Daeji PoV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko nakahiga at nagmumuni-muni. Bigla ko kasi naalala yung ugok na yon. Yung kaisa-isang taong minahal ko pero iniwan din ako. Bwesit. Hayy. Pasukan na pala bukas at may long quiz kami sa pre-cal. Ginulo-gulo ko ang buhok ko sa kadahilanang hindi ko pa rin magets ang mga lessons namin sa math. Ni hindi ko pa nga nasasagot yung pinapasagot nung sisig na yon. Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni ng tawagin ako ng yagit.
"Insaaan! Nandito na yung crush mo!" Anong crush?
"Wala akong crush. Engot"
"Bumaba ka nalang kasi!" Iritang sabi ni Diether. Bumaba na ako para tignan kung sino iyong tinutukoy niyang crush ko daw. Without looking at the mirror, bumaba ako na hindi alintana kung ano man ang itsura ko galing higaan at bumungad saakin ang gwapong gwapong sisig. OMG.
"May muta ka pa. Hahahaha" sabi niya.
"HAHAHAHHAHAHHA" -___- Bwesit na Diether. Ang lakas ng tawa niya. Dali-dali naman akong umakyat para tignan kung totoo nga ang sinasabi nung sisig na yon at tama nga. Nakasilip yung muta ko sa mata ko. Okay lang iyan, maganda pa rin ako. Bakit? hindi ba sila nagkakamuta? Naligo nalang ako para wala na silang masabi saakin. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Simpling red t-shirt at black short lang ang suot ko tsaka ako bumaba at naabutan ko ang limang lalaki na kumakain na sa harap ng TV.
"Hindi man lang kayo nagyayang kumain. Mga patay gutom" hindi nila ako pinansin at patuloy lang sila sa pagkain at panonood ng captain america. Dumiretso naman ako sa kusina at...
"KUYAAAAAA! BAKIT WALA NA AKONG ULAAAAM!" Sigaw ko. Naku naman. Simot yung ulam namin ngayong umaga na to. Mayroon kasing nakikilamon.
"Magluto ka nalang dyan Queen. Binigay ko kasi kay Seig yung ulam mo." Sigaw niya rin. Nakakainis naman. Wala akong choice kung hindi ang magprito ng sarili kong ulam. Pero bago ako magprito ay kumuha ako ng jacket para panangga sa talsik ng mantika. Prituhan naaa!
*tiktikclicktikclik* tunog ng tumatalsik ng mantika XD
"1..2..3..Waaaa" Mahina kung sigaw nung inihulog ko iyong itlog sa kawali. Tapos nilagyan ko ng kaunting magic sarap. Pagkatapos ng itlog ay inilagay ko iyong tatlong piraso ng hotdog. Iyon lang ang iniluto kong ulam ko. Pagkatapos kung magprito ay naggayat ako ng kamatis tapos nagtimpla ako ng kape ko. Mayroon na ring fried rice na iniluto ni kuya kaya solve na rin to. Kakain palang ako nang magsipunta silang lima sa kusina kung saan ako ay tahimik na kumakain.
"Sorry noona. We eat without you. hehehe" Batukan kitang ulap ka eh.
"Umalis na nga kayo. Kumakain ako dito eh"
"Aalis naman talaga kami. Ilalagay lang namin itong pinagkainan namin sa lababo. Hugasan mo na rin ah?" nakangising sabi ni Diether. Ano daw? Ako maghuhugas?
"Aba't! Hoy! Nakikilamon ka lang sa pamamahay ko!" Ngumisi lang siya at umalis na. Bwesit talaga yung yagit na iyon.
BINABASA MO ANG
I Never Wanted This
RomanceI Never Wanted This By: Krypton_Ice "Falling in love is easy, staying in love is a challenge, letting go is hard, and MOVING ON is the hardest." Moving on with SOMEONE, SOMETHING, AND 'THAT SITUATION'.. Will I able to make that MOVING ON easy? --- ...