Chapter 23

93 4 3
                                    

Seig PoV


Nandito kami ngayon sa library dahil dito niya napiling mag-aral. Wala man lang katao-tao. Mga tamad talaga ang mga estudyante na pumunta sa library para mag-aral. Sabagay may Google na eh :3. Pinili pa niya ang pinakadulo para daw makapagconcentrate siya sa pag-aaral dahil tahimik daw doon, library nga eh -__- 

Hay. Naku naman tong babaeng to, hindi nalang nag-aral ng nag aral sa Math. Tanong ng tanong. Ganyan ba talaga siya kahina sa Math? *sigh* 


"Seig, paano to? Itratanspose mo tapos?" 


"Di ba sabi ko walang tanungan? Dapat aralin mo yan mag-isa."


"Tss." Inirapan niya lang ako at tsaka tumingin na ulit sa notebook niya habang nagkakamot ng ulo. Minsan naaawa na rin ako sakanya kasi kahit anong pakita niya ng sagot, mali pa rin. Halos araw-araw ko siyang nakikitang nakakunot ang noo kaya naman nakaka-awa siya. Totoo. Naawa ako sakanya. Kung bakit ba naman kasi pinapasolve ko sakanya yun. Ang korny ko rin naman pala. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at lumapit sakanya. Hindi man lang niya ako lingunin. Mali ata yung first move ko, nababaling yung attention niya doon kesa saakin eh.


"Break ka muna dyan. Pwede mo naman yan masagot kahit kailan mo gusto eh." Tinignan naman niya ako ng masama. Ano nanamang ginawa ko -__-


"Ano ba kasing purpose mo at pinapasagot mo sakin to? May parusa ako? Sige. Ibigay mo na ngayon din. Tatanggapin ko yun." Pabulong-bulong pa siya pero hindi ko na naririnig yung mga pinagsasabi niya. Pero, BAKIT KASI HINDI MO NA LANG SAGUTIN. ANG REKLAMO MO. KUNG HINDI LANG KITA MAHAL. Lumapit naman ako sakanya ng nakangisi. Akala niya ah. Pero sa totoo lang, wala talagang parusa. Sinabi ko lang yun para nga magsikap siyang aralin iyon kaya naman lumapit ako sakanya ng dahan dahan.


"Hoy. Bakit ka lumalapit." Mula sa pagkakaupo niya ng maayos ay halos matumba ang upuan sa kaka-atras niya roon. Hehe, ang cute niyang magblush. Huminto na ako sa paglapit ng magkatapat na ang mga mukha namin.


"Gusto mong ibigay ko na sayo ngayon?" Nakangisi kong tanong.


"O-oO. Ano ba kasi yon?" Halos matawa ako dahil sa pagka-utal niya pati na rin ang ilang ulit niyang paglunok.


"Pwede din. Wala namang makakakita" Nakangisi ko pa ring sabi habang siya ay unti unti ng tinutubuan ng maliliit na butil ng pawis sa kanyang mukha. Inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya. HAHAHAHA :D


"Pucha. Anong gagawin mo" Nauutal pa rin niyang sabi


"Ibibigay ko na yung parusa mo"


"Hindi ko alam na ang landi mo pala Sisig" Pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy pa rin ako sa paglapit sakanya.


"Hoy. Anong ginagawa mo" Mababakas ang kaba sa kanya kaya naman mahirap magpigil ng tawa. Itatawa ko nalang sa isip ko, HAHAHHAHAHAHAA


"Diba gusto mo ng makuha yung parusa mo? So ito na yun" Papalapit na ako sakanya ng biglang...

I Never Wanted ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon