Sapphire PoV
Alam kong mahal pa rin ako ni Seig, ramdam ko yon dahil kung hindi, hindi ganoon ang magiging reaksyon niya sa pagkikita namin kahapon. Tsk tsk. 'Hindi ka pa rin nagbabago babe' Ako parin ang mahal niya kaya wag siyang mag-alala dahil babawiin ko na siya sa ayaw at sa gusto niya.Papasok na ako sa school nila Seig, aba syempre para mas madali ko siyang makuha kaya nag-enroll ako dito kahapon nabadtrip pa ako kahapon eh tsk tsk. Naka chin up ako habang naglalakad na animo'y proud na proud sa sarili, Aba syempre naman Masyado akong maganda para yumuko lang, dapat ipakalandakan kong mas maganda ako sa mga studyante lang dyan sa tabi. Conceited ba? I'm just stating the fact. Lahat ng madadaanan ko, tinginan saakin. Namamangha sa kaalindugan ko.
"Shet pare ang Ganda niya"
"Oo nga pare, ang kinis ng legs.wew"
"Girl, ang ganda ni ate transferee ba siya ?"
"Oo ata girl, kasi ngayon ko lang siya nakita tska ang ganda niya huh inferness"
"Diba yan yung ex ni Seig ?"
"Parang hindi naman eh, tska nasa ibang bansa ata yun eh.Kapal naman ng mukha niyang pumunta dito sa kabila ng panloloko niya kay Seig"
"Oo nga. Sino kaya siya"
Nagpantig ang tenga ko nung narinig ko ang huling sinabi nung babae. Tinaasan ko siya ng kilay at nagderetso ng maglakad. Bakit kung niloko ko siya ? Hindi na ba pwedeng magbago? Heto na nga ako eh at babawiin ko na siya at itama yung pagkakamali ko. Dahil nga nagtransfer ako dito eh syempre inayos ko na din ang sched. ko at kaklase ko si Seig sa lahat ng subject. Wala siyang magagawa, gagawin ko lahat ng pwedeng gawin makuha ko lang ulit siya.
Ice PoV
Iniisip ko parin ang nangyari kahapon dahil hindi kami mapalagay. Iisa lang ang tanong sa aming isipan na nangangailangan ng sagot mula kay Seig 'Mahal pa ba niya si Sapphire?' dahil kung hindi, hindi ganun ang magiging reaksyon niya, dapat parang wala lang sakanya. Sana nga hindi, dahil kung Oo, hindi na namin maaatim na makita siyang nagpapakatanga ULIT sa babaeng yun. Matapos tumakbo at umalis si Seig ay ganun na rin si Sapphire, hindi man lang niya kami binigyan ng pagkakataon na sumbatan siya dahil kating kati na mga dila namin sa pagsumbat sakanya. Nandito kami ngayon sa klase namin syempre at inanounce ni Ma'am na may 2 transfer student daw at dito ang kanyang klase at isa pa may ililipat daw ditong taga section B na section nila Daeji at mga kaibigan niya at nagdadasal kami na sana siya yun,Apat kaming magkakasection sa section C dahil si Sky ay gifted ng matalino talaga kaya nasa A siya kami AVERAGE lang naman XD :D.at sana Wag nilang sabihin na si Sapphire yun dahil kung hindi ..... tsk tsk
"Sana si Daeji nalang yung ililipat na taga B" Sabi ni Grey
"Oo nga eh hehe para masaya ako"Sabi naman ni Seig
"Sus makikipaglandian lang naman gagawin mo eh" Sabi ko at binatukan lang naman niya ako -_-
BINABASA MO ANG
I Never Wanted This
RomanceI Never Wanted This By: Krypton_Ice "Falling in love is easy, staying in love is a challenge, letting go is hard, and MOVING ON is the hardest." Moving on with SOMEONE, SOMETHING, AND 'THAT SITUATION'.. Will I able to make that MOVING ON easy? --- ...