Seig PoV
One Message Receive
"Queen"
I can't. I need your help. I need you. Will you teach me? Tomorrow.
Napangiti naman ako sa text niya. Maka-I need you naman to hahaha.
typing..typing..
To: Queen
As you wish my Queen.
She replied thanks. Why do I call her Queen? Eh yun naman pangalan niya eh, tanggalin mo lang yung s sa quins :D HAHA. Sabado ngayon kaya naman para malibang ako ay nagpunta akong mall at syempre tinawagan ko yung tatlo, wala kasi si Sky eh, ayaw niyang sumama kaya natulog nalang siya. Natatanaw ko na ang mall kung saan kami magliliwaliw, eto ring mall na ito ako niloko ni Sapphire. Well, matagal na rin yun at isa pa, I'm totally over with her. Papalapit na ako sa may parking lot at tanaw ko na silang LAHAT. Tsk. Akala ko mauuna ako sa kanila eh, bilis naman nila.
"Mauuna daw ah, ulol. haha" bungad agad ni Ice pagkababa ko ng kotse
"Tss. Malay ko ba na mas mauuna pala kayo kesa saakin."
"Ang sabihin mo hindi kapa nakakaligo nung sinabi mo yun. Style mo bulok!" Ash
"Eh alam niyo naman pala style ko bat ang aga niyo pa rin pumunta kung alam niyong late ako"
"Kasi nga nakabihis na kami at natyempong asa bahay kami ni Grey kanina." Sabi ni Ice. Tss
"At hindi man lang kayo nagyayaya?Napapadalas ng hindi niyo ako isinasama pag pumupunta kayo sa mga bahay niyo ah. Maduga kayo. Hindi niyo na ako mahal"
Kunwaring nagtatampong sabi ko. Nakakatampo naman talaga.
"Bakla ka talaga. Halina nga kayo. Ano, tutunganga nalang tayo dito? Masyado ng expose ang kagwapuhan ko dito kaya tara na sa loob"
"Tss. Ganyan lang kayo ah." At pumunta naman na kami sa loob ng mall. Inumpisahan naming puntahan ang iba't ibang kainan dito sa mall pero kadalasan ay mga fast food chain.
Syempre, pagkain yan eh :D Hindi naman kami mahilig magbibibili ng kung ano-ano eh. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ng siomai dito sa tabi, marami kasing stall ng mga pagkain na nagkalat dito sa loob ng mall eh, kaya pati yung mga stall na yun ay pinupuntahan namin. Bakit ba, may pera kami at gwapo pa. :D
"Kamusta ang panliligaw mo kay Daeji, dre?" biglang tanong ni Ash
"Hindi ko rin alam dre kung panliligaw ba ang matatawag sa ginagawa ko" Kakamot kamot ng ulo'ng sabi ko.
BINABASA MO ANG
I Never Wanted This
RomanceI Never Wanted This By: Krypton_Ice "Falling in love is easy, staying in love is a challenge, letting go is hard, and MOVING ON is the hardest." Moving on with SOMEONE, SOMETHING, AND 'THAT SITUATION'.. Will I able to make that MOVING ON easy? --- ...