Daeji PoV
Wala kaming ginawa buong araw kundi magtanim ng magtanim -_- hayyy ! nakakapagod pero di bale, Maganda parin ako mwahahaha :D kasalukuyan akong naghahanda para magtoothbrush dahil katatapos naming kumain.
"Dae,meron kabang toothpaste dyan? Wala akong dala eh hehe" sabi ni Violet
"Ayy baklitang toh !Walang dalang toothpaste oh tamad kalang maglabas ?! Alam ko na yang style mo hah !!" sabat naman ni Ani. Tama naman eh, aminin mo rin ganun ka din minsan haha(ganun kasi minsan si Author,minsan lang naman XD)
"Alam mo Juanito, Hindi naman ikaw ang hinihingan ko eh kaya dun kana lang kay Rain,Shooo."Pagtataboy nito kay Ani.Ako naman ay nakatingin lang sakanila,nagtataka talaga ako kung paano sila naging magkaibigan? haha.Muli siyang bumaling saakin
"Ammm Daeji, Penge *__* Pwede ?!" *insert Puppy eyes*
"Oo naman, kunin mo nalang doon sa maliit kung bag yung turtle, Sara mo na rin ah"
"Hahaha, Ambait mo talaga Dae. Thankchuu ^__~" sabay takbo papunta sa Bag ko.
Natapos na rin ako magtoothbrush at pinuntahan ko saglit si Rain.Itatanong ko sana kung alam niya yung mangyayaring maganda sa last day nitong activity dahil unang araw palang ay naboboryong na ako -_- papangit nanaman ang kamay ko, buti sana kung dahil sa sapakan, okay lang eh tsk.
"Hindi ko rin alam Daeji eh, tinatanong ko rin kay teacher pero ayaw niyang sabihin. Pasensya na ha? sige mauna na ako, tulog na ako kasi inaantok na ako eh, tulog kana rin" Sabi ni Rain
"Sige susunod nalang ako" Sabi ko at tumango na lang siya bilang paalam.Tig-iisa kami ng tent so meaning mag-isa ko lang sa tent ko.Nakatayo naman na yung tent ko at naayos ko na rin ito kanina kaya wala na akong proproblemahin. Sila Violet at Ani lang talaga ang may problema dahil mas pinili pa nilang magliwaliw kanina kesa ayusin yung mga gamit nila lalo na ang pagtatayo ng tent nila. Tss yung dalawang yun talaga.
Naglalakad-lakad lang ako dito dahil maliwanag naman ang buwan kaya naman nakikita ko pa rin ang dinadaanan ko. Malawak ang Campsite namin kaya pwede kang magliwaliw ngunit restricted area yung lagpas sa bakod na ginawa nila para sa space ng campsite dahil masukal na sa bandang doon. Napadpad ako sa isang minipark ba to?! ewan ko dahil meron siyang mga upuan pero gawa sa kahoy, may mga flowers dito at para siyang garden kasi maayos ang pagkakagawa dito. basta yun na yun haha (Pasensya na po hindi po ako marunong magdescribe ng mga bagay bagay TT__TT) Naglalakad ako ngunit may narinig akong isang hikbi.... hikbi ng lalaki? Nakatalikod siya saakin kaya hindi kita ang mukha niya. Lumapit ako at umupo sa katabing upuan ng kinauupuan niya.
"Anong magiging reaksiyon mo kung bumalik na yung taong nanloko sayo?" Bahagya pa akong nagulat sa pagsasalita niya. Parang pamilyar yung boses niya ngunit ko hindi maalala kung sino.Tumingin muna ako sa paligid upang masiguro na ako yung tinatanong niya.Mahirap na baka sabihan akong assuming na parang ako naman yung tinatanong.
"Magagalit? ewan ko.Lalo na kung yung ginawa niya eh hindi maalis-alis dito sa puso"
BINABASA MO ANG
I Never Wanted This
RomanceI Never Wanted This By: Krypton_Ice "Falling in love is easy, staying in love is a challenge, letting go is hard, and MOVING ON is the hardest." Moving on with SOMEONE, SOMETHING, AND 'THAT SITUATION'.. Will I able to make that MOVING ON easy? --- ...