya? At higit sa lahat, kaya ko ba talagang ikeep yung promise ko sakanya?
BINABASA MO ANG
I Never Wanted This
RomanceI Never Wanted This By: Krypton_Ice "Falling in love is easy, staying in love is a challenge, letting go is hard, and MOVING ON is the hardest." Moving on with SOMEONE, SOMETHING, AND 'THAT SITUATION'.. Will I able to make that MOVING ON easy? --- ...