Seig PoV
Simula ngayong araw na ito ay sisimulan ko na ang operation: MAKING DAEJI FALL FOR ME. Yes! You read it right. I've decided to make a move, dahil simula nung araw na nakalaya ako sa aking nakaraan ay unti-unting umusbong ang nararamdaman ko para kay Daeji. Noong una ay pinipigilan ko pa yung nararamdaman ko dahil bahagya akong natakot kung itutuloy ko iyon pero alam niyo yung feeling na hindi mo mapigilan yung nararamdaman mo? Yung tipong kahit anong pigil mo eh mapapatingin ka pa rin sakanya at parang tangang nangingiti ng palihim lalo na't nakangiti siya,seriously, ang cute cute niyang ngumiti. I can't take off my eyes from her lalo na't kaklase ko siya at katabi ko pa. By the way, hindi na pala pumapasok sa skwelahan namin si Sapphire mula nung araw na iyon, maganda nga eh, nakatulong din yun sa pagmo-move on ko.
Magsisimula ulit ako sa umpisa. Nakalimutan ko na nga kung paano ang manligaw eh, pero salamat dahil nandyan silang apat para tulungan ako. At hiling ko na sana ay hindi sila palpak. So, let's start the FIRST TRY!
Daeji PoV
It takes two months para tuluyan na siyang maging masaya at natutuwa naman ako para sakanya. Hindi na siya umiiyak at lagi na siyang masaya. Sa katunayan ay close na silang lahat eh -__- Sila Seig and company at Diether and company. Ang galing nga eh, lagi nila akong binubully porket mag-isa ko lang na babae pero lagi din naman silang talo laban saakin. *smirk*
Naging normal naman na ang mga araw para saamin pero hindi pa rin mai-aalis sa mga uod dito sa school ang pagiging chismosa't chismoso. Lagi ko na kasi silang nakakasamang lima since hindi ko na ka-section sila Rain, Violet at Ani, nagkakasama lang kami tuwing lunch time at kapag breaks/vacant. Kung tatanungin niyo naman ang status namin ni Seig ay... no comment, chos. Simula nung mga araw na ang saya-saya niya ay hindi ko maiwasang mapatitig sakanya sa tuwing ngumi-ngiti siya, ang cute cute niya eh. Pakiramdam ko para saakin ang lahat ng ngiti niyang iyon pero syempre, wag tayong mag-assume baka masaktan. Hindi ko kasi sigurado kong ano ang tumatakbo sa isip niya sa kasalukuyan. Ayoko naman ng iungkat yung nakaraan, yung mga bagay na sinabi ko dati sakanya dahil nakakaramdam ako ng hiya. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nararamdaman pero ganun talaga eh, kaya naman napagdisisyunan ko ng wag nalang ako magsabi ng kung ano-ano tulad ng mga bagay na nasabi ko sakanya, yung mga kakornihan ko ba, total tapos na ang trabaho kung tulungan siya at masaya ako dahil nakatulong naman ako kahit papaano. Okay na ako sa pagiging magkaibigan namin.
Nandito kami ngayon sa classroom at kasalukuyang MATH ang subject. Seriously, bakit kasi may math pa. Hindi ko lubos maisip na pati ang number at letter ay kinukwenta na.
"What does the AAA Similarity Theorem states?" Pagtatanong ng teacher namin sa Math. -___- Wala akong alam dyan.
"Ms. Villanueva" Hindi ako nagrereview sa math. Basta kung anong makuha ko yun na yun.
"Ms. Villanueva! Stand up!" Kasi nakakatamad magmemorize ng mga formulas at mga postulates and theorems.
"Inuubos mo ang pasensya ko ah!" At mahirap din i-apply kapag solving na! Kaya ganun talaga. Tsk. Inaantok pa ako sa klase -__-
BINABASA MO ANG
I Never Wanted This
RomanceI Never Wanted This By: Krypton_Ice "Falling in love is easy, staying in love is a challenge, letting go is hard, and MOVING ON is the hardest." Moving on with SOMEONE, SOMETHING, AND 'THAT SITUATION'.. Will I able to make that MOVING ON easy? --- ...